Her Innocent Slave 43

93.6K 2.2K 361
                                    

(HIS) Chapter 43



“You skipped lunch. Don't you want to eat dinner here before I take you home?”

Inilingan ko iyon. Nanguna ako sa pagtayo mula sa pagkakaupo sa couch. Even though my heartbeat skips a beat I feel it's wrong. Kung totoo man na may gusto siya sa akin o nagkagusto siya sa akin noon, nakuha ko siya sa maling paraan. It makes me uncomfortable when I think about us having a relationship. Apart from that, it seems that until now Catelynn still likes him. Not until he clears things up between them, history will just repeat itself.

“Hindi na, Lucas. Sa bahay na lang. Ihatid mo na ako,” walang emosyon ang boses ko.

Pinag-aralan niya ang ekspresyon sa mukha ko habang unti-unti siyang tumatayo mula sa couch. Yumuko ako at inabala ang sarili sa pagsara sa zipper ng hooded jacket na suot. Hinila ko ang sumbrero at itinabon ko iyon sa aking ulo. Nag-angat ako ng mukha. Nakatitig siya sa itsura kong balot na balot.

“Let’s go? Ihatid mo na ako?” nakataas ang mga kilay na tanong ko.

He watched me intently. He looked amazed and had a little smirk on his lips. Pinadaanan niya ng ngipin ang kanyang ibabang labi bago siya tumango. Pagkahatid niya sa akin, naabutan ko pa si Aina na nanonood ng movie sa sala. Pabagsak akong umupo doon at parang lantang gulay na hinang-hina.

“Anong nangyari sayo?” Tanong ni Aina.

Hindi ako sumagot at dumukot lang sa kinakain niya. Habang ngumunguya ay nakatingin ako sa screen ng TV ngunit kada subo’y hindi ko mapigilang haplusin ang labi ko. Tatlong beses niya akong hinalikan. I don't think that's how lawyers comfort their clients.

Alam ko na ginawa niya iyon para patigilin ako sa pagsasalita at ilihis ang isip ko. Kaya nga lang, hindi na mawala ang lasa ng labi niya sa isip ko. The things we did before on the island were much more than this simple kiss, but somehow, this feels different. It tickles my inside.

Hindi na ako makaramdamn ng gutom kaya’t naglinis na lang ako ng katawan at tanging panty lang ang suot na dumapa sa kama. Binaon ko ang aking mukha sa unan at pilit ibinalik sa isip ang masasakit niyang salita para lang makalimutan ko ang pakiramdam ng halik niya at makatulog ako.

Lucas:

Good morning.

Paggising ko’y mga messages galing kay Lucas ang bumungad sa akin.

Lucas:

I have a meeting so I’ll be busy this whole morning and afternoon. If you need anything don’t just send me a message but call me.

I pouted my lips after I read his messages. I was tempted to reply but I stop myself. Kung rereplyan ko siya, ano ang sasabihin ko? Okay? Take care? See you? I groaned and dropped my phone on my dresser. I feel weird sending messages with him like we’re teenagers. I could cringed just thinking of that.

Pagkaligo ko, niyaya ko si Aina na lumabas. Pagkabukas ko nang pinto saka ko lang naalala na mayroon pa lang nakabantay sa labas. Nagulat pa ako nang makita sila na sabay-sabay lumingon pagkabukas ko sa pinto.

Paano nga pala ito? Do they have to follow me outside? Hindi ako sanay na mayroon naka-sunod na mga bodyguards. Naglakad ako. Sumunod sila. Kinagat ko ang labi ko nang makita ang pagsunod nila sa amin hanggang sa parking lot. Habang nagmamaneho ng sasakyan, kunot noo kong tinawagan si Lucas. Naka-loudspeaker iyon kaya’t umalingawngaw sa buong sasakyan ang pag-ring tanda na pumasok sa kanya ang tawag.

Mabilis niyang sinagot iyon sa unang ring pa lang. Umabot sa pandinig ko ang pag-excuse niya sa mga kausap upang sagutin ang tawag ko. Alam ko na nasa meeting siya pero kailangan ko siyang makausap bago pa kami dumating sa mall dahil ayokong umagaw kami ng atensyon pagkarating doon.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon