47

177 13 0
                                    

Pagkatapos ng walang kwenta naming usapan, inuwi niya na rin ako kaagad. Madilim na madilim pa at medyo tahimik ang daan, dahil may nagbibidjoke sa kabilang kanto dahil rinig na rinig 'yon.

"Saan mo pala nakuha number ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"It's not important. The good thing is now we have a communication again," Nakahalukipkip ito habang suot pa rin ang sumbrero ngayon, kaya hinding hindi makikilala kung sino siya.

"Anong communication? Baka nakakalimutan mong binlock kita?"

"I have my own ways, Dalen," Mayabang na tugon niy.

Napaisip ako sa mga pwede niya pang maging paraan. Ah, kahit na gumamit pa ito ng iba't ibang sim, kahit i-text niya pa ako sa iba't ibang number, ib-block ko pa rin ito.

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa akong hanapin at kausapin ulit. Malinaw na malinaw na kasal ka na,"

Napaismid ito. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Bakit? Naoffend ba siya, kasi totoo? Totoong kasal na siya at siya nakabuntis kay Drascilla?

"Let's have that topic when we meet again, Dalen. Basta... wala pa akong asawa,"

"Ah. 'Pa?' Baka magpapakasal ka na nga. Huwag mo na ako guluhin, Hugo. Ayokong isang beses na lang ay maimbita ako sa show ni Raffy Tulfo,"

Pinalayas ko siya habang kitang kita ang pagkabigo sa kaniyang mga mata. Nang makaalis na ito ay kumatok na ako sa yero naming gate.

Nangungunot ang mga noo ni Nanay habang kinakamot nito ang kaniyang batok nang pagbuksan niya aki. Halatang kakabangon pa lang nito mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"Hi, Nay," Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. Agad itong napamewang nang makita niya ako.

"Aba, alam mo ba kung anong oras na, Dalen? Alas onse na, kanina ka pa namin hinihintay ng Tatay mo, ni hindi ka man nagpapaalam sa'min!" Talak niya.

Hinila ko na lang siya dahan dahan sa loob ng bahay namin dahil nakakahiya naman kung ngayong gabing gabi niya pa ako sesermunan, tulog na mga kapitbahay.

"Ah... eh... Nalowbat ako, Nay. Pasensiya ka na. Huwag ka nang mag-alala sa'kin. Nakauwi naman na ako nang maayos e..."

"Lagi mo na lang sinasabi sa'kin 'yan, Dalen. Paano pala kung hindi ka nakauwi nang maayos? Idadahilan mo na naman sa'kin na hindi mangyayari 'yon, dahil marunong kang makipag basag ulo? Tigilan mo ako, Dalen ha," Napapailing pa ito habang nakatingin lang sa'kin. Memorize na memorize na ni Nanay ang mga lines ko.

"Sorry na, Nay," Inimuwestra ko pa ang mga kamay ko na parang nanghihingi talaga ng tawad. Tinapik niya pa ito, pero ginawa ko ulit. Sa huli ay parehas na rin kaming nakaakyat para matulog.

"Dalen, sinong naghatid sa'yo kagabi?" Sinalubong ako ni Max, saktong papalabas ako ng gate namin.

"H-Ha? Ano?"

"Sinong naghatid sa'yo kagabi?" Seryoso nitong tanong.

"Ah, wala... Baka nagmamalik mata ka lang," Sabi ko sa kaniya. Inunahan ko siya, pero sumunod pa rin ito sa likod ko.

"Nagkabalikan kayo, Dalen? Kayo na ulit? Nagkausap kayo? Kelan pa?" Sunod sunod na tanong nito. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong napikon sa mga pinagtatanong niya.

Hinarap ko siya. "Ano naman ba ngayon, Max?!"

Natigilan siya sa sinabi ko. Pati rin ako, hindi ko mahanap ang mga salita na dapat na susunod kong sasabihin sa kaniya.

"Naga-alala lang ako sa'yo, Dalen. Ayokong dumating ulit sa punto... na makikita kitang umiiyak ulit dahil sa lalaking 'yon,"

"Max... Pasensiya na. Hindi ko sadyang pagtaasan ka ng boses,"

"Ayos lang, Dalen. Basta, kung kailangan mo ng tulong, i-text mo lang ako," Hindi na ito sumunod pa at tumalikod na upang umuwi. Guilty na guilty tuloy ako at hindi mawala sa isip ko 'yon habang nagtratrabaho ako.

