Her Innocent Slave 12

117K 2.5K 280
                                    

(HIS) Chapter 12






Hindi magkanda-ugaga ang lahat dahil sa paparating na school festival. Magkaiba ang oras ng uwian namin kaya pinilit kong magdala ng sariling sasakyan. Hindi naman puwedeng maghintayan kami palagi. Lalo na't ngayon mas madalas, nahuhuli o ginagabi siyang umuwi. Kung kaya niyang maghintay sa akin sa parking lot ng ilang oras, ako hindi. Uuwi na lang ako at matutulog kaysa hintayin siya.

Walang naging problema sa kanila ni Catelynn. Mas okay iyon kaya lang nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit hindi nagsumbong si Leela. Siguro hahayaan niya na si Catelynn ang makahuli sa amin kaya hindi siya nakikialam? O baka nga hindi si Leela ang nakita ko? Sigurado ako noon na siya iyon. Pero ngayon, hindi na ako sigurado.

"Did you see Raymond's costume? Fairy tale theme ang booth nila!"

"Yeah. He's hot but he's too bulky for cinderella!"

Nagtawanan sila. Maraming maingay at mga nag-uusap. Ako lang yata ang nasa isang tabi at nagmamasid lang. Pagkatapos ng school festival ay bakasyon na kaya sinusulit din ng mga estudyante ang mga natitirang araw bago magbakasyon. Ako naman, nae-excite nang pumunta sa isla kung nasaan si Ate Riaca. Doon ako pagkatapos nitong festival.

"Hindi ba siya tutulong?"

"Gusto mo ikaw ang magtanong? Patulungin mo?"

Nagkakagulo ang mga kaklase ko pagkapasok dahil sa ginagawa nila na decoration para sa booth. Tinitingnan ko lang sila at hindi ako nakikisali. Makikikain at bibili na lang ako para makatulong pero hindi nila ako maaasahan sa pag-aayos kahit pa naririnig ko ang iba sa kanila na pinag-uusapan ako. I gave my share of money and that's more than enough.

"Ayoko nga! Huwag na lang! Kaya na natin ito!"

Nagpangalumbaba ako at inignora sila. Nasa malawak na field nakalagay at nakahilera ang mga booths. Pinagdikit at pinagsama para mas madaling makapamili ang mga outsider na gustong kumain. Nasa dulo ang booth nina Catelynn at Lucas. Nasa bandang gitna naman ang sa klase namin. Buong linggo ang festival pero tatlong araw lang ang mga booths. Ang matitira na araw ay nakalaan sa mga games at sports.

Nang makaramdam ng pagkabagot, tumayo ako at nagtingin-tingin ng mga pagkain. Biglang dami ang tao. Mas marami ang hindi pamilyar na sa palagay ko ay ang mga outsider o galing sa iba't ibang school.

"Araw araw iyan pupunta rito kasi araw-araw gustong makita 'yong type niyang volleyball player!"

"Volleyball player? Maganda ba?"

"Oo! Flawless at mahaba ang legs! Kaya lang narinig ko na may boyfriend na!"

Grupo ng mga lalaki ang nag-uusap. Kahit hindi ako magtanong, nahulaan ko kaagad na si Catelynn ang tinutukoy ng mga ito. Nasa likuran nila ako. Nang mapansin ako, nagtulakan sila at pinauna ako. May sumipol sa kanila at nagtuturuan kung sino ang kukuha ng number ko.

"Mas type ko ito, pre!"

Pero, wala doon ang isip ko. Naisip ko na kahit mga taga-ibang school ay nagagandahan kay Catelynn. Hindi pa ba talaga nakahalik si Lucas sa kanya? Kung ang boyfriend ni Catelynn ay isa sa mga lalaking nasa likuran ko, baka nabuntis na siya ng mga ito.

Nahinto ako at tila nahirapang huminga nang may maalala. Ano nga ang sinabi ni Lucas noon? Na pagkatapos nila sa law school, magpapakasal sila?

Kung ganoon, ang mga ginagawa namin ay parang practice sa kanya? Maaaring nakikisakay na lang siya sa akin dahil gaya ng sinabi niya, wala naman siyang choice. Na kahit umiwas siya, makakagawa ako ng paraan para lumapit. He's indebted to me and to make his life easy, he just go with the flow. Kung ikasal na sila ni Catelynn, hustler na siya at alam na ang gagawing pagpapaligaya sa girlfriend niya.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now