Her Innocent Slave 15

115K 2.3K 267
                                    

(HIS) Chapter 15



I avoided him for the whole week. Not just him but all his friends too. Maliban kay Rome na kinakausap ako kapag nagkakasalubong kami. Lumalapit siya kahit kasama niya sina Catelynn at Leela. They are his friends but he said I am too. He's respecting them to not being too much chummy with me when they are near. But, he's still joining me sometimes in breaks.

"How can they borrow such money? Are your father loan sharks? Hooligan? Or something?"

He had no idea who's my family. Hindi ko naman iyon kailangan ibalandra sa loob ng eskuwelahan. Father don't like bribing school too. Baka raw lalo akong magloko kung mayroon siyang connection sa bago kong papasukan. Sa kanya ko lang nai-kuwento ang tungkol sa utang ng magulang ni Lucas kaya ito sa amin nakatira pansamantala.

"And what do you think of Lucas? An ice cream you bought that you can eat whenever you feel hot? Ginawa mo pang pambayad utang?"

"If you're planning to preach, stop it. I will be much happy to spend my break in resting than listening to your preaching."

Tumawa siya na patuloy lang sa pags-sketch sa drawing paper na dala niya. Sinilip ko iyon at nakitang mga damit at gown ang ginuguhit niya.

"Why is it prone to gay men to be in fashion industry? Is that some kind of ladder of success for a gay like you?" Tanong ko nang mapansin ang ginagawa niya.

"Gaga! How can I stop it if this is what I want? It's not about gender it's about passion, you brat!" Inirapan niya ako.

Mabuti na rin na nagt-trabaho si Lucas. He's studying and working at the same time. Kinuha siyang apprentice ng isang judge. Kamag-anak nila kaya't kinuha siya kahit hindi pa siya tapos sa law school.

Gabing-gabi na siyang nakakauwi at maagang umaalis dahil naging abala sa schedule sa trabaho at eskuwelahan. Nagt-trabaho siya dahil siguro'y gusto na niyang umalis dito. Kagaya nga ng sinabi niya noon na babayaran niya ang utang ng magulang niya.

"Pauwi na ang daddy mo sa linggo na ito. Wala ba kayong plano para sa kaarawan mo?"

Naglapag si Ate Ysa ng niluto niyang merienda sa center table sa sala. Nakapatong sa lamesa ang mga paa ko habang yakap ang unan at nanonood sa malaking TV.

"Maybe just a dinner? He knew I want to celebrate my eighteenth birthday on island."

"Sa isla ba kung nasaan ang Ate Riaca mo?"

Tumango ako at inabot ang cookies na ni-bake niya. Mainit pa iyon at umaamoy ang toppings na chocolate.

"I will go there on midnight of my exact birthday."

"Gaano katagal ka namang mawawala rito?"

"Probably a month or two?" I shrugged my shoulders. I'm not sure yet.

Nag-uusap kami nang pumasok si Lucas sa main door ng sala. Basa ang buhok niya at dress shirt na pang itaas. Alas nuwebe na ng gabi at nakapaghapunan na ako kaya nasa sala ako't kumakain na lang ng cookies bilang panghimagas.

Nagkatinginan kami pagkatapos niyang sipatin ng tingin ang paa ko na nasa lamesa at ang cookies na nasa aking kamay.

Sinusuklay niya ng mga daliri ang basa niyang buhok habang nakatitig siya sa ayos ko. Nahiwalay lang ang tingin niya nang tinawag siya ni Ate Ysa at inalok na maghapunan.

"Naghapunan na po ako sa opisina, Ate. Salamat," tanggi niya. "Si Lucienne po, kumain na?"

Mahina ang paraan ng pagtatanong niya kay Ate Ysa. Hindi niya yata alam na narinig ko dahil tutok ako sa TV na malakas ang volume.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now