Her Innocent Slave 18

120K 2.6K 251
                                    

(HIS) Chapter 18




"Good evening ladies and gentlemen! This is your pilot speaking, Riaca Campbell!" She introduced herself as if she's in the cockpit.

Ate Riaca sat on the right seat. The left seat was occupied by an unknown pilot. While me and Lucas sat on the back seat of chopper. Ito ang sasakyan na maghahatid sa amin sa isla. Saglit pa akong nagreklamo nang malamang isa si ate sa mga magpapalipad.

"Puwede kayong mag-jugjugan diyan! Hindi ako titingin!" Sigaw niya habang nag-sisimula nang maniobrahin pataas ang sasakyan.

Nakasimangot lang ako at hindi pinansin ang pang-aalaska niya. Kapag pinatulan kasi siya'y lalo lang siyang natutuwa.

"Duh, whatever." I rolled my eyes. I saw Lucas smiling while looking at me and holding my hand.

"Bakit tuwang-tuwa ka riyan?" Pataray na tanong ko.

Umiling siya habang natatawa at hinila ako lalo palapit. Pumulupot ang isang braso niya sa maliit na bewang ko at ang isang kamay ay nanatili na nakahawak sa aking kamay.

"I'm just wondering. You are pissed right now but why are you still look so hot?"

Madilim kaya hindi masyadong kita ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko alam kung saan ni Lucas hinuhugot ang lakas ng loob na magsalita ng ganito. Idinaan ko iyon sa pag-irap.

"Shit! Ang bangis!" Si Ate.

Sinipa ko ang upuan ni ate kaya humalakhak siya.

"Magmaneho ka na nga lang diyan!"

Ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok. Mabilis niya akong niyakap at inilagay sa dibdib niya para maging komportable ako.

Nagising ako nang batuhin ako ni ate. Hindi ko nakita kung ano ang binato niya dahil agaran 'yong nalaglag sa sahig. Alam ko lang na siya ang bumato dahil nakita ko siya na tumatawa habang nakatayo sa nakabukas nang pintuan ng chopper.

Nawala ang simangot ko nang maisip na nakarating na kami sa isla. Medyo madilim pa ang langit ngunit maliwanag sa pinagbabaan ng chopper dahil sa hilera ng mga poste ng ilaw. Sa hindi malayo ay mayroong sasakyan na naghihintay para siguro maihatid kami sa nag-iisang napakalaking hotel sa isla.

Hinawakan ni Lucas ang parte ng mukha ko na binato ni ate pero hindi ko na pinansin ang may pag-aalalang haplos niya roon. Masigla akong bumaba at may pagmamadali.

Pagkaapak ko pa lang sa damo na pinagbabaan ng chopper ay kinilabutan kaagad ako. Matagal ko nang gustong makarating dito at ngayon nga'y nakatapak na rito ang dalawang paa ko!

Wala pa sa sentro kung nasaan ang pinaka magagandang tanawin at ang pinakamalaking hotel sa buong Pinas. Nasa gatuldok na parte pa lang kami ng isla subalit pakiramdam ko'y parang nasa ibang mundo na ako.

Mula rito sa kinaroroonan ko'y tanaw ang tuktok ng mataas na bundok na nababalutan pa ng makapal na ulap. Nasisigan iyon ng papalitaw na araw. Abot na ng liwanag ang tuktok no'n samantalang dito'y madilim pa.

Hindi tanaw mula rito ang hotel marahil ay dahil mas mataas ang bundok kaysa roon. Ilang baitang ng hagdan mula sa damo ay ang pinong buhangin na nakakabit sa payapang dagat. Walang tao at mukhang babaan lang ang lugar na ito ng mga chopper.

Sa pagkakaalam ko'y bawal ang barko rito at tanging mga chopper lang ang maaaring lumapag kaya't walang matatanaw sa dagat kung hindi ang tubig lang nito at ilang matataas na lighthouse na mukhang kinaroroonan ng mga bantay. Ang hangin ay maalat tanda na nasa dalampasigan kami at wala sa Maynila.

"Bakit hindi tayo sa rooftop ng hotel lumapag?" Tanong ko nang maalalang maaaring gamitin ang rooftop basta may-ari ng isla ang lalapag.

"Temporarily unavailable iyon. Pinapaayos ni Mason."

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon