Her Innocent Slave 04

136K 2.5K 259
                                    

(HIS) Chapter 04






"Don't go near my friends next time!"

Malakas ang boses niya at pahagis na isinara ang pinto ng sasakyan. Ang panga niya'y mariing nakasara. Galit siya simula nang maki-share ako ng table sa kanila at hanggang ngayon na makauwi na.

"Why? They are now my friends too."

He immediately faced me, annoyed and irritated. Namumula rin siya sa sobrang pagpipigil ng galit at irita. Lalo na nang pagkaharap niya'y nahuli niya akong nakangisi sa kanya.

"Friends? Kailan mo sila naging kaibigan? They are my friends not yours! Can you stop smirking and listen to me? I can't believe it! Bakit ganyan ka?"

"Ako? Bakit ganito?" Turo ko sa sarili ko.

"Oo! Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang ugali mo!"

"I just want them to be my friends. What's wrong with that?"

"What's wrong, huh? This is all wrong! Hindi mo sila gustong maging kaibigan! Sinasadya mo ito! Alam mo na kaibigan ko sila kaya ka lumapit!"

Tumawa ako at walang pakeng sumandal sa sasakyan. Pulang-pula talaga siya. Kulang na lang ay kumbulsyunin siya sa galit at pagsigaw sa akin.

"Ano ngayon? Ano'ng mali doon? Ikaw lang ba ang may karapatan na maging kaibigan nila? Pag-aari mo sila?"

Umawang ang labi niya at umiling na para bang nauubusan na siya ng pasensya sa akin. Tinalikuran niya ako't nagmartsa siya papasok sa loob ng bahay at umakyat sa kuwarto. Nakangisi lang akong nakasunod, natutuwa sa galit niyang halos magpa-usok sa kanyang ilong.

"I want to sleep in another room!"

Pahagis niyang ibinagsak ang hawak niyang bag niya sa aking kama at saka ako sinalubong ng nagmumurang tingin.

"Why do you have to? My room is big. It's more than enough for the both of us." Hindi ko na napigilan na magpakawala ng tawa. Tuwang-tuwa ako na galit na galit siya pero wala namang magawa.

Sa halip na harapin ang galit niya, padapa akong tumalon sa kama. Hindi sadyang napadpad ang tingin niya sa hita ko nang umangat ang palda ko. Mabilis din siyang umiwas ng tingin at nagtungo sa sofa para doon umupo.

"What do you really want from me? Why am I here?" He asked and gently massage his forehead as if he just had a strong headache because of me.

"What I want? I thought I clearly said that I want you?" I cheerfully answered as I popped up my head.

Nakatukod ang siko ko sa kama. Nakapatong naman sa palad ang gilid ng ulo ko paharap sa kanya. While sitting on the sofa, he glared at me. Madilim ang mga mata.

"What do you mean you want me then? Do you want me to fuck you? Is that what you mean? Is that what you want?"

Napanganga ako at napahalakhak hindi pa man siya tapos magsalita.

"Wow! You know the word 'fuck'?"

Lalong nakikitaan ng galit ang mga mata niya sa tuwing tinatawanan ko siya at sa tuwing napapansin niyang hindi ko siya siniseryoso o ang mga sinasabi't tinatanong niya.

"Just answer me! Is that your reason why I'm here? Because you want me to fuck you?" His fists are tightly close now. Ano mang oras tila ba manununtok na siya.

"If I said yes, can you do it? Can you fuck me?" Nakangiting hamon ko, pagilid pa ring nakahiga sa kama.

Naglaban ang aming tingin. In the end, he looked at me defeatedly. He sighed as he again massaged his forehead. He closed his eyes. The silence stretched between us until he swallowed hard and fixed back his eyes on me.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now