"Uy, Dalen, barbecue flavor daw,"

"Ha? Ano?"

Nginuso ni Fiel ang batang kanina pa ako tinitingala at tinitignan akong nakatulala. Kinuha ko naman ang bayad niya at agad na nagluto ng fries.

"Distracted na distracted ka, ah. Bakit?" Kuryosong tanong ni Fiel.

"Ah... May hindi lang kami pagkakaintindihan ng kaibigan ko,"

"Bakit? Anong ginawa mo?"

"Napagtaasan ko ng boses..." Napakagat ako sa labi ko nang maalala ko na naman ang ginawa ko.

"Naku, lagot ka!" Umakto pa itong parang isusumbong niya ako. Inirapan ko lang siya.

Pinalipas ko ang oras na inabala ang sarili ko na magtrabaho, dahil patuloy lang akong kokonsensyahin ng ginawa ko kay Max. 'Di bale na, magsosorry na lang ako sa kaniya pag-uwi.

"Dalen, helmet," Nilahad sa'kin ni Fiel ang helmet, ngunit bago ko pa makuha 'yon ay may tumigil na itim na kotse sa harap namin. Siguradong sigurado ako kung sino 'to. Yawa talaga.

Ibinaba nito ang kaniyang bintana. Sumalubong sa'ming dalawa ni Fiel ang panga niyang naka igting. Nakasuot ito ng sunglasses, kaya hindi ko alam kung saan ba siya nakatingin ngayon.

"Boss, excuse me. Nakaharang ka. Hindi ko alam saan lalabas," Pagpapakiusap ni Fiel, ngunit hindi natinag si Hugo. Mayabang pa nitong inilagay ang siko niya sa bintana nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Kanina pa siya tinatawag ni Fiel, ngunit nakadirekta lang ang tingin niya sa'kin. Kaya tinignan naman ako ni Fiel.

"Hoy, ano? Hindi ko kilala 'yan. Tara na, Fiel," Tinanggap ko ang helmet.

"Dalen," Ani Hugo. Ipinukol ko ang tingin ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Magkakilala kayo, Dalen?"

"Ah, hindi. Mali ka ng narini--"

"Try to avoid me once again, Dalen," Ma awtoridad nitong wika. Kaya lumapit ako sa kaniya. Ibinaba naman nito ang kaniyang salamin hanggang sa bridge ng matangos niyang ilong.

"Ano bang gusto mo ha? Gusto mong ireklamo kita? Siraulo ka. Hinaharang mo yung daan!"

"Hop in," Prenteng sagot nito.

"Ano ka? Sinuswerte? Tumabi ka na diyan, nakakaabala ka ng ibang magpapark!" Tinapik tapik ko pa ang kotse niya, dahil nakita ko ang iilang paparating na mga motor na magpapark din sana, pero hindi makalusot sa mga bakanteng pwedeng pagparkingan dahil kay Hugo.

"I won't, unless you hop in," Ngumisi pa ito nang makita ang iritasyon sa mukha ko.

"Edi huwag! Punyeye ka, ako pa gagawin mong dahilan ah!" Bumalik ako sa naghihintay na si Fiel. Nagsibusinahan naman ang iilang mga motor sa likod.

"Hoy! Sa kabila ang parkingan ng mga kotse!"

Kaya naman napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. Sinabihan ko si Fiel na hindi na ako sasabay sa kaniya at kilala ko itong lalaking 'to. Nakakahiya, dahil dito pa nagkakalat 'tong hinayupak na 'to.

Agad kong binuksan ang pinto sa backseat, pero nakasara ito.

"Ano ka ba! Buksan mo nga 'to!"

"I'm not your driver, Dalen!"

Pumunta ako sa shotgun seat at umupo do'n. Tumatawa tawa pa ito sa reaksyon ko, pero papaulanan ko ng sapak 'tong hinayupak na 'to. Mamaya, magpapalusot akong naiihi, para makatakas na.

Agad niyang pinaharurot ang kotse niya. "Saan mo ba ako dadalhin?"

"Someone wants to see you," Aniya habang nagmamaneho.

Napataas ang kilay ko. "Sino naman?"

"Lolo Edward,"

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon