Her Innocent Slave 52

106K 2.8K 399
                                    

(HIS) Chapter 52



Nagising ako sa sinag ng araw na sumusungaw mula sa bintana. Wala na si Lucas sa tabi ko ngunit naririnig ko ang boses niya mula sa sala.

"Huwag niyo po sana munang ipaalam sa iba ito, Lola. Lalo na po sa pamilya ni Catelynn."

Nawala ang antok ko at naging alerto sa pinag-uusapan nila nang makarinig ng pamilyar na pangalan. Umupo ako at sumandal sa uluhan ng papag. Kahit hindi magtanong tiyak na tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila.

"Ano ba ang inaalala mo? Matagal na kayong wala ni Catelynn, hindi ba?"

"Opo, Lola. Kaya lang po ayoko sanang may makaalam na nandito siya.”

"Bakit naman—”

"Hayaan mo na ang mga bata sa gusto nila! Pinakilala na nga sa atin at ngayon pakikialaman mo pa! Sige na Lucas gisingin mo na at ako na ang bahala rito sa Lola mo!"

Narinig ko ang tawa ni Lucas at ang tunog ng pag-akyat niya sa hagdan. Paghawi niya sa kurtina ay nagulat siya nang makita ako na gising na. Lumapit siya sa bintana at sinarado iyon.

"Nagising ka ba sa liwanag? Binuksan ko kasi uminit kanina.”

Nagkusot ako ng mga mata pagkalapit niya. Umupo siya sa papag paharap sa akin.

"Dito nakatira si Catelynn?" Tanong ko.

Tumango siya at hinaplos ang pisngi ko na may bakat pa yata ng higaan. Pinatapos niya muna akong maghikab bago siya nagsalita.

"We grew up here. Kababata ko siya pero ayokong magtiwala sa kahit na kanino ngayon. Ayokong mapahamak kang muli kaya hangga’t maaari ay ayokong ipaalam kahit kanino na nandito ka.”

Tumango ako at ngumiti. "Naiintindihan ko…"

Inayos niya ang magulo kong buhok at malambing akong tinitigan sa aking buong mukha. Inangat niya ang damit niyang suot ko na nalalaglag na sa aking balikat.

"Maaga pa,” ngumiti siya. “Nagugutom ka na ba?"

Umiling ako at bumalik muli sa paghiga. Tumagilid ako at humarap sa kanya. Dinala niya ang isa niyang kamay sa gilid ng ulo ko at hinaplos ang buhok ko roon.

"Pupunta ako sa bayan ngayon. Ibibili kita ng malambot na higaan."

Nanlaki ang mga mata ko at natawa. Tumihaya ako ng higa. Ang kamay niyang nasa ulo ko ay bumaba sa aking kamay. Isa-isa niyang pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Hindi naman ako nagpapabili kaya bakit ka bibili? Okay na ako dito!" Tinapik ko ang papag.

Inilingan niya ako at mukhang gustong ipilit ang higaan. Sa tingin ko’y siya ang may gusto na ibili ako kaya hindi na nagtanong at gusto na lang bumili.

"Hindi ka sanay matulog sa ganitong higaan. Hindi ba sumasakit ang likod mo?" Nag-aalala na tanong niya.

Tumingin ako sa kisame. Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Pagkatapos mag-isip ay binalik ko ang mata sa kanya.

"Noong una lang. Hindi na ngayon. Walang masakit. Nasanay na siguro ang likod ko?"

Natawa siya at umiling ulit.

"Hindi kasi sila sanay sa malambot na kama kaya hindi ako bumili at ganito lang ang higaan dito."

"Ayos nga lang ako kaya huwag ka nang bumili!"

Pinanliitan niya ako ng mata, tinitingnan kung nagsasabi ba ako ng totoo na ayos lang ako sa ganitong higaan. Humalakhak ako at malakas siyang hinila paibabaw sa akin. Natatawa niyang itinukod sa papag ang mga siko niya para matitigan ako.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now