Her Innocent Slave 47

92.5K 2.2K 598
                                    

(HIS) Chapter 47



He put the empty lunch boxes back in the thermal bag. Sinarado niya ang blinds at hinila ako papunta sa swivel chair niya. Doon niya ako pinaupo sa swivel chair samantalang siya’y kinuha ang upuan sa coffee bar upang doon maupo. Magkatabi kami nang ginalaw niya ang laptop niyang nasa ibaba ng office table. Pinagmasdan ko siya habang seryoso siyang nagtitipa at nagta-trabaho.

Sumusunod sa pagkurap ng mata niya ang kanyang pilikmata. Ang ilong ay parang kay sarap padaanan ng mga daliri. Mas gumanda ang hulma ng kanyang panga ngunit hindi nagbago ang kinis ng balat. Ang labi niya’y kahit hindi hawakan ay masasabing malambot sa unang tingin pa lang.

Kung hindi ganito ang itsura niya, mapapansin ko kaya ang magandang kulay ng mga mata niya? Oo na aaminin ko nang mas una akong na-attract sa itsura niya at sumunod na lang sa kanyang mata. Nakatagilid siya noon dahil may kausap kaya galaw ng labi niya ang una kong nakita. Simpleng manamit ngunit malinis tingnan. Inosenteng tumawa at gumagalaw ang adam’s apple sa tuwing nagsasalita. Sino ang hindi maa-attract?

“By the way, who’s that guy?”

Abala ako sa paninitig sa kanya nang lingunin niya ako. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay niya at mukhang may naalala na nagpasama sa timpla niya.

“What do you mean who’s that guy?” Ulit ko. “Which guy are you talking about?”

Tinitigan niya ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay bilang pagtatanong. Who is he talking about? Yung mga lalaki bang nakasama ko sa school noon? What’s the name again? Ace?

“Who’s that guy with you at the amusement park?”

Amusement park? Nilikot ko ang mga mata habang nag-iisip. Binalingan ko siya.

“Do you mean Reo? How did you know we went to the amusement park?”

Hindi nagbago ang pagkakasalubong ng mga kilay niya.

“He’s clingy and touchy to you. Is he your ex?”

Tiningnan ko lang siya. Nasa unang tanong niya pa rin ako. Iniisip ko kung paano niya nalaman na kasama ko si Reo. Sinumbong ba ng mga bodyguards?

“You shouldn't do that in public places especially if you don't have a relationship with that guy. You two even pretended to be a couple in the game.”

Masyadong detalyadong mag-report sa kanya ang mga bodyguards.

“Just because of the stuffed toy? Bano naman. Ang lapit lang ng target, wala siyang natamaan kahit isa.”

Bumalik sa pagtipa sa laptop si Lucas. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala na siya sa ginagawa.

“Samantalang ako isang try lang nakuha ko kaagad ang stuffed toy.”

Ngumisi siya na para bang nakahigit siya sa lalaking sinasabi niya. Pinanliitan ko siya ng mata. Nasa laptop pa rin ang atensyon niya.

“Nakuha mo?”

Tumango siya bago sumagot.

“Yup. Nasa bahay ko. Kung alam kong pupunta ka sana dinala ko.”

Pailalim ko siyang tiningnan.

“Pang-couple iyon, ‘di ba? Paano mo nakuha?”

“I paid the girl five thousand to pretend we were a couple—”

“Nakaputi kang hoodie, tama?”

Wala sa wisyo siyang tumango habang nagtitipa.

“Binunggo mo si Reo, tama? At binaril mo ng pellet gun?”

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now