40

188 15 1
                                    

"Dalen, para kang tanga, iyak ka nang iyak. Itakin ko na ba boss mo? Tarantado 'yon ah,"

Patuloy akong inaalo ni Max ngayon pagkatapos kong umalis sa mansyon. Ang nakakaputangina pa, nalaman ni Ma'am Russiana ang tungkol sa'min.

"Hugo! What are you doing?!" Sa likod ni Hugo ay ang kaniyang ina, tatay, si Shainah at maging si Abigeyl.

Para akong tanga dito. Iyak ako nang iyak kahit na nakikita nila ako. Hindi ko na alam kung paano pipigilan 'to. Sobrang bigat sa kalooban.

"Dalen... Are you... with-" Hindi na natapos ni Abigeyl ang kaniyang sinabi dahil nagpapabalik balik ang mga tingin niya sa'min ni Hugo.

"Ma, please. Pumasok na kayo. Susunod ako sa inyo," Huminga ng malalim si Hugo habang nakatingin pa rin sa'kin.

"Kuya, are you with Dalen?!"

Shuta naman itong si Shainah. Magcoconclude na nga lang, lalakasan pa talaga ang boses. Hindi lang si Abigeyl ang nanlaki ang mata, maging ang nanay nila.

"What? Are you crazy, Shainah? Your brother's already engaged!"

"But, he called off their wedding!"

"Yes. I am with her," Ani Hugo. Ang kaninang nanlalaking mata ng kaniyang ina, ngayon ay napaawang na ang bibig nito.

"Paano, Kuya Hugo? S-She... was my ex! Alam kong alam mo 'yon!" Sambit pa ni Abigeyl.

Sobra sobrang issue na ang pinuputok ng dalawang 'to. Gusto kong magsalita. Pero, halos lahat ng gusto kong sabihin, nakabara lang sa lalamunan ko.

"Siya ba yung ex mong... lesbian, Abigeyl?" Tumango naman si Abigeyl. Bumakas ang pandidiri sa mukha ni Ma'am Russiana. Pero, ang tatay nila, wala man lang reaksyon. Parang hindi man lang ito nagulat.

"Paano mo naatim na patulan siya, Hugo? She's a lesbian for pete's sake!" Wika ni Ma'am Russiana. Mas lalo lang sumakit ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Hanggang ngayon, siguro nga... hinding hindi nila ako maiintindihan. Ang tungkol sa sekswalidad ko. Napakalaking isyu pa rin no'n sa lahat ng tao.

"Ma, enough. Please,"

"No, Hugo! Is she the reason why you called off your wedding with Drascilla?"

"Ma, please, tama na!"

Ako pa nagmukhang masama ngayon. Ako na nagmukhang tagasira ng relasyon. Nahulog ako sa mga matatamis na salita ni Hugo. Pucha. Ilang candy kaya kinakain nito araw araw.

Nakita kong kumuha ng iilang tagisang libo at lumapit ito sa'kin.

"Hindi ba't iilang buwan ka na lang? Take this. Huwag ka ng bumalik,"

Hinarap ni Hugo ang kaniyang ina at akmang kukunin ang pera, pero inunahan ko na siya. Ito lang naman dapat ang maging rason ko kung bakit ako nandito, hindi ba? Para sa pera.

"Ma'am, pasensiya na po. Nagkamali p-po ako. Aalis na po ako,"

Tumunganga lang si Hugo doon. Putangina. Hindi lang relasyon ko kay Hugo ang tinapakan nila. Pati ang pagkatao ko.

"Smile ka na, Dalen. Dali na. Panget mo na nga, mas lalo ka pang pumapanget," Hinawakan ni Max ang magkabilaang pisngi ko at kinurot ito para pilitin akong ngumiti.

Nagpapasalamat ako kay Max. Kahit na hindi ko pa sinasabi sa kaniya tungkol sa'min ni Hugo, nandito pa rin siya. Unang call ko pa lang, sinagot niya na agad.

"Tangina ka talaga. Wala ka ng sinabing maganda," Pinilit ko ang sarili kong ngumiti, pero habang sinasambit ko ang mga salitang 'yon ay nangilid na naman ang mga luha ko.

"Umiiyak ka na ngayon dahil sinasabihan kita ng panget?" Ngumisi ito sa'kin at sinalo ang mga nagbagsakan kong luha. Nagulat na lang ako nang bigla siya akong kabigin ng yakap. Hindi ko na nagawang maka angal pa dahil para akong nanghihina.

Kung masakit ang pinagdaanan ko kay Abigeyl, pucha yung angry bird na 'yon dahil mas masakit 'to ngayon. Feeling ko tuloy nasa music video na ako ng pusong bato. Isang buong araw na akong walang ganang kumain.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo doon, Dalen. Halos mabaliw na ako nang makita kitang umiiyak. Pero, hihintayin kitang magkuwento sa'kin... kapag maluwag na ang loob mo," Humiwalay ito sa pagyakap sa'kin at pinunasan muli ang luha ko.

"Salamat, Max. Sobra..."

"Ang bait mo ngayon, ah? Huwag kang magpasalamat. Ganito naman ang k-kaibigan..."

Tinawagan niya si Eric upang ibalita na umiiyak ako, kahit hindi naman dapat ibalita. Naka loudspeaker ito at rinig na rinig ko ang sigaw ni Eric.

"Ano, punyeta?! Sino umaway kay Dalen?"

"Yung kinuwento ko dating boss niya!" Pagsusumbong ni Max.

"Tangina no'n ha. Uuwi ako diyan para masapak 'yon! Bigay mo nga address, Dalen!" Gigil na gigil na sabi niya sa telepono.

"Siraulo ka. O-Okay lang ako 'no,"

"Okay lang tapos sinisinghot mo sipon mo diyan?"

Para silang tanga ni Max na nagpaplano ng mga gagawin nila na para bang nagplaplano sila sa World War 3, pero iniilingan ko na lang sila. Nagpapasalamat na rin dahil nakakangiti ako kahit papaano sa mga katarantaduhan nila.

Hinatid niya na ako sa bahay namin pagkatapos niya akong ilibre ng kung ano anong mga pagkain. Kahit sila nanay, takang taka pa kung bakit magang maga ang mga mata ko.

"Akala mo bang hindi ko napapansin na namumugto ang mata mo, Dalen? Tapos, uuwi ka pang dala dala mo ang mga gamit mo kahit hindi mo pa kailangan umuwi. Gegerahin ko talaga 'yang amo mo!" Inamba niya pa ang kamay niyang parang manununtok.

Bumaba naman si Tatay na may dalang props na itak. Para pa siyang naga ala Enteng kabisote dahil sa mga moves niya.

"Asan na 'yon ha?!"

"Hoy, siraulo ka talaga! Ibalik mo na nga 'yan doon! Baka makasagi ka pa, loko ka, sira sira na nga 'tong bahay natin!"

Napakamot naman ng ulo si Tatay at umakyat. Nilapitan ko si Nanay at niyakap nang mahigpit. Hindi sweet si Nanay, pero ginantihan niya rin ang yakap ko.

"Alam mong handa akong makipag gera para sa prinsesa ko," Bulong niya sa'kin.

"Prinsesa ka diyan, Nay?"

"Oo, prinsesa kita kasi may toot ka pa rin naman," Ngumiti ito at saktong kababa ni Tatay ay nag group hug kami.

Bigla na namang nangilid ang luha ko. Sa mga panahong malungkot na malungkot ako, hindi man ako sinuswerte sa mga jowa, pero daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa mga kaibigan ko at pamilya.

Saka ko na kukunin ang itak na tatay kapag nagpakita pa 'yon sa'kin.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now