Her Innocent Slave 35

92.2K 2.4K 703
                                    

(HIS) Chapter 35




Hindi na siya muling dumungaw mula sa second floor. Nasa upuan na lang siya at nag-iinom. Nasa tabi niya ang babae kanina pero umalis iyon nang dumating sina Leela at Catelynn. Hindi ko alam kung pinaalis o kusang umalis. I don't know too if he's cheating with Catelynn with that girl. He cheated with me before, it's not like he can't do that again now.

Muli kong naalala ang sinabi ni Rome. Nag-angat muli ako ng mata at tiningnan sila sa itaas. I trust Rome but I'm not sure if they really broke up before we flee to island. Catelynn is still touchy to Lucas. Sa tingin ko nga'y mas naging touchy siya ngayon kaysa noon. Kung totoo man na naghiwalay sila, maaaring nagkabalikan din. Hindi nabanggit ni Rome sa akin kaya hindi ko alam at wala na rin akong balak alamin.

"God! I think I'm drunk!" Sigaw ni Aina sa akin.

Sinasayaw ako ni Aina nang malingunan ko si Rome. Nasa itaas sa table nila Lucas at kararating lang. Eksaheradang nanlaki ang mga mata niya nang mahanap ako ng mga mata niya sa dance floor. Ang nanlalaki niyang mata'y lalong nanlaki nang pinanlakihan niya ako ng mga mata. Nagbabanta iyon dahil ayaw niyang ipaalam kay Lucas na nagkita na kami at alam niyang nasa Pinas ako. Ngumuso ako, umirap, at umiling.

Nasa dance floor kami ni Aina kaya napatingin din siya sa tinitingnan ko. Nakadungaw na ang dalawang babae. Kapwa lukot ang mukha at masama ang tingin sa akin na nasa ibaba. Si Rome, halos manigas ang magkabilang pisngi at hindi makangiti. Hinila ako ni Aina kaya't naalis ang tingin ko sa kanila.

"Who's that? Do you know them?"

"Yeah."

"Ang sama ng tingin sayo, ha? You’re not a good girl. I won't be surprised that many people in this place are annoyed with you.”

I side-eyed her. “Same to you.”

Humalakhak siya nang umirap ako. Hinila niya ako at muling isinama sa kanyang pagsayaw. Tumatawa kami ni Aina at pinagpapawisan na nang matanaw ko ang pagbaba at paglapit nina Catelynn at Leela. Malaki ang lugar at pwede silang sumayaw sa kabilang banda pero pinili nilang sa tabi namin.

Natanaw kong nakabuntot sa pagbaba nila si Rome. Malamang na kabado ito dahil kilala nito ang ugali ko at dahil na rin sa nangyari na away sa aming tatlo noon sa bathroom ng school.

Nagpatuloy kami ni Aina sa pagsayaw. Hindi ko sila pinansin kahit sa gilid ng aking mga mata'y naaninag kong nasa gilid ko na sila. Si Aina, natatawa dahil nakainom na. Ganoon din ako pero nasa tama pa naman ang isipan ko.

"The whore is here! Wala na sigurong kumakamot sa kanya sa Japan!" Sigaw ni Leela na narinig ko kahit maingay sa loob. Natanto ko agad na sadyang pinarinig sa akin iyon dahil para sa akin iyon.

Nilingon ko siya at napangisi sa maikli at hapit na damit niya. Labas na labas ang cleavage sa suot niyang damit at nakapostura ng makapal ang mukha. Kumpara sa damit ko na itim na dress, siya ang mas mukhang whore sa aming dalawa. Maikli nga ang suot ko pero hindi naman labas ang cleavage at likod ko. Nakita niya ang paghagod ko sa ayos niya at ang pagngisi ko. Tinitigan ko siya sa mata bago ako nagsalita. Kung may gusto akong insultuhin, hindi ako magpaparinig, sa mukha niya mismo ko iyon sasabihin.

"Why don't you go to the bathroom and look yourself in the mirror?" I said. "You look like a slut in heat who wants to get laid tonight."

Mabilis namula si Leela at kulang na lang ay umusok ang ilong. Kabadong tumawa si Rome at maagap na pumagitna sa amin. Hindi nagpaawat si Leela. Sumigaw siya at parang gusto akong hablutin. Maingay ang tugtog at walang nakakapansin sa amin dahil lalong dumilim ang ilaw. Nasa gitna ng kasiyahan at pagtalon ang mga tao na nasa stage habang kami rito ay nagkakainitan na.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon