02

383 25 3
                                    

To: 098712*****

Ay boss! Pasensya kana boss! Dapat sa jowa ko ito isesend, boss. Pasensya na po!

Napakagat ako ng ibabang labi ko. Tangina. Nakakahiya. Ikinuwento ko pa naman doon kung paano kami magchukchukan ni Abigeyl! Eh malay malay ko bang mawr wrong send ako!

"Oh, mukhang namumutla ka dyan ha? Ano? Nakipagbreak na?" Pang uusisa ni Eric.

"Kulang nalang maging kulay banjolet kana d'yan, loko. Imik imik din! Balitaan mo kami sa mala MMK mong storya!" Sigaw pa ni Max.

"Ha? Anong banjolet?" Takang tanong ko kay Max.

"Violet," Aniya.

"Ang layo naman! Pero, mga tarantado hindi pa kami break!" Ungas ko.

"Galet na galet, gusto manaket?!" Natatawang wika ni Eric.

"Kulang nalang tawagin na namin St. Peter's sa pamumutla mo." Dagdag pa niya.

Sino ba naman kasing hindi mamumutla? Alam kong hindi ako kilala nitong na-wrong send-an ko, pero nilagay ko doon ang buong pangalan ni Abigeyl. Paano kung bigla niya na lang siyang i-blackmail? O kaya, i-add sa facebook?

Napaka OA at paranoid ko para isipin 'yon, pero baka mas lalo lang ako ikahiya pa lalo ni Abigeyl kapag may pang nakakaalam ng nangyayari sa'min.

"Tanga. Na wrong send kasi ako,"

Napabuga sa iniinom na alak si Max at agad kumunot ang noo ni Eric.

"Putangina naman, Max! Napakababoy naman eh! Pag inom, inom lang! Hinayupak ka naman!" Pilit kong pinapagpag ang nabugahan niyang damit ko. Paktay. Baka malaman ni Nanay na tumagay na nanaman ako nito!

"Sorry na agad!"

"Hindi ka lang pala tanga sa pag ibig, Magdalena. Tanga rin pati sa text!" Ani Eric.

"Nakakahiya pa naman! Ikinuwento ko doon ang mga labing labing naming dalawa ni Abigeyl," Wika ko habang nakapalumbaba at iniisip pa rin ano bang dapat kong gawin.

Sana hindi na magreply 'yon at kalimutan niya na lang ang buong nangyari. O kaya... loadan ko na lang siya, kapalit ng huwag niyang pagsasabi sa iba 'yon.

"Paano pala kung DJ yan at biglang ibalita yan sa Radyo? Edi patay kang gaga ka?" Ani Eric.

"Naku. Sobrang layo naman niyan. Ba't niya ibobroadcast to sa radyo ng walang permisyon ko? Adik ba yon? Pademanda ko pa yun e,"

Nag isip ako ng ibang paraan kung paano makakausap si Abigeyl ng maayos. Hindi talaga ako papayag na ganun ganun na lang kami! Ilang taon kong niligawan mapa text, personal, o messenger 'yon at magb break lang kami sa mall? Ano tingin niya sakin? Buang?

Maria Magdalena yata to.

A.K.A pinakaloyal sa lahat.

Kaya naman una ko munang sinolusyunan ang problema ko sa pagka wrong send ko. Pagkatapos naming magligpit at tumagay ng kaunti, pumunta pa ako sa kabilang kanto namin para magpa load. Hindi kasi naglo-load 'tong si Aling Kusing. Halos mga paninda lang talaga.

Habang naglalakad ako, naaamoy ko ang sarili ko ng konting alak. Naka lima lang ako panigurado. Nakita ko naman ang tinutukoy ni Max na bagong lipat. Nagbubuhat ito ng mga pocketbooks at biglang may nahulog.

Bilang pinalaki ako ng Nanay ko na mabait, tinulungan ko naman siya at kinuha ang librong nahulog.

"Ah, salamat," Mahinhing sambit niya.

"Walang anuman. Kayo bagong lipat dito?"

Dito sa baryo namin, halos magkakaprehas lang kami ng style ng mga bahay. Lahat may yero. Pero, itong bahay nitong bagong lipat ay parang may balak pang ipagawa dahil may nakahilerang mga tiles at iba't iba pang gamit sa gilid.

"Oo. Dapat last month pa kami lilipat, kaya lang nagkaproblema at na delay. Saan ka nakatira?" Tanong pa niya.

"Ah... ganoon ba. Medyo malayo na ako dito. Mga singkwentang lakad siguro mula dito,"

Tumango naman siya at napuno ng katahimikan ang paligid namin. Hindi ko naman magawang umalis agad dahil mukhang bastos naman 'yon kung bigla ko na lang siyang lalayasan.

Pero, ang demonyong sinabi sa'kin ni Max ay bigla kong narinig na para bang isa itong mahiwagang bulong. Lintek na 'yan! Bakit bigla kong naalala 'yon? At saka, hindi naman ako nagloloko ngayon. Hindi ako ganoong tao. Tinulungan ko lang ang babae, pero si Abigeyl pa rin tinitibok ng puso ko.

"Ah... Mauna na pala ako ha. Magpapaload pa kasi ako," Pagpapaalam ko.

"Ha? Mukhang pupunta ka pa sa kabilang kanto para magpa load ah. Wala bang malapit na load-an diyan?"

"Wala eh. Nasa kabilang kanto pa talaga,"

"O sige. Salamat ulit," Mahinhing pagbati niya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad upang magpaload.

"Ate Jing! Pa load po!"

"Andiyan naaa!" Rinig kong sigaw niya habang hawak hawak niya ang kaniyang selpon.

"Ate, paload po nitong number. Singkwenta po," Sabi ko sa kaniya at inabot ang selpon ko na may number.

"Chikababes na naman ba itong niloloadan mo, Dalen? Naku. Kung magpapaload ka, dapat sure ka na sa kaniya ha,"

"Ah... Pinapaload lang sa'kin ni Max 'yan, Ate. Inutusan kasi siya kaya hindi siya ang nakakapagpaload," Pagpapalusot ko. Dati kasi ay nakakakuwentuhan ko pa si Ate Jing tungkol sa mga chikababes ko.

Ito ang tambayan namin noon nina Max at Eric, pero dahil medyo malayo at mabuti na lang may nagbukas na medyo malapit na tindahan sa'min, doon na lang kami tumatambay.

"Ayan, na load na," Aniya at inabot ko naman sa kaniya ang bayad at nagpasalamat na. Wala akong segundong pinalagpas at agad na nagtipa ng message.

To: 098712*****

Ate/Kuya, ako po nagpa load ng singkwenta sa'yo. May isang hiling lang po ako, sana po hindi niyo po ipagsabi sa kahit kanino ang sinabi ko.

Agad naman itong nagreply.

From: 098712*****

Thank you, but I don't need your load. Don't worry, your little secret is safe with me.

Tumunog naman ang selpon ko at ibinalik niya sa'kin ang singkwentang pinaload ko kanina. Ito na nga binibigyan, ito pa choosy.

To: 098712*****

Pramis po 'yan ha? Kun'di ipapapulis kita.

Hindi na siya nagreply muli. Siguro, natakot siya o baka wala lang talaga siyang pakelam. Sabagay, hindi naman namin kilala isa't isa.

Pagkabing pagkagabi, agad ko nang pinlano ang mga gagawin ko para matupad ang Oplan Pabalikin si Abigeyl sa Piling ko. Gusto ko na sana pagkatapos ng pinaplano kong ito, babalik na kami sa dati. Katulad pa noong bago pa lang kami.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now