Her Innocent Slave 45

92K 2.3K 300
                                    

(HIS) Chapter 45




Sa pangalawang araw ni Reo, dumalaw siya sa puntod ni daddy. Hinatid namin siya ni Aina sa Airport kinabukasan pagkatapos niyon. Nagbilin pa siya na dadalaw muli kung makakakuha ng pagkakataon. After Reo’s surprise visit, I felt better. Lumamig na ako at nawala na rin ang init ng ulo kay Lucas.

Pabalik kami sa unit galing Airport nang mapagtanto na tatlong araw nang walang paramdam si Lucas. Pagkatapos ng eksena sa mall at ng tawag niya’y hindi pa kami muling nakapag-usap. Naisipan ko siyang tawagan pero nag-alinlangan ako dahil nagsabi siya na tatawag siya kapag may update na sa takbo ng kaso.

Sa halip na si Lucas ang tawagan ay si Rome na lamang ang tinawagan ko. Tumapat ang tawag ko na malapit siya sa building kaya’t nagsabi siya na kung gusto kong sumama sa pupuntahan niya’y dadaanan niya ako.

“You have one hour to prepare. It’s a lingerie fashion show. Just wear anything elegant but comfortable. Don’t get over dressed, girl, at baka matalbugan mo ang mga modelo doon!”

Tumawa ako. Hindi ko alam kung biro ba iyon o totoo.

“Paanong tatalbugan? They are models and I’m not. They are professionals in their crafts. I just love lingeries, shoes, clothes, and that’s it.”

May ibang boses akong narinig. Mukhang may-ari ng salon kung saan siya nagpapaayos ng buhok.

“Let’s talk later! I’ll be there in an hour! Bye!”

Hanggang sa matapos ang tawag, hindi ko na natanong ang tungkol kay Lucas. Hindi ko alam kung paano isisingit at paano ko sasabihin sa kanya na nag-aalala ako sa tatlong araw na hindi nito pagpaparamdam.

Iba pa naman mag-isip si Rome, alam ko na kung magtatanong ako’y iba na kaagad ang iisipin niya. He’ll tease me and he’s good at that. Kaysa mag-aksaya ng oras, nag-ayos na lang ako habang hinihintay siyang dumating. Isasama ko sana si Aina kung wala lang siyang lakad ngayon. Pagkarating ni Rome, sabay na kami ni Aina na bumaba subalit magkahiwalay kami dahil sa iba ang lakad niya.

“Puro international highest-paid supermodels ang mga modelo ngayon! Maraming designers at entertainment professionals doon na nangha-hunting kaya mag-ingat ka! Wala ka pa namang balak mag-model at mag-artista!”

Mahina akong tumawa.

“Pwede naman. Basta ba kaya nilang pantayan ang annual net worth ko.”

He side eyed me as if I was delirious.

“Why don’t you just tell them to get bankrupt?!”

I laughed. When I turned my face to the window, the curved smile on my lips flattened. Tahimik na lang ako kahit patuloy na nagsasalita si Rome tungkol sa pupuntahan na fashion week. Tumatango-tango lang ako at kunwari na interesado subalit ang totoo’y sumama lang naman ako para mag-bakasali na mapag-usapan namin si Lucas.

After we arrived, someone escorted us to sit in the front. The front seats were full of people from the media, business, and entertainment industry. Namukhaan ko ang ilang mga brand owner ng mga sapatos, damit, at bag na mayroon ako. Ang mga narito ay kilala at mga malaking tao. If daddy is still alive he’s probably one of the people invited here. Even if he doesn't like to attend events like this, he still receives invitations.

Nagsisimula pa lang at tanging host pa lamang ang nasa stage. The set up of the place and stage is much more elegant than the fashion show I went to before. It’s not that shocking because the host of this event is one of the well-known prestigious brands too. Marami ang nakapalibot na media at kahit wala pa man ang mga rarampa na modelo sa stage ay minsanan na ang pagkislap ng flash ng mga dala nilang camera.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now