31

198 18 0
                                    

Nang matapos ang iilang batian namin ng happy birthday kay Sir Hugo, napagdesisyunan na naming kumain. Agad akong luminya sa mga row ng pagkain.

"Ang sarap talaga ni Ate Ernesta magluto," Bulong ni Kuya Bando sa likod ko habang nakalinya rin tulad ko.

"Ay, totoo 'yan!"

Kumuha ako ng pagkaing sasapat na sa'kin dahil sigurado, kung dadamihan ko ito ay hindi ko rin naman 'yon mauubos. Sayang lang.

Nakita ko naman si Sir Hugo na nakikipagusap sa iilang mga kasambahay. Wala siyang mga kaibigan na nandito ngayon. Halos kami lang na nandito talaga sa bahay nila.

Umupo na ako kasama si Tatang na nagsisimula na ring kumain. Hawak hawak niya pa rin sa kamay niya ang regalo niya para kay Sir Hugo.

"Dalen, samahan mo ako ibigay 'to kay Hugo pagkatapos kumain," Masiyahing sambit ni Tatang at tumango ako.

Napaisip ako na baka may pa surprise party din ang iilan niyang mga kaibigan sa kaniya. Iba lang sa'min ngayon. Pero, wala akong nakitang mga regalo sa kaniya.

"Tatang, tapos ka na po? Gusto mo pa ba kumain?"

"Hindi na, Dalen. Tara na. Ibigay na natin kay Hugo itong regalo. Sigurado akong magugustuhan niya ito,"

Inalalayan ko si Tatang habang dahan dahan siyang pumupunta sa gawi ni Sir Hugo. Parang isang masayang bata na bibigyan ng regalo ang kapwang kalaro ang lagay ni Tatang ngayon.

"Hugo, apo, maligayang kaarawan!" Wika nito at inabot sa kaniya ang kaniyang regalo.

Ngumiti naman si Sir Hugo bilang tugon at nagpasalamat. Binuksan niya na ang regalo at mas lalong lumapad ang ngiti ni Sir nang makitang isa itong laruan.

"You bought this for me, Lolo?" Manghang sabi ni Sir Hugo. Para na silang magkapatid ngayon na nagsh share ng laruan.

"Hindi ako. Pinasuyo ko kay Dalen 'yan kasi gusto kitang bigyan ng regalo," Tinuro ako ni Tatang at binigyan ko lang ng tipid na ngiti si Sir.

"Thank you, Lolo. You've never forgotten my wish ever since I was young,"

"Nagustuhan mo ba, Hugo? Pasensiya ka na at hindi ito masiyado malaki," Malungkot na pahayag ni Tatang na kinailing naman agad ni Sir Hugo.

"I love it, Lolo. This is enough for me,"

Nilandas niya naman ang tingin niya sa'kin at ni head to toe ako. Alam kong hindi bagay sa'kin itong suot ko kaya hindi niya na kailangang tignan ako diyan.

Inalalayan ko na si Tatang dahil ihahatid ko pa siya sa kwarto niya. Halos alas dies na kasi at hindi pwede kay Tatang ang mapuyat.

"Dalen, ang saya saya ko. Nagustuhan ni Hugo ang regalo ko sa kaniya,"

Inabot ko sa kaniya ang isang baso ng gatas.

"Magugustuhan niya lahat ng bigay mo, Tang. Number one ka sa puso ni Sir Hugo,"

"Sana mahanap na ni Hugo ang mapapangasawa niya. At sana kasing bait mo 'yon, Dalen,"

Kasing bait ko? Lagi ko ngang kinakaltukan ang mga bugok kong kaibigan. Paano ako naging mabait sa lagay na 'yon?

"Naku, Tang. Tinext ako ng girlfriend niya, on the way na daw siya."

"Mabait na bata si Hugo kahit mukhang nakabusangot lagi. Mahal na mahal ko yung apo kong 'yon. Ang lambing," Ngiti pa niya nang matapos niyang inumin ang isang baso ng gatas. Nagkaroon pa siya ng bigote nito na pinunasan ko naman.

