15

203 16 1
                                    

Nagising ako sa maingay na sintunadong boses ng mga kapitbahay namin. Oo, mga kapitbahay namin. Nagsilabasan ang lahat at parang kulang nalang palitan nila ang pagtilaok ng manok sa sobrang sintunado ng mga boses nila.

"Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you!"

"Dalen! Bumaba ka na diyan, birthday mo na tsong!" Rinig kong sigaw ni Eric sa isang mikropono. Muntik ko ng kunin ang tsinelas ko at ihagis sa labas dahil sa ingay niya.

Pagkababa ko naman ay nadatnan ko sina Nanay at Tatay na nagsisindi ng kandila sa isang maliit na cake. Susyalin. Last year, Monde ang cake ko. Ngayon, obyus na obyus ang karatula ng Goldilocks.

"Maligayang kaarawan, anak! Wohooo! Dalagang dalaga ka na!" Nakita ko sila nanay at tatay na excited na excited akong binabati. Nakataas pa ang mga kamay akala mo nanalo sa Wowowin.

"Dalaga ka diyan, Tay. Hindi mo ba nakikita 'tong masels ko? Pwede ko ng palitan manok mo sa panabong,"

"Siraulo ka, anak. Bakit kita ipapanabong? Sunod na lang kapag pula na buhok mo,"

Inismiran ko si Tatay at tinawanan niya lang ako. Nakalimutan kong naka jersey na sando lang pala ako ngayon. Potek. Nakalimutan ko pang mag ahit ng buhok sa kili kili.

Papunta sana akong CR pero huli na ang lahat dahil narinig ko ang dalawang bugok. Si Max ay may dalang dalawang takip ng kaldero habang si Eric ay mikropono. Halatang ginamitan pa ng extension mula sa bahay nila. Napaka effort ng mga tanga.

"Oh! Happy birthday sa pinakapogi naming tropa diyan! More chixx to come at sana hindi ka na ma broken hearted. Wohooo!" Pagkasabi ni Eric ay siya namang pagkalampag ni Max sa mga takip ng kaldero. Parang mga takas sa mental. Mukha bang bagong taon ang kaarawan ko?

Tinignan ko si Nanay at nginitian niya lang ako. Alam niya na wala na kami Abigeyl. Noong una, hindi niya pa matanggap, pero, sa huli, naconvince din siya na nararapat ako sa mas mapagmahal. Sa mas sexy.

Nilapitan ko silang dalawa at binigyan sila ng tag iisang pingot.

"Araaaay! Hoy, Dalen! Binata ka na talaga! Tignan mo 'yang mga balahibo mo sa kili kili!" Itinaas pa nilang dalawa ang kili kili ko at saka kunwaring pinagbubunot ang buhok nito. Hinabol ko sila at binigyan ng tag iisang sapok.

"Anong masama ha?! Ganyan talaga ang mga pogi! May buhok sa kili kili," Nagpogi pose pa ako.

"Kaya pala pogi ako," Ani Max.

"Hoy, magsilapit na kayo rito. Samahan niyo si Dalen na mag blow ng kandila. Tignan niyo, pa ubos na oh, kapag 'yan ay nakain niyo, bahala kayo ha," Sabi ni Nanay kaya lumapit kaming tatlo sa cake na hinanda nila.

Sobrang ma effort ng nakalagay. 'Happy birthday sa pogi naming anak. Wish namin maghanap ka ng mas sexy at mas mabait. Mahal ka namin. Nay&Tay'

"Oh wish ka muna, Kumpare naming Dalen bago mo hipan 'yan,"

"Ano ako? Magseseven years old?"

"Bakit? Sa seven years old lang ba pwede 'yon?" Pagtataray niya.

Wala na akong choice kaya naman nag wish muna ako. Syempre, pabulong lang sa isip ko at sikret lang. Pero, ito na yata ang pinakamatinong birthday wish na ginawa ko. Hinipan ko na ang cake at nagpalakpakan kaming lahat.

"HAPPY BIRTHDAY ULET KAY DALEN!"

Kahit na birthday ko ngayon, hindi pa rin ako makakatakas sa trabaho, kaya ginawa kong gabi na lang ang selebrasyon namin. Kung ang mga mayayaman, may icecelebrate- syempre, hindi kami papakabog. Nagbigay na lang ako ng pera kay Nanay at pinabilhan ko siya ng tatlong buong palabok. Mamayang gabi na kami magchichibugan.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now