Her Innocent Slave 17

117K 2.6K 372
                                    

(HIS) Chapter 17





My eyes followed him. At first I was confused as to why he was in such a hurry. Hindi nagtagal, natanto ko kung bakit. Sumunod ako. Tumigil ako sa corridor na nakapagitan sa pintuan naming dalawa. Tinitigan ko ang door knob ng pintuan niya. Parang gusto kong pumasok sa loob at kumpirmahin kung tama ba ako na ginagawa niya ang iniisip ko.

"Lucienne, hindi kayo rito magd-dinner?" Sigaw ni Ate Ysa mula sa ibaba.

"Hindi po!"

Sa huli, pumasok ako sa sariling kuwarto. Naligo na lang ako at nag-ayos dahil pauwi si daddy mamayang gabi. Magc-celebrate kami mamaya. Maging si Ate Riaca ay uuwi rin.

Sa labas kami kakain dahil iyon ang gusto ko. Hindi ko kailangan ng bonggang selebrasyon para sa kaarawan na ito. Maaaring special ito para sa iba at nangangarap ng malaking salu-salo pero para sa akin ay hindi. Bago pa man ako sumapit sa edad na ito'y para sa akin noon pa'y hindi na ako minor de edad. I don't want to grow old fast but at the same time I don't want people to treat me like a kid. In my mind, body, and heart, I'm in the same age of legal status of an adult.

I may be weird finding adult things very interesting. I'm surrounded by adult people and I feel like I'm one of them. For me, teenager relationships and activities are a boring stuff. At the age of ten, I started self-studying about business. I started to get concern about physical combat. Every time my body hurts, I feel the thrill. Shooting with real guns is thrilling and exciting. Racing cars makes my heart beat fast. At the age of twelve, I get in to the adult fights. I can endure and control pain during the battles. I live for new thrill. I live for excitement.

Maraming galit kay daddy dahil sa negosyo. Ganoon din kay ate dahil siya ang nagpapalakad sa mga ilegal na negosyo nila ng mama niya. Kaya naman hindi nila ako sinasaway sa mga gusto kong gawin dahil alam nila na balang araw, kung sakali man na gawan ako ng masama ng mga taong mayroong galit sa kanila'y makakalaban ako ng patas.

"Happy birthday!"

Kauupo ko pa lang iyon na kaagad ang bungad ni ate. Umirap ako na ikinatawa niya. Kakain lang kami sa labas ngayon pero hindi naman ngayong araw ang saktong kaarawan ko.

"Mayroon ka raw tinatago na lalaki sabi ni daddy?"

"Don't ask me anything about him."

"Okay. But you'll be celebrating your birthday to the island. Who will feed your pet if you're not home?"

"I'll bring him with me."

Nakangisi si ate. Nang-aasar ang tingin niya nang masalubong ko ang mata.

"Dadalhin mo? Kasi tapos na ang pangako mo? Bakit? Doon mo sa isla gustong isuko ang perlas ng silangan?"

Sinamaan ko siya ng tingin at ibinato sa kanya ang kutsilyo na panghiwa sa steak. Nasalo niya iyon sa handle. Tumawa siya.

"Ano ba ang pakialam mo? Ako ang may-ari nito kaya ako ang pipili kung kanino ko ibibigay!"

"So, you really mean to surrender your virginity with that man? Hmm. I'm now curious. Is he worth it for my sister's cherry?"

Binato ko rin ang kutsara at tinidor sa kanya dahil sa tono niyang may pang-aalaska.

"It doesn't matter who! At wala kang pakialam! At least ako virgin pa, ikaw hindi na!"

Nagsagutan pa kami. Pareho lang natigil nang magsalita si daddy.

"Girls, can't you see I am still here? Could you two talk about that in private and not in front of my face?" Napapailing si daddy habang sinasaway kami. Natawa kami ni ate.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now