Her Innocent Slave 20

126K 2.4K 244
                                    

(HIS) Chapter 20









"Nabiyak na ba ang perlas? How is he? Is he good?"

I rolled my eyes for the ninth time.

"Ate, could you please stop asking me about that? Just tell me what I should drink to prevent me from getting pregnant."

I rolled my eyes and almost stomp my feet because ate was so annoying. Pareho kami ng ugali ngunit mas triple siya kaya hindi kami nagkakasundo. Ako lang pala. Hindi ko siya makasundo kasi sa tuwing mag-uusap kami, hindi puwede na hindi siya mang-aalaska. Mapang-asar siya at pikon ako. Hindi kami maaaring magsama.

"Sagutin mo muna ang tanong ko at saka ko sasabihin sa 'yo." Pilit pa niya.

Tumawa siya nang umirap ako. Kung may alam lang ako sa ganito, never akong magtatanong at hihingi ng tulong kay ate.

"I really hate talking to you."

Tinawanan na naman niya ako nang umirap ako. Pag-ikot ng mga mata ko para umirap, nasalo ni Lucas ang mata ko. Papasok siya sa restaurant. Napangiti siya nang makitang nakasimangot ako. He is wearing a v-neck white shirt now and brown cargo shorts. Basa pa ang buhok niya na sinusuklay niya ng mga daliri pataas habang magalang na nakikipag-usap sa waiter na sinalubong siya pagkapasok.

"Guwapo at maginoo pero medyo bastos? Matangkad at mukhang daks! Napaiyak ka sa laki, ano?" Humalakhak siya.

Hindi ko pinansin si ate. Nakatitig lang ako kay Lucas hanggang sa nakaupo siya sa tabi ko. Something has changed between the two of us after what happened last night. Mas naging open siya at komportable. Iniwas ko sa magandang lalaking katabi ang tingin at muling hinarap si ate. Inilahad ko ang mga kamay ko.

"Give. Me. The. Pills." I said so annoyingly.

I really need those medicine because we did it more than twice last night. Pagkatapos namin sa una at pagkahalik niya sa akin, nagpatuloy kami. Nang matapos doon, sabay kaming naglinis sa banyo at naulit ulit. Pinapalitan ko pa ang sapin ng kama dahil nadumihan namin. Pagkapalit, umulit ulit kami.

"Nanghihingi lang ng update sa pagkawasak mo, e! Ang KJ nito!" Bumaling siya sa katabi ko. "How was your night, Lucas?"

I groaned and threw her the throw pillow. Tumawa lang siya pero inabot din naman sa akin ang gamot. Dalawa iyon. Ang isang kahon at morning pill. Ang isa ay regular pill.

"Paano ito inumin?"

"Ilagay mo sa bibig mo 'tapos lunukin mo."

Inirapan ko siya at sinulyapan ang kamay ni Lucas na pumatong sa balikat ko.

"Oh? Really?" Sarkastiko na sabi ko.

Tumawa si Lucas sa tabi ko na sinamaan ko ng tingin. Ang laking tuwa niya kapag nakasimangot ako. Tinitigan ko ang gamot. Walang instruction sa labas. Binuksan ko na lang iyon upang mabasa ang nakalaman na papel sa loob. Ang nag-iisa ay iinumin ko mamaya. Bukas ko sisimulan na inumin ang regular pills.

"What's that?"

Nilingon ko si Lucas na malapit ang mukha sa akin. Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung bakit disente naman ang ayos niya ngayon ngunit ang nakikita ko pa rin ay ang itsura niya kagabi. Salubong ang mga kilay. Namumula. Hinihingal. Pinagpapawisan. Lumunok ako at pinilit burahin ang imahe niyang iyon sa aking utak.

"Gamot para hindi ako mabuntis."

Pagkasagot ko, bumuka ang mga labi ni Lucas. Bumaling siya kay ate. Nagulat siguro siya dahil pinaalam ko kay ate na may nangyari sa amin kagabi. Natawa si ate at nagtaas ng mga kamay.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now