Her Innocent Slave 33

88.9K 2.3K 226
                                    

(HIS) Chapter 33






"Sinabi ko nang bilisan mo, nakipagtitigan ka pa?"

Pinapagalitan ako ni Rome habang nasa hapag kami. Pagkatapos sa show, tumigil kami sa restaurant para magdinner. Sinabi ko sa kanya na nakita ako ni Lucas. Kahit alam kong nakita ako ni Lucas, normal akong kumilos. Dinampot ko ang aking bag at kahit kabado ay normal na naglakad palabas.

"Bakit ba kasi kailangan kong umiwas? Bakit kailangan mo akong itago mula sa kanya?"

Dahil ba mag-aaway sila ni Catelynn kapag lumapit ako? O no'ng model?

"Dahil malaki ang galit sayo ni Lucas!" Tili niya na para bang hindi siya makapaniwala na nakita ako ni Lucas sa loob lamang ng isang araw.

"Bakit nga? Ano ba ang problema? Sige, galit siya sa akin. Kahit noon pa naman, kaya ano ang bago doon?"

Naging seryoso siya at huminga ng malalim. Tiningnan niya ako pagkatapos niyang uminom ng tubig. Ako naman ay hinihintay siya na magsalita. Nakahawak ako sa mga kubyertos at nakatitig sa kanya.

"Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin sayo dahil tapos na naman. Kaya lang, sabihin ko na rin para malaman mo kung bakit siya galit sayo."

Tumango ako at nakinig nang mabuti sa sasabihin niya.

"He almost got jailed when you left."

Bumuka ang mga labi ko at nabitawan ang mga kubyertos.

"Jailed? Paano siya makukulong kung umalis lang naman ako?" Naguguluhan kong tanong.

Huling kita ko sa kanya ay nasa labas siya ng bahay namin. Wala naman sinabi si Ate Ysa kaya akala ko wala nang nangyari pagkaalis ko. At paanong makukulong? Sino naman ang magpapakulong sa kanya? Paano ko naging kasalanan iyon gayong pumunta lang naman ako ng Japan at hindi naman ako nagsampa ng kaso sa kanya.

"He followed you."

"He followed me?" Lalo akong naguluhan. "Where?"

"Sa Airport…"

Tahimik akong nakakunot ang noo.

"Umaga na nang malaman niya na umalis ka. Sumunod siya sa Airport kahit alam niya na wala siyang madadatnan. He couldn't accept that you left so he made a big scene…in the airport. Kung wala akong kilala sa airport na iyon, dinampot na siya ng mga pulis."

Kahit nagpapaliwanag siya, naguguluhan pa rin ako. Natahimik ako at hindi maproseso ang mga sinasabi niya. Bakit niya ako susundan? Tungkol pa rin ba sa utang nila? Nasa Pinas si daddy kaya bakit ako ang hahabulin niya?

"After the scene he made in the airport, he didn't attend school and almost got expelled."

Napasinghap ako at napatakip ng labi dahil nagulat sa sinabi niya. He didn't go to school and almost got expelled? Umiling ako. Bakit nangyari iyon? Dahil lang umalis ako?

"Dahil sa akin ba? Hindi siya pumapasok dahil umalis ako?" Pagkukumpirma ko. Kasi hindi ako makumbinsi.

"Sino pa ba? Alangan namang dahil sa akin? Ang haba naman ng hair ko para habulin ako ni Lucas!"

Paanong ganoon na lang kalaki ang epekto sa kanya ng pag-alis ko? Na aabot pa sa mawawalan siya ng ganang mag-aral? When I left, I was sure he was still in love with Catelynn. I did hear him say I love you to Catelynn on our last night. Hindi ba't dapat nga ay kasal na sila ngayon?

"Si Catelynn? Hindi ba at magpapakasal dapat sila? Hindi pa ba sila kasal? O sila pa ba?"

Umiling si Rome at kumuha ng tissue para maarte na ipunas iyon sa labi niya. Maarte niyang hinagis ang tissue sa lamesa at muling hinarap ako.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now