"Sigurado ako, Tatang. Mahal na mahal ka rin ni Sir Hugo. Ang lapad nga ng ngiti niya kanina nang abutan mo siya ng regalo e,"

"Sana maabutan ko pa ang apo ko sa kasal niya," Aniya.

Bakit ba iniisip ni Tatang na hindi niya na ito maaabutan? May flight ba si Tatang? Magbabakasyon ba siya?

"Saan ka pupunta, Tang? May trip ka? Sama ako," Pagbibiro ko.

"Baka puntahan ko na si Rose," Ngumiti ito nang malungkot.

Hindi ako pala dasal na tao. Pero, sinamahan ko si Tatang na magdasal para sa mga nangyari sa araw na 'to. Yung birthday ni Sir Hugo, mga tao dito, at pati ang buhay ni Tatang. Alam kong hindi pa naman siya madededbol at hindi mangyayari 'yon.

Pero, kahit papaano, gusto kong maibsan ang pangamba niya.

Nakatulog na ito nang mahimbing pagkatapos ng ilang sandali. Bumaba naman ako upang pumunta ulit sa garden dahil naririnig ko ang iilang tunog ng mga plato at iba pang kagamitan na nililigpit na.

"Dalen,"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko. Medyo madilim sa parteng kinatatayuan ko ngayon at hinanap ko kung sino ang tumawag sa'kin.

"S-Sir. Bakit po?"

Nakabukas na ang tatlong butones nito sa long sleeves na suot. Nakatupi na rin ang mga ito hanggang braso niya.

"Thank you," Sambit niya.

"Po, Sir? Saan po?" Takang tanong ko.

Ito yata ang unang pagkakataon na naging kalmado ang boses niyang kausapin ako. Hindi siya mukhang galit ngayon.

"Thank you for taking care of my Lolo Edward. And, also for helping him hand me this gift," Pinakita niya sa'kin ang superman na umiilaw na ngayon.

Kakaibang superman pala ito. Bilhan ko rin nga ng ganito ang mga pamangkin ko. Kaya lang, kailangan ko pang mag-ipon dahil medyo sumakit ang bulsa ko dito.

"Wala po 'yon, Sir. Para ko na rin pong Lolo si Tatang Edward. Pero, huwag mong isipin na inaagawan kita ng lolo ha,"

Napatawa naman siya. Hindi siya nakapagsalita agad at katahimikan ang naghari sa'ming dalawa.

"Dalen," Pagtawag niyang muli.

"Tawag ka nang tawag sa'kin, Sir. Kalbitin mo na lang ako,"

"You look beautiful tonight," Halos paos niyang sambit. Hindi ko alam pero naramdaman ko na naman ang hindi ko dapat maramdaman sa tuwing malapit siya sa'kin. Sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na katulad nito.

"Mali ka, Sir. Pogi ako," Ngumisi ako para kahit papaano ay maibsan ang ka awkward-an.

"Hanggang kailan mo ba sasabihin na pogi ka, Dalen? You look gorgeous, okay. You look stunning. Halos mabaliw na nga ako nang makita kita kanina," Hindi ko masiyado narinig ang huling pangungusap na sinambit niya at nag iwas ito ng tingin.

"Baka nakakalimutan mong pusong bato ako, Sir,"

"Babae ka pa rin, Dalen,"

Siguro, 75 sa reading comprehension si Sir. Lalaki nga ang puso ko e. Bakit ini insist nito na babae pa rin ako? E mahilig nga ako sa mga bebot!

Akmang babalik na ako dahil hindi ko na makaya pa ang katahimikan, pero bigla niya akong pinigilan at hinawakan ang braso ko. Inilapit niya ako lalo sa kaniya na halos magbanggaan na ang mga dibdib namin.

Kung mga kabayo naman ang nagkakarera noon, ngayon mga cheetah na. Hindi ko alam kung ano ang mga tamang salita para idescribe ang nararamdaman ko ngayon. Pero, isa lang ang sigurado ako. Hindi ito normal.

"Dalen, gusto kita,"

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now