49

180 12 0
                                    

"You're still snoring just like before, huh?" Naalimpungatan ako sa taong bumulong sa tenga ko, nang buksan ang isa kong mata, medyo malabo pa ito.

Pero, nang mag blink ako ulit, halos tumalon na ako sa kama dahil sa lapit ng mukha ni Hugo sa'kin. Naka topless ito at nakabalandra ang katawan niyang pwedeng ipantapat kay Johnny Bravo.

"Anong ginagawa mo dito?!" Lumayo ako sa kaniya habang nakatakip ang kaliwa kong kamay sa bibig ko. Humalakhak ito.

"I just missed seeing you sleep,"

"Nandidistorbo ka ng tulog,"

"I'm sorry. You can continue your sleep... in my arms," Sinubukan pa nitong tumabi sa'kin, pero tinulak ko lang siya. Wala ng ibang ginawa 'tong hinayupak na 'to kun'di ang asarin ako lagi.

Tinignan ko ang wall clock sa taas, alas nueve pa lang ng umaga. Bumangon ako agad at sinuot ang pinahiram nilang tsinelas sa'kin.

"Where are you going, Dalen?" Tanong ni Hugo habang nakahiga pa rin at nakatingin sa'kin.

"Basta sa lugar na wala ka," Lumabas na ako at walang katao tao. Sinubukan kong tignan ang kwarto kung saan natutulog si Tatang, pero wala siya doon. Bumukas naman muli ang pinto at niluwa naman no'n ngayon ay si Hugo.

"Nasaan si Tatang?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Sinundo siya ng nurse nya dito. He has a monthly check-up," Sagot nito. Sa totoo lang, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin sa abs niya. Paano ba naman kasi, para 'tong katawan na tinubuan ng mukha!

"Ah sayang. Hindi ako nakapag paalam sa kaniya o nakapag beso man lang,"

"You know what, Dalen... I am kind. Pwedeng ako muna i-beso mo. I will make sure that Lolo Edward will receive it,"

Tinaasan ko siya ng kilay. Seryoso ang mukha niya, pero sa gilid ng labi niya, nakikita kong umaangat ito na para bang gusto niyang mapangisi.

"Alam mo? Wala 'kong pake,"

Iniwan ko siya at nag text kina Nanay na uuwi na niyan ako. Siguro magtatanong tanong na lang ako dito kung paano ako makakauwi sa'min. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. Liningon ako ni Hugo.

"Hey, where are you going?"

"Bakit tanong ka nang tanong? Ano bang pakialam mo?"

"May pakialam ako sa'yo, Dalen. Now, tell me, where are you going?"

"Baka manlilimos ako sa daan," Sarkastiko kong sagot. "Malamang uuwi na!"

"Let me drive you home," Agad itong kumaripas sa kwarto niya at ilang sandali pa, nakita ko itong nakasuot na ng itim na t-shirt. Hindi na ako umangal para makatipid na rin sa pamasahe kahit papaano.

Habang pauwi sa bahay namin, katahimikan ang nananaig sa'min. Pero, hindi naman ako nagrereklamo dahil kung kakausapin din ako nito, wala rin akong masasabi sa kaniya.

Nakita ko si Nanay na nagwawalis sa daan at nang bumaba ako sa kotse ni Hugo, parang hindi na ito nagulat.

"Salamat, Hugo," Tipid akong ngumiti at tinanguan niya naman ako.

Lumipas ang isang buwan na hindi na ulit ako sinusundo sundo ni Hugo sa parking lot. Medyo nakakabawi bawi na rin kami sa mga gastusin sa gamot ni Tatay.

"Tay, gusto mo bang kumain na?"

"Ano ang ulam?" Tanong nito habang nakaupo at nanonood ng telebisyon.

"Tinola, Tay. Paborito mo,"

Tumango ito at kumuha naman ako ng plato para sandukan siya. Nagiging okay na rin si Tatay ngayon. Kailangan lang talaga na bantayan siya lagi at dapat regular ang pagt-treatment at pag inom nito ng gamot.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now