Her Innocent Slave 48

92.1K 2.3K 149
                                    

(HIS) Chapter 48





“I’m sleepy. Carry me to your car,” sabi ko habang nakapikit nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Hindi ko napansin na nakaidlip ako at naalimpungatan lang sa tunog ng pinto. Walang tumugon. Dumilat ako. Napabangon ako at naitulak paatras ang swivel chair nang sa halip na si Lucas ay si Catelynn ang namulatan ko. Namumula ang mga mata nito at nanginginig sa galit ang buong katawan.

“What are you doing here?” Matigas ang anyong tanong ko.

Tumayo ako. Ang tanging nakapagitan lang sa amin ay ang lamesa ni Lucas.

“Umalis ka at pagbalik mo lalandiin mo ulit siya?!” nakakuyom ang mga kamay na sigaw niya.

She looks desperate. I know that I did something wrong to her. Umalis ako na mayroong bitbit na guilt at hanggang sa bumalik ako'y may natira doon. Kaya nga kahit nagpaparamdam, hindi ko in-entertain si Lucas at nagdalawang isip ako. Pero limang taon na iyon. Kung gusto niya pa rin si Lucas at kung minahal siya noon ni Lucas kaya niyang ibalik iyon sa limang taon na wala ako.

Pinigilan kong magalit sa kanya at inisip na lang na valid itong nararamdaman niya. She didn’t expect me to come back. Besides being Lucas's ex girlfriend, she’s also his close friend. Maaaring nag-aalala rin siya? At idagdag pa na kahit noon ay pareho na kaming mainit sa isa’t isa.

“Kung may dala kang tatlong bilyon habang sinasabi sa akin na layuan ko si Lucas, baka pa magdalawang isip ako?”

Nginisian ko siya. Humalukipkip ako. Idadaan ko na lang sa pang-aasar para mapikon siya at mag-walk out. Pabalik na rin naman siguro si Lucas. Bumalik ako sa pag-upo sa swivel chair. Bago pa lumapat ang pang-upo ko, hinatak niya ako sa braso at binalik ako sa pagtayo. Malakas kong inalis ang kamay niya. Tinulak ko siya para mapalayo siya sa lamesa.

“Puwede mo akong pagsalitaan at insultuhin pero huwag mo akong hahawakan,” malamig na banta ko sa kanya.

Hindi siya natakot at mas lalo pang nagalit. Umikot siya papasok sa loob ng mesa para sugurin ako sa swivel chair. Hinawakan ko siya sa braso nang sinubukan niya akong sampalin.

“Get out of here and go back to the hell you came from! Huwag mo kaming guluhin ulit ni Lucas!”

Tumawa ako. “You’re funny!”

Nagpipigil akong masaktan siya dahil hindi patas ang lakas namin. Pumasok pa sa isip kong suntukin siya para mawalan ng malay at tumigil. Sa huli, napagdesisyunan ko na lang na itulak siya ng paulit ulit palayo.

“You’re a slut! You’re a bitch!”

“So?” Tumawa akong muli. “This slut has been fucked by Lucas many times. Kung ang kapalit ng pagiging slut ay ganoon kasarap, hindi na rin masama.”

Nanlisik ang mga mata niya. Wake up, girl. Hindi ka mahal at minahal ni Lucas. Mas maraming lalaki ang mamahalin at papahalagahan ka kaya bakit pinipilit mo ang sarili mo sa taong kaibigan lang ang tingin sayo?

Nahawakan niya ako sa aking buhok. Gusto ko siyang sikmuraan at tadyakan. Kung gagawin ko iyon baka hindi ko mapigilan ang kamay at mapalakas. I want to piss her off but I have no intention of harming her. Akala ko nang una’y kapag napikon, magw-walk out lang siya.

“Fuck!” Nagmura ako at hindi na nagawang magpigil.

Dinampot ko ang unang nakapa ng kamay sa ibabaw ng mesa ni Lucas at pinukpok iyon sa ulo niya. Napalayo siya at natumba. Nabitiwan ko ang hawak at nabasag iyon sa tabi niya. Inaayos ko ang buhok ko habang hingal siyang nilingon. Nanlaki ang mata ko nang makitang puro dugo ang gilid ng kanyang noo. Umiiyak siya habang pinapahinto ang dugo sa noo niya. Natulala ako sa babasaging pen holder na ngayon ay basag na sa tabi niya.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon