55

252 14 0
                                    

Nasa loob kami ng resthouse nina Tatang. Ako, tahimik lang akong nakatulala, habang nakatingin lang sa'kin si Hugo sa gilid. Hindi niya alam kung ano bang dapat gawin. Kahit ako rin naman, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. 

"Dalen, can we talk?" Si Hugo na mismo ang sumira ng katahimikan. 

Nilandasan ko siya ng tingin at tipid na ngumiti at tumango. Lumapit ito sa'kin at inilahad ang kaniyang kamay sa'kin. Taka naman akong nakatingin sa kaniya. Pero, sa huli, inabot ko na rin ang kamay niya. At nang makatayo kaming dalawa, akala ko kung anong gagawin niya, pero kinabig niya lang ako sa isang mahigpit na yakap. Mas mahigpit pa sa mga nagawa niyang pagyakap sa'kin noon. Hinaplos niya ang buhok ko. 

"What are you thinking, hmm? Please, let me know," Aniya sa isang mahinang boses. 

"N-Naisip ko lang... Bakit... Bakit ganoon tingin ng mga tao sa'kin? A-Ano bang mali sa'kin?" Mapait kong tanong. Walang ibang pumasok sa isip ko kanina, kun'di ang mga katanungan lang na 'yon. Binubully din naman ako noong bata ako. Pero, ngayon, hindi lang gender ko nadamay. Pati yung estado ko. Yung pinag-aralan ko. 

"W-Wala naman akong ginagawang masama... Oo, may mga pagkakataon na hindi maganda ang mga lumalabas sa bibig ko. P-Pero, alam ko naman ang limitasyon ko. Ang hindi ko lang maintindihan... B-Bakit nanggagaling pa ang mga panghuhusgang 'yon sa mga taong hindi pa naman ako lubusang kilala..." Tahimik na tumutulo ang luha ko habang sinasambit ko ang mga salitang 'yon. Ngayon ko lang napagsama-sama ang lahat. Akala ko... Yung experience na kay Abigeyl ang pinakamasakit. Pero, hindi pala. Mas masakit pala mahalin 'tong si Hugo. 

Isa pang kinakabahala ko ay ang pagkakaroon nila ng misunderstanding ng nanay niya. Nang dahil sa'kin. Dahil pinipilit ni Hugo na ako pinipili niya. Hindi man niya sabihin, masakit pa rin 'yon para sa kaniya. Sigurado ako. 

Hindi nagsalita si Hugo. Nakayakap lang ito sa'kin habang dahan-dahan akong inuugoy. Sa tuwing mangangailangan ako ng malaking hangin, inaalo niya ako at sinasabihang huwag na umiyak. Nang masiguro niyang naka kalma na ako, saka niya lang ako kinalas sa yakap niya at hinarap ako. Hindi pa ako makatingin sa kaniya nang maayos. Pinunasan ng hintuturo niya ang iilang mga luha kong hindi pa natuyo. 

"Dalen, listen to me..." 

Tumingin ako sa kaniya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na sobrang concerned siya sa nangyayari sa'kin. Hindi siya namemeke lang. 

"I am so sorry if you have to go through this," Bulong niya. 

"I am sorry if always get judged whenever you are with me. I hope... Those people are not making you think twice if you should get married with me or not. If we are just gonna disregard... anything. Everything. At kung naririnig mo lang kung anong sinasabi nito," Itinuro niya ang kaniyang dibdib. "I just wish that you will still consider me to be your husband-to-be..." 

Punong-puno ng sensiridad ang tono ng kaniyang boses. Halos maluha na naman ako sa sinasabi niya. Sa libo-libong masamang naririnig ko, gusto kong si Hugo lang ang lagi kong pinapakinggan. Sa mga masamang naririnig ko, gusto ko na lang isara ang tenga ko. At bubuksan lang ito sa tuwing si Hugo ang magsasalita. 

"Kinoconsider pa rin kita, Hugo... Huwag kang mag-alala," Nginitian ko siya. Hinalikan niya ako sa noo. 

"I am sorry if you have heard those things, Dalen... But, I promise... As long as I am by your side, I will make their mouths closed. Para ako lang lagi mong maririnig," Ngumisi ito. 

"Ano namang maririnig ko sa'yo? Kasinungalingan?" Pagbibiro ko. 

"No way," Agad niyang sagot. 

"Maybe... Let's make a baby?" Humalakhak ito. Agad ko siyang pinalo sa braso niya. 

Napagdesisyunan naming dalawa na maligo sa pool ngayong gabi. Bukas na lang ako ihahatid ni Hugo sa'min. Pumayag na rin naman si Nanay dahil pinagkakatiwalaan niya na rin si Hugo. Unang lusong ko pa lang, lamig na lamig na agad ako. Kaya nagulat ako noong niyakap ako ni Hugo sa likod. 

"Hoy, alis ka nga!"

"You're shivering. You might need a heat from my arms. Concerned lang ako," 

Inismiran ko siya dahil sa mga palusot niya. Para kaming mga batang first time makakita ng swimming pool. Malaki-laki itong pool kaya nakakapag race pa kaming dalawa papunta sa pinakadulo ng pool. Ako pa talaga ang nanghamon, pero ako ang nangungulelat. 

"Come on, Dalen! Swim!" 

"Palit kaya tayo ng katawan 'no?!" Asik ko sa kaniya. Nakita ko siyang naghihintay na sa dulo at nakalagay ang dalawang braso nito sa tiles ng pool. Dahil sa bagal kong lumangoy, siya na ang nagdesisyon na lumapit ulit sa'kin at kitain ako sa gitna. 

"Finish line," Aniya nang i-ahon ang ulo niya at niyakap ako. 

"Finish line? Doon ang finish line." Itinuro ko ang pwesto kung nasaan siya kanina. 

"That's what I thought, too. But, I think, this is the real finish line," Bulong niya sa buhok ko. Gusto kong kiligin. Sa sobrang kinikilig ako, gusto kong sabunutan si Hugo kasi hindi na ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hanggang sa maalala ko kanina ang isa sa mga nabanggit ng Nanay niya. 

"Hoy," 

"Hmm?" 

"May binanggit pala sa'kin Mama mo kanina," 

"What is it?" Biglang nagseryoso ang mukha niya. Yung mukha niya noong unang-una kaming nagkita. 

"I-Ikaw ba ang nagbayad sa hospital bills namin kay Tatay?"

Hindi man lang siya nagulat sa tinanong ko. Tumaas lang ang gilid ng labi nito at hindi nagdalawang isip na tumango. 

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?!" 

"Why would I tell you? When I messaged you that time, you blocked me!" Napanguso ito. Guilty lang din naman ako ng slight. Pero, nagulat talaga ako na siya ang nagbayad ng bill namin. 

"Noong nakita ko kayo ni Drascilla... Kayo ba no'n? Bakit kasama mo siya? Buntis siya?" Sunod-sunod kong tanong. Ngayon na libre kong natatanong si Hugo, lulubusin ko na. 

"Yeah, she was pregnant," 

"Ikaw tatay?" Mapagmatyag kong tanong ulit. 

"I already told you before, Dalen. Sabi kong hindi ako ang tatay, right? You didn't buy that?" 

"Aba, bakit kita pagkakatiwalaan noon? Walang explain-explain. Malay malay ko bang totoo o hindi," 

"She just asked me to join her visiting her OB-gyne, since malapit na siyang manganak no'n," Simpleng sagot niya. 

"Paano nangyari 'yon? H-Hindi ba ikakasal kayo?" 

"That's what you missed. The time when their family went to our house, she was already pregnant. They called off our wedding. Mas pinili na lang nila na hanapin ang nakabuntis kay Drascilla, dahil hindi rin mahanap ni Drascilla ang tatay ng dinadala niya," 

So, 'yon pala ang totoong storya. Bigla akong nalungkot para sa kaniya. Ang hirap kapag hindi mo kasama ang tatay ng dinadala mo. Sana na lang ay nahanap na nila ang lalaking 'yon. Pero, kung anumang rason ng lalaking 'yon, sana harapin niya ang responsibilidad niya. 

"I have something to confess, Dalen," 

"Ano? Crush mo ako? Alam ko na 'yan!" Confident kong sabi. 

Ngumisi ito. "Aside from that... May tinatago pa ako sa'yo," 

"Ano? May kabit ka? Paalala ko lang sa'yo na may itak tatay ko," Pinaningkitan ko siya ng mata. Humalakhak lang ito at kinurot ang pisngi ko. 

"You know what..." 

"What what what?" 

"Remember... when Abigeyl and you broke up and you tried to send your oh-so-long message to Abigeyl, but ended up sending it to the wrong person?" 

"Oh?" Sinubukan kong alalanin 'yon. At pucha! Natatawa pa rin ako sa sarili ko nang maisip ko 'yon ulit. Pero, nagdikit ang kilay ko nang banggitin ni Hugo 'yon. Teka, bakit niya alam? Putang--- Siya ba 'yon?! 

Mas lalo lang itong humalakhak dahil nanlaki na ang mga mata ko. Wala pa akong sinasabi ay sinagot niya na ang katanungan sa utak ko!

"Yes, baby. That was me. The person whom you've accidentally wrong sent the message... was your future husband to-be," 


Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now