Her Innocent Slave 11

123K 2.4K 411
                                    

(HIS) Chapter 11






My feet halted in an instant when I saw Lucas leaning on the wall beside my door. He stood up straight as he watched me closing my door.

"What are you doing there?"

He licked his lips and looked at the backpack I am wearing at my back.

"You don't remember what I told you yesterday?"

"Tungkol saan?"

Inabot niya ang bag ko pero inilayo ko iyon sa kamay niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya nang hindi ko ibigay iyon.

"Sinabi ko sa 'yo kahapon na sabay na tayo ulit na papasok."

Isinabit ko ang hinlalaking daliri sa magkabilang strap ng suot kong bag. Tiningala ko siya at nakangising nagtaas ng kilay. Napatingin siya sa labi ko na bahagyang nakanguso. Hindi niya naitago ang pamumula ng mukha.

"Akala ko ba ayaw mo na nagsasabay tayo?"

Nagbuntonghininga siya at tumikhim. Sumeryoso ang titig niya sa mga mata ko.

"Baka mapaaway ka na naman."

"What happened yesterday, I didn't start it. Kung hindi nila ako lalapitan, hindi ako mapapa-away."

Marahan siyang tumango.

"That's the reason why we should go together at school. Kung malapit ka sa akin, hindi ka nila malalapitan. They will not pick on you if you're with me."

"Really? Paano iyan? Eh, magkaiba ang building natin?" Maarte kong tanong at tumalikod na para makababa na sa hagdan. Bumuntot siya kaagad.

Pagkababa sa huling baitang, lakad-takbo siya't inunahan ako palabas sa main door. Paglabas ko, binubuksan na niya ang pintuan ng sasakyan niya. Umirap ako at pumasok na lang at hindi na nakipagtalo. Palingon-lingon siya sa akin pagkasakay niya. Nang lingunin ko, nakatingin siya sa seatbelt ko.

"You don't wear seatbelts while driving?"

"Am I driving right now?" I reasoned and shrugged my shoulders.

Hindi pa niya pinatakbo ang sasakyan. Pinanliitan niya muna ako ng mata.

"How about the last time I saw you breaking the traffic lights? You're not wearing seatbelts too?"

"Argh!" I rolled my eyes and just pulled the seatbelt. Pagkasuot, mataray na nakataas ang kilay ko siyang nilingon. "See?" Tinuro ko ang suot ko nang seatbelt. "Now, can you please start driving and stop your nagging?"

Napapabuntonghininga siya habang umiiling. Binasa niya ng dila ang labi niya bago nagsimulang paandarin ang sasakyan.

"Hindi na ba masakit ang sugat mo?"

Pagkatanong niya, sinulyapan niya ang leeg ko. Nangingitim na iyon at nagsimula nang matuyo. Tumawa muna ako bago sumagot sa kanya.

"Oo. Magaling ang doctor ko, e. May extra service."

Nakangisi kong pinanuod ang reaksyon niya. Namula ang tenga at leeg niya. Sa kabilang bintana siya lumingon, iniwas sa akin ang mata. Tumikhim siya maya-maya at marahang hininto ang sasakyan dahilan ng traffic light. Tiningnan ko ang numero sa traffic light at napanguso. Mayroon pang two seconds pero tumigil na siya. Nilingon niya ako at pinagmasdan ang leeg ko na mayroong bakas ng tatlong kalmot ng kuko.

"Iwasan mo nang makipag-away," buntonghininga niya.

"Maiiwasan ko ba iyon? Ano ang gusto mo? Magpabugbog ako?"

Umiling siya at tumagilid ng upo para maharap ako.

"No. I mean, you shouldn't provoke them. Lalo ka nilang hindi titigilan kung—"

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon