Her Innocent Slave 27

96.7K 1.9K 375
                                    

(HIS) Chapter 27




Ako ang nagmaneho pabalik sa hotel ng isla para maihatid na kami ni ate pabalik sa Manila. Tahimik lang ako kahit nang ipakilala niya ang boyfriend niya na kasama namin sa chopper. Hindi ako makakasabay ngayon kahit pa mang-alaska si ate. Mabuti na lang din at hindi naman siya nangulit.

Natatawa ako sa sarili ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi at nitong mga huling araw namin sa isla. How could you let your guard down, Lucienne? Is it because he's my first too? Can lust ever transform into love? I don't know. Posible siguro kung walang sabit gaya ko. Pero sa parte ni Lucas, mukhang malabong mangyari iyon.

"Your sister gave us bread," si Lucas. "Gusto mong kumain?"

Pagilid ko lang tiningnan ang tinapay na inaalok niya. Hindi ako nagsalita. Umiling lang ako at pumikit. Nasa gilid ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at isinalikop sa kanya. Pinalipas ko ang ilang minuto bago ko binawi ang kamay ko. Naghalukipkip ako para hindi niya na muling mahuli ang kamay ko.

Nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin subalit hindi naman umiimik. Mukhang nakaabang lang dahil sa tuwing aalisin ko sa paghalukipkip ang kamay, hinuhuli niya iyon para hawakan. I gritted my teeth, fighting myself to not get angry at him. His act of sweetness, makes me angry. Nakakagalit dahil pakiramdam ko, inuuto niya ako. Na sa pamamagitan ng paglalambing niya'y madali niya akong mapapasunod. You're wrong, Lucas. I am myself a queen. I am myself a king. Walang makakapag pasunod sa akin, sarili ko lang.

Pagkababa ng chopper ay nagpaalam na ako kay ate. Kinuha ko ang mga gamit ko upang maisakay ang mga iyon sa sasakyan na sumundo sa akin. Sa akin lang dahil hindi ko na isasama si Lucas. Sasakay na sana siya at ipapasok ang gamit niya, naudlot lang dahil pinigilan ko siya.

"You're not going with me," I said blankly.

Natigil siya sa pagpasok sa sasakyan ng gamit niya at lito akong binalingan.

"Do you need something?" Inosente niyang tanong. "Kung may ipabibili o ipagagawa ka, iiwan ko muna ang gamit ko sa bahay niyo at saka ako susunod. Wala naman akong trabaho ngayon kaya kahit sa malayo puwede kong puntahan."

Umiling ako.

"I don't need anything. You can go home."

Tinitigan niya ako ng matagal. Hindi siya nagsalita at nasa itsurang nag-iisip siya, pinoproseso pa ang sinabi ko.

"Al…right," mabagal niyang sagot. "I'll go to your house first and then I will go to my parents house. They don't need me there anyway—"

"You don't have to go to my house anymore. Nasa inyo na ang lahat ng gamit mo. Wala ka nang naiwan na gamit sa bahay kaya wala ka nang kailangan na balikan doon."

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya. Pagkaraa'y namutla siya. Umawang ang labi niya at mabilis akong hinaklit sa braso.

"What do you mean?"

"I mean, you can go home now. You don't have to come with me. You don't have to go to my house."

Namula ang mata niya. Umiling siya sa akin. Tiningnan ko ng masama ang kamay niya at pilit na inalis iyon para makapasok ako sa sasakyan. Hindi niya ako pinakawalan. Hinarap niya ako sa kanya.

"Paano ang utang namin?"

Nagkiskisan ang ngipin ko. So, I am right. All this time, he's only thinking about their debt.

"We have already fucked. You're free in debt now—"

"No! You can't do that! I will pay in cash! Ako ang magbabayad no'n! I will stay at your house until I pay every cent of my father's debt!"

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon