Finn Lucas's (POV) 04

100K 2.8K 692
                                    

---This is Lucas' last POV. The next chapter is the Special Chapter.

Lucas's (POV) 04


"Go ahead! Pull it and I will kill him!" She can even aim a gun at me.

Kahit galit ako, hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. Subalit para sa kanya ay napakadali lang na gawin. Ang sobrang galit ko sa kanya'y nadagdagan pa dahil sa ginawa niya. Habang nakatutok sa aking ulo ang dulo ng hawak niyang baril, kahit konti na pag-aalinlangan sa mga mata niya'y wala akong nakita.

I know that she did that for her father and their business. Pero, ni walang ngatog ang kamay niya habang nakatutok sa akin ang baril. I'll understand if it's not loaded but I know it did. Am I really that worthless for her? That she could even kill me without hesitation and without even blinking her eyes?

Hindi ako mahilig magsugal pero napilitan akong magpunta sa casino nila para makita siya at mainsulto ko. I badly want to hurt her emotionally. Gusto kong makita na maapektuhan siya nang dahil sa akin. Because it's unfair. It bothered me so much. Why am I the only one who is always affected? It bothered me seeing her unbothered. Gusto ko na makita niya ako, mapansin, at maapektuhan siya sa pamamagitan ko.

"What are you so proud of? What do you think makes you different from other women? Being dominant in bed and using sex toys? Even that is not good. When I remember that now I feel disgusted-"

Nahinto ako nang may tumapik sa balikat ko. That tap on my shoulder was like a signal for me to snap and wake up. Saka ko natanto na hindi kaming dalawa lamang ang nandito. Ni-replay ko sa aking isip ang mga nasabi kong salita. Napalunok ako at napabaling kay Lucienne. Nagkatinginan kami. My lips parted and my heartbeat racing so fast. I didn't miss the pain that peeked in her eyes. She's hurt. I was about to say sorry but she stopped me.

"I heard enough." she said.

Napatayo ako nang tumayo siya. May nais akong sabihin ngunit ayaw lumabas ng salita sa bibig ko. Bigla akong napipi nang makitang nasaktan siya. Iyan ang gusto mong makita, Lucas, hindi ba? Kaya bakit umurong ang dila mo nang makitaan mo siya ng galit at sakit sa mga mata?

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa tumalikod siya. Nilinaw ko sa mga nakarinig na walang katotohanan ang mga narinig nila. Na nasabi ko lang iyon dahil gusto ko na inisin siya. Kasi wala talagang katotohanan ang lahat. Galit ako sa kanya pero bakit ako ang nasaktan pagkatapos ko siyang insultuhin? Sa huling salita niya parang ayaw na niya akong makitang muli.

"Shit," inisang lagok ko ang alak at paungol na nagtakip ng isang kamay sa mukha.

Tinawanan ako ng mga kasama ko.

"Sa susunod kasi hinay hinay sa pagsasalita."

May dumantay na kamay sa balikat ko. Hindi ko tiningnan iyon at nanatiling tinatakpan ng kamay ang mga mata.

"Iyan. Galit na sayo. Hindi ka na mapapatawad niyan. Ang mga babae pa naman mapagtanim iyan ng sama ng loob. Kahit dekada ang lumipas maaalala nila ang mga ginawa at sinabi mo."

Hindi nakatulong ang sinabi ni Bryle at sa halip ay nakadagdag pa sa pagkabahala ko. I wanted to take my words back and tell her I'm sorry and that I didn't mean it and I was just mad. I got scared and worried. What if she hates me now? She's hurt and mad. I need to talk to her. I have to apologise.

"Are you alright, man?"

Hinawakan muli ako sa balikat ni Bryle. Tumango ako at tulalang nagpatuloy sa pag-inom. Nililingon ko ang dinaanan ni Lucienne. Sana bumalik siya at bigyan ako ng maraming suntok at sampal. Mas mabuti iyon kaysa 'yung ganitong tahimik siya at kalmadong umalis.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now