Her Innocent Slave 31

86.2K 1.9K 161
                                    

(HIS) Chapter 31




It's six am. Nakayakap ang makapal na kumot sa akin at yakap ang malaki at malambot na unan. Naririnig ko ang pagtunog ng alarm clock subalit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa. Nasa gitna ako ng pagbalik sa pagtulog nang maalala na kaya ako nag-alarm ng mas maaga para sa araw na ito ay dahil ngayon ang araw ng graduation.

Napabangon ako. Pupungay pungay pa ang mga mata ko at magulo ang buhok. Nakatago pa sa kumot ang kalahating katawan ko. Nilihis ko iyon at pagapang na inabot ang maingay na alarm clock. Napairap ako nang ang pumalit naman na mag-ingay ay ang telepono ko. Tumatawag si Aina. Malamang ay ginigising ako. Kinancel ko ang tawag niya para ipaalam na gising na ako.

I prepared myself and wore a kimono. Hindi ako makakapag-bike na ganito ang suot kaya't nagpasundo ako sa nakasasakyan na si Aina. Pagkarating namin sa school, marami nang estudyante sa labas. Naka-kimono ang mga babae samantalang naka-suit ang mga lalaki. Pinagbigyan ang mga ga-graduate ngayong araw dahil napakaganda ng basbas ng araw. Habang naghihintay na papasukin kami, inayusan ni Aina ang aking buhok at dinisenyuhan iyon ng bulaklak na pang-buhok na kagaya sa kanya.

"We're twinny!" Patili siyang humagikgik.

Ngumiwi ako at nangingiting inirapan siya. May pagka-isip bata pero masarap namang kasama. Naba-balance kami dahil magkaiba man ang ugali namin marami pa ring magkapareha.

Nang mag-alas dose, nagsimula ang ceremony. Kinakanta na ang university anthem nang matanaw ko ang pagpasok nina Daddy at Reo. Malaki ang ngiti ko at pinigil ang sarili na tumakbo palapit. Nang matapos ang ceremony, tinakbo ko ang pagitan namin si daddy. Tumalon ako payakap. Natawa si daddy.

"I'm too old to carry you, anak."

Nakangiti akong humiwalay ng yakap sa kanya. Nakakatuwang makitang magkasama ang dalawang importanteng lalaki sa akin.

"Akala ko hindi kayo makakarating!" Nahahaluan ng tampo ang boses ko.

Sa ilang pagbisita ni ate at daddy, nakilala nila si Reo. Si Ate, pinapaupahan niya ang bahay niya pero hindi niya pala kilala kung sino ang nakatira. Basta magbayad ayos na sa kanya. Kaya niya lang nakilala si Reo ay dahil naging kaibigan ko at dahil sinabi kong ito ang kasama kong nakatira sa bahay niya.

"Congrats, fiancee," malaki ang ngiting tudyo ni Reo.

Iniirapan ko siya habang niyayakap. Pagkabitaw ko kay Reo, bumaling ako kay daddy.

"Congratulations, anak." Dad proudly smiled and hugged me. "I didn't expect this. I never thought you'd graduate."

"Daddy!"

Natawa si daddy nang tinulak ko siya paalis sa pagka-kayakap sa akin at tiningnan siya ng masama.

"I know that you're smart but you are not a good student. Palipat lipat ka pa ng school. Kung hindi ka nae-expelled, ang mga dahilan mo naman ay ayaw mo sa mga kaklase mo kaya gusto mong lumipat."

Nakahalukipkip lang ako sa mahabang paliwanag niya. Nang magpalipat ako dito sa Japan, nakaabang si daddy na magsabi ako na magpapalipat na naman ako sa iba. Kaya ngayon, hindi siya makapaniwala na nakatagal ako at nakapagtapos sa isang school na hindi nagrereklamo at nagpapalipat sa kanya.

"I hate you, you don't trust me, daddy!"

He gave a hearty laugh and pulled me for a hug. "Of course, I trust you, anak. Even though you're a brat, I know you're brave and can stand up to whatever you do. You can stand on your own. This is a secret but I actually trust you more than your ate."

"Ate will get upset if she hears you. And one more thing, I was a brat, dad! I'm not a brat anymore! I'm not a teenager anymore and a mature woman now!" I broke our hug and showed him my diploma. "See? I graduated! I'm not your spoiled baby anymore!"

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now