30

202 21 0
                                    

Nagising kami ng maaga dahil paghahandaan namin si Sir Hugo ngayong birthday niya. Sa lumipas na mga araw, hindi na siya masiyado nakakauwi sa mansyon. Lagi na lang siyang Sinamahan ko sina Ate Via at Ate Ernesta at iba pang mga kasambahay upang magluto ng mga handa.

Akmang kukunin ko na ang mga rekado nang nakita kong biglang bumaba si Tatang Edward. Dahan dahan pa siyang humahakbang sa hagdanan habang hawak hawak pa ang railings.

Agad naman akong lumapit sa kaniya.

"Tang! Naku! Bakit hindi niyo po sinabing gising na kayo? Sana po inalalayan kita," Sambit ko.

"Hindi na kailangan. Nakababa na ako," Ngumiti siya at binati ang iilang mga tao sa loob na nagsisihanda ng mga gagamitin para sa birthday ni Sir.

Balak namin i-surprise si Sir Hugo dahil birthday niya nga ngayon. Nang makaalis na siya kaninang umaga, saka na namin pinaglalabas ang mga dapat gamitin sa pa surprise namin sa kaniya.

"Anong mayroon?" Takang tanong ni Tatang Edward nang makaupo na siya sa sala.

"Birthday po ng apo niyo, Tatang. Si Sir Hugo po,"

Biglang umaliwas ang ekspresyon sa mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ni Sir Hugo.

"Si Hugo? Birthday na ng apo ko?" Pumalakpak pa siya habang tinatanong niya sa akin 'yon.

"Opo, Tatang. Birthday niya na po,"

"Edi dapat bilhan ko pala siya ng Superman na laruan. Lagi niyang pinapabili yun sa'kin dahil ayaw siyang bilhan ng Papa niya,"

Tumayo pa siya at hinahalughog ang bulsa nito. Naghahanap siya ng pera sa bulsa niya. Kitang kita mo sa mga mata ni Tatang kung gaano niya kagusto bilhan ng regalo si Sir Hugo.

"Gusto niyo po siya bilhan ng regalo, Tatang?"

Tumango ito ng parang bata. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at nagpasuyo kay Kuya Bando na bumili ng laruan.

"Ha? Bibigyan mo ng Superman si Sir Hugo?" Kahit siya ay litong-lito sa pinapasuyo ko.

Tinuro ko si Tatang Edward na aliw na aliw manood ng Dora sa TV at pumapalakpak pa.

"Gusto ni Tatang Edward na bigyan si Sir Hugo ng regalo,"

"Pero, bakit Superman?"

"Gustong-gusto niya raw ibigay kay Sir Hugo 'yon bata pa lang siya,"

Naintindihan niya naman ako at ang dahilan kung bakit gusto ni Tatang regaluhan si Sir Hugo kaya dali-daling umalis na si Kuya Bando upang bumili ng regalo.

Saktong pagkaalis naman ni Kuya Bando ay ang pagkarating ng nurse ni Tatang.

"Tatang, nagpabili na po ako ng regalo kay Kuya Bando. Bibilhan niya ng Superman si Sir Hugo,"

"Talaga? Naku! Sobrang matutuwa si Hugo dahil sa regalo ko. Gustong gusto niya 'yon!"

Napatawa ako sa kaniya at pinalandas ang mga kamay ko sa bumbunan niya. Kaya siguro mas naa-attach si Sir Hugo sa mga Lolo at Lola niya, dahil hindi siya masiyado nabibigyan ng pansin ng mga magulang niya.

Bigla akong napaisip kung ako naman ang magkakaroon ng kapatid. Matututukan pa rin kaya ako nila Nanay at Tatay? Magkakaroon din ba ng favoritism? O, magiging pantay lang ang tingin nila sa'ming magkapatid?

Pero, hindi ko na masiyado inintindi 'yon dahil andito na ako e. Only child lang talaga. Wala ng balak magrakrakan sila Nanay dahil medyo nirarayuma na si Tatay.

"Dalen, pwedeng pakikuha ang mga lobo doon sa storage room? Wala pang hangin ang mga 'yon dahil busy si Kuya Wey mo sa ginagawa sa garden," Ani Ate Ernesta habang hinahanda ang Cordon Bleu.

Tumango ako sa kaniya at sinunod siya. Kinuha ko ang iilang piraso ng pakete ng mga lobo sa Storage room at pinuntahan si Kuya Wey sa garden upang tulungan siya.

Ala singko na kami natapos sa paghahanda sa garden. Ang mga lobong pinaghirapan ko kanina ay nakalagay na rin sa tamang pwesto. Tamang tama ito sa piniling theme ng mga kasambahay.

"Dalen, mag ayos kana," Pagkalbit sa'kin ni Ate Via.

"Ha? Para saan, Ate?"

"Icecelebrate natin ang birthday ni Sir kasama siya. Ayaw na ayaw niyang mag-isa siya kapag birthday niya," Ngumiti pa ito sa'kin.

"Anong susuotin, Ate? W-Wala akong magarbong damit,"

"Naku, kahit hindi kana magsuot ng gown pa diyan. Bestida okay na,"

"Wala rin akong bestida, Ate..." Napakagat labi kong sagot at umiwas ng tingin. Sadya kong iniwan ang binigay ni Max sa bahay namin dahil hindi ko talaga bet ang mga bestida.

Hinila ni Ate Via ang kamay ko at dinala sa kwarto nila. Hinukay niya ang bag niya at pinakita sa'kin ang isang bestida.

"Ito... Bagay 'to sa'yong emerald green na marie dress. Sigurado ako," Ngumisi siya habang hawak hawak pa rin ito sa harapan ko.

Hindi na ako naka angal pa kay Ate Via nang pilitin niya akong suotin 'yon. Hapit ito ng kaunti sa baywang ko at may disenyo pang iilang tupi sa kanan. Inayos ko pa ang may parteng dibdib dahil medyo nakikita ang hindi dapat makita.

"Ayan! Bagay mo! Ang ganda mo, Dalen!" Pagkomento ni Ate Via.

"Pogi, Ate. Pogi dapat,"

Hinampas niya ako ng mahina sa braso habang tumatawa. Baka nagbibiro lang 'to? Baka mukha akong clown sa suot na 'to?

Pinaupo niya ako sa kama nila at inalis ang pagkaka bun ng buhok ko. Pinasok niyang muli ang pangkulot niya sa aparador nang makitang naging kulot ang dulo ng buhok ko dahil sa ipit. Pinagtuunan niya na lang ng pansin ang mukha ko.

"Ate, baka magmukha na niyan akong clown ha," Pagbibiro ko.

"Clown ka diyan? Baka ligawan mo na rin ang sarili mo pagkatapos nito," Naramdaman ko ang pagdampi ng brush sa mukha ko. Inayos niya ang buhok ko at nilagay ang isang parte sa likod ko.

"Tignan mo ang sarili mo. Ang ganda mo pala, Dalen!" Ibinigay niya ang salamin sa'kin at halos hindi ko makilala ang sarili ko. Halos hindi nakikita ang mga ginamit niya sa mukha ko dahil halos brown lang ang ginamit niya. Hoy, nasaan na ang pagka pogi sa mukha ko?

Pinahiram niya ako ng sandals. Ilang beses ko siyang kinulit na magpapalit ako ng damit pero hinila niya lang ako palabas ng kwarto nila.

Pumunta na ako sa loob ng bahay upang sunduin si Lolo dahil maga-alas otso na. Paparating na si Sir Hugo. Kita kong ayos na ayos din si Lolo at hawak na nito ang regalo niyang pinabili ko kay Kuya Bando.

Inabangan naming lahat si Sir Hugo sa may garden at nagsi-ayos na nang marinig naming kakapatay niya lang sa makina ng kotse niya.

"Kuya Jayvee? Where's Kuya Paul? Bakit isa lang ang nagbabantay sa gate?" Rinig naming sabi niya. Tignan mo 'to, birthday na birthday, nakabusangot pa ang mukha.

"Happy birthday, Sir Hugooo!" Sabay sabay naming isinigaw at pinaputok ni Kuya Bando ang party popper. Parang nanalo si Sir Hugo sa Wowowin dahil sa mga papel na nagliliparan.

Pumunta siya sa'min at ang laki na ng ngiti niya ngayon nang makita niya ang hinanda para sa kaniya. Pinasalamatan niya kaming lahat at hinatiran siya ni Ate Via ng malaking cake na may maraming kandila.

"Happy 25th birthday, Sir Hugo! Patanda ka na nang patanda, pa gwapo ka pa rin ng pa gwapo!" Sigaw ni Ate Gina. Ngumisi lang si Sir at hinipan ang mga kandila.

Pinalakpakan namin siya at halos umawang ang bibig niya nang magtagpo ang mga titig namin. Konti na lang papasukan na ng langaw ang bibig niya.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon