28

186 14 0
                                    

"What are you still looking for, Dalen?" Wika nito habang nakasunod sa likod ko. Siya ang nagtutulak ng cart habang ako naman ang taga kuha ng mga gamit.

Hindi lang si Tatang Edward ang binilhan ko ng mga kailangan niya dahil nagpapabili rin ng gagamiting shampoo, lotion at sabon si Ate Ernesta. Naubusan na siya kaya pinasuyo niya na lang sa'kin at pinasabay.

"Naghahanap ako ng Silka Papaya tsaka Palmolive,"

Napakunot ang noo niya habang nakasunod pa rin siya sa likod ko.

"What are those?"

"Pagkain 'yon," Pamimilosopo ko ulit. Last na lang talaga 'to.

"What kind of food? Is it a fruit? Or, pasta perhaps? The palmolive one sounds like an Italian food to me," Paniwalang paniwalang tugon niya pa kaya hindi na ako nakapagpigil upang humalakhak sa tabi niya.

"Italian amputa. Shet, kakaiba ka talaga, Sir," Tinitignan na ako ni Ateng nagdidisplay sa mga rack habang tawa nang tawa. Napahinto ako dahil ang sakit ng tiyan ko. Dinuduro duro ko pa siya habang tumatawa. Hay nako, mga mayayaman talaga.

"Why are you laughing at me?" Iritang sambit niya. Kapag nahanap ko 'yon, papakita ko sa kaniya para mahiya siya sa sinabi niya sa'kin ngayon.

Nauna na akong naglakad sa kaniya upang hanapin ang pinapabili pa ni Ate Ernesta. At nang makita ko na ay tumigil kami sa mga hilera ng sabon at shampoo.

"Sir, nababasa mo ba ang nababasa ko?" Nag ala dancer pa ako sa Wowowin tuwing nagi introduce sila ng papremyo. Pero, ang kaibahan, kung sila mukhang chixx, ako naman mukhang bulateng inasinan.

Kulang na lang mapasapo siya sa ulo niya nang makita niyang shampoo at sabon pala ang sinasabihan niya diyan ng Italian eklavu.

"What the fuck? Sabon lang pala?"

Tumango ako sa kaniya habang kumukuha. Siguro ngayon nakaramdam na siya ng hiya sa sarili niya. Pero, sige. Para hindi naman masira ang reputasyon niya, sikret lang namin na medyo slow siya.

Nang makuha na namin ang lahat ng kailangan namin ay pumunta na kami sa counter at pumila.  Halos punuan ang mga lumilinya kaya wala kaming ibang choice kundi ang makipila na rin.

Dinouble check ko ang mga pinamili namin kung may kailangan pa ba o may kulang pa. Pero, habang chinecheck ko, hindi nakawala sa paningin ko ang mga bebot na nakatitig kay Sir Hugo at pinagpyepyestahan siya ng tinginan habang nagtitipa ito ng kung ano sa selpon niya. Naglalaro siguro ito ng Angry Birds.

Gusto kong lapitan ang mga bebot at sabihing huwag ma fall sa mukha niya dahil slow ito. Pero, hindi ko na inintindi dahil malapit na kami.

"Oh, fuck. Sayang," Biglang sambit niya nang bigla kaming umabante. Napabitaw kasi ang isa niyang kamay sa selpon niya para ihila ang cart.

"Kalma ka lang, Sir," Napatingin din kasi sa kaniya pati ang kabilang counter. Akala siguro sila minumurahan.

"I was about to reach the new high score, goddamit!"

Sinilip ko naman kung ano ang nilalaro niya at ang mature ng nilalaro niya ha. Ang mature talaga dahil nagf flappy bird ito. Kaya pala seryoso na seryoso sa buhay. Nakita kong nakaka 299 na siya. Lapit na sana 300. Sisihin niya si Ateng nasa harap namin, huwag ako. Charot.

"Uhm... Kuya, excuse po... Kukuha lang po ako ng toothbrush. Nasa tabi niyo po kasi hihi," Wika ng babaeng nasa likod niya. Halatang nagpapacute pa ito sa kaniya dahil nilalagay pa niya ang takas ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Oh. My bad," Aniya at binigyan ng daan si Ateng. Sinasagi sagi pa nito pa kunwari sa binti ni Sir. Kunot noo naman ang ginagawa ni Sir.

Hindi ko na pinansin ang bebot na humaharot kay Sir Hugo. Nilibot ko ang tingin ko at nakakita ng ice cream. Double dutch flavor. Bigla akong naglaway. Ito ang paborito kong flavor! Sayang lang dahil hindi ako nakapagdala ng pera.

"Next in line, please,"

Hindi ko na sana matanggal ang tingin ko sa ice cream pero napabalikwas ako nang marinig kong kami na pala ang susunod. Hinilera ko sa harap ni Ateng cashier ang mga pinamili namin at mukhang hindi lang ang bebot sa likod ni Sir Hugo ang na attract dito. Nakatingin sa malayo si Sir Hugo pero nagnanakaw ng tingin itong si Ateng cashier.

"Ate, na try mo na bang makapunta sa pulis?" Ewan ko kung bakit bigla kong nasabi 'yon. Ni hindi ko nga naisip na sasabihin ko 'yon.

Mukhang nagulat naman si Ate at kinunot ang noo.

"Hindi pa po. Bakit?"

"Ah wala. Survey lang," Sabi ko na lang at napasipol. Kinuha ko na ang paper bag nang matapos ilagay dito ang mga pinamili namin.

Akala ko ay lalabas na kami pero nagulat ako nang biglang kausapin ni Sir Hugo ang Ateng cashier at babae sa likod niya. Aba. Bet niya rin ang mga bebot na 'to? Bilis naman dumamoves.

Akala ko'y hinihingi niya ang number nila pero nagkamali ako dahil nilapag nito ang isang ice cream na double dutch flavor sa harap ni Ate Cashier.

Ngiting ngiti naman ang dalawa dahil mas lalong tumagal ang oras nila upang makatitig kay Sir Hugo.

Nang ilagay na ito sa paper bag niya ay tumalikod na ako upang pumunta agad sa sasakyan. Ngunit, kinalbit niya ang likod ko at bumulagta sa'kin ang binili niyang ice cream.

"Para saan 'to, Sir?"

"You've been eyeing on that, aren't you? Why are you still asking? Accept it," Masungit na sabi niya. Nang malagay niya ito sa kamay ko ay mas nauna pa siyang naglakad sa'kin.

Napangiti naman ako. May dulot din pa lang si Sir ang kasama ko. Nakakalibre pa ako ng ice cream.

"Sir, salamat!" Sigaw ko at sinundan na siya papunta ng kotse.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now