54

180 12 1
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa party na 'yon, hindi na nawala si Hugo sa paningin ko. Kahit saan ako pumunta, lagi niya akong sinusundan.

"Hugo, ano ba, magtratrabaho na ako," Pilit kong kinakalas ang paghawak niya sa baywang ko. Siya na ngayon ang naghahatid sundo sa'kin ngayon sa trabaho.

"I will miss you," Bulong nito.

"Ang clingy mo talaga. Kanina mo pa sinasabi 'yan," Pagtataray ko sa kaniya.

"Because that's the truth," Lumandas ang tingin niya sa kamay ko. Kinuha niya ito at hinalikan ang likod nito.

Sinubukan kong tanggalin ang lahat ng panghuhusga ng mga tao sa'kin. Sinubukan kong huwag isipin ang lahat ng 'yon, pero hindi ko kaya na mag isa lang pala. Mabuti na lang at nandito si Hugo sa tabi ko.

"Hoy, Dalen. Sikat ka na ah," Ani Fiel.

"Bakit?" Pagtataka ko. Inabot naman niya sa'kin ang kaniyang selpon. Nakabukas ang isang article rito tungkol kay Hugo, na bagong CEO ng La Costa Corporation.

At syempre ang nangyaring surprise engagement niya.

Nakakatawa pa nga noong makauwi ako e. Si Nanay ang unang nakapansin ng singsing ko sa ring finger. Tuwang-tuwa rin naman siya nang makitang ihatid ako ni Hugo.

"Congrats, engaged ka na pala. Sabi ko na nga ba. Jowa mo 'yon," Ngumisi ito.

Inilingan ko na lang siya at inubos ang oras ko sa pagtratrabaho. Tuwing breaktime ko, nagtetext sa'kin si Hugo. Hanggang sa magsara kami, hinintay ko ulit si Hugo sa usual spot kung saan ko siya laging hinihintay.

Medyo lamukin na ako. Halos lumawak ang ngiti ko nang makakita ako ng pamilyar na kotse. Pero, nabawi rin ang ngiti ko nang makita kong ang iniluwa nito'y ang ina ni Hugo. Lumapit ito sa'kin.

"Get inside," Striktang sagot niya. Napatanga pa ako nang sinabi niya 'yon dahil hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako ngayon. Pero, nang halos sigawan niya na ako sa pagka-inip, wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya.

Sa buong byahe, tahimik lang kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ngunit, sinabi niyang magu-usap kami. Sana lang... sa paguusap naming 'to, malinawan siya.

Nagulat ako nang tumigil kami sa resthouse nina Tatang. Doon kami bumaba. Tinuro niya ang likurang banda ng resthouse at doon namin napagpasiyahang mag usap.

"Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Kaya mo ba binalikan ang anak ko nang dahil sa pera?" Tinaasan niya ako ng kilay. Imbis na makasagot ako kaagad, tanging malakas na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Alam ko pong ganiyan ang iniisip niyo sa'kin... Pero, maniwala po kayo. H-Hindi po. Mahal ko si Hugo,"

Nakita kong kumuha ito ng kung ano sa kaniyang maliit na bag. Inilabas niya ang isang cheque at binigay ito sa'kin. Nakita ko ang naka imprenta ritong dalawang milyong piso. Nanlaki ang mata ko dahil ang laking pera no'n!

"Hindi ko alam kung paano kayo nagkaroon ng koneksyon ulit ng anak ko. But, I think, this is the reason why. Remember your Dad's hospital bills?"

Inalala ko ang panahon na nagkasakit si Tatay. Doon ko saktong natyempuhan si Hugo sa ospital na 'yon. Sinubukan kong pagkonek-konektahin ang sinabi ni Ma'am Russiana... 'di kaya'y...

"Yes. It was Hugo who paid your Dad's hospital bills," Tugon niya na para bang narinig niya ang mga iniisip ko.

"H-Hindi ko po alam..."

"Of course, you wouldn't know. Kasi ako, huli na rin ng malaman ko 'yon. And I came with the conclusion... maybe, it's really the money that made both of you reconnect again. So..." Winagayway niya ang cheque sa harapan ko at kinukumbinsi akong kunin ito.

Kahit ilang beses kong i-explain sa mga tao sa paligid ko na hindi lang pera ang habol ko kay Hugo, hindi talaga sila naniniwala. Kung sana pa lang ito ang agenda ko unang-una pa lang, sana habang magkatabi kaming matulog ay ninakawan ko na siya.

"What are you still waiting for? Get this in my hand, Dalen at magpakalayo-layo ka na," Mariin niyang sambit, ngunit inilingan ko lang siya.

"Ma'am, wala po talaga akong masamang intensyon sa anak niyo. Mahirap lang kami, pero hindi kami mukhang pera. At lalong-lalong hindi kami gagamit ng ibang tao magkaroon lang ng pera..."

"You're only saying that because Hugo's on your side. Pero, once both of you will get married, hindi ko makakayang magt-take advantage 'yang pamilya mo sa pera ng anak ko,"

"Stop it, Mom, please!" Agad napabalikwas ang ina ni Hugo at itinago ang cheque sa kaniyang bag. Humarap naman ako kay Hugo na nagpupuyos na sa galit ngayon. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniya. Bago pa bumuhos ang luha ko, napunasan ko na ang butil na tumulo sa pisngi ko.

"Ma, I don't understand why you are doing this, but whatever plans you are trying to build, stop it, I'm begging you,"

"But, I'm only trying to protect your future, anak. Please, don't misundert---"

"Trying to protect? Or, trying to control just like what you are doing?" Nagtagis ang ngipin nito. Nakita ko ang pagkabigla sa ekspresyon ng kaniyang ina.

"All this time, you think of me as a manipulative mother, Hugo? Just because I am stopping you from marrying this girl, you are calling me manipulative?!"

"Hindi lang dahil dito, Ma... But, please. Just let me... this time... decide on my own. Please,"

Lumapit ang ina niya sa kaniya at hinaplos ang pisngi nito, pilit pa ring kinukumbinsi ang kaniyang anak.

"I don't want you to make bad decisions for yourself, anak. I can't bear... seeing you wish to undo things,"

Hinawakan ni Hugo ang kamay ng kaniyang ina at inilayo niya ito sa kaniya. Lumapit siya sa'kin at kinabig ako sa braso ko. Nag iba ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang ina.

"Kung magkakamali man ako, asahan niyong hindi ako hihingi ng tulong sa inyo. I can assure you that this is real, Ma. Kilala mo ako. I won't make decisions fast unless I am sure,"

Wala itong ibang sinabi at tinalikuran kami. Ngunit, bago ito makapasok sa kaniyang sasakyan, hinarap niya kaming dalawa.

"I will let you take the path you want, Hugo. But, don't expect my shadow in your wedding," Malamig na sabi nito at umalis.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now