46

184 16 0
                                    

Agad kong binlock ang number niya nang mareceive ko 'yon. Sa totoo lang, kumabog ulit ang puso ko na parang katulad lang dati.

Pero, hindi ko na dapat maramdaman 'yon ngayon.

Magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya. Minsan na akong naturingang epal sa relasyon nilang dalawa ni Drascilla. Ayokong dumating ako sa puntong mangingiyak ngiyak na naman ako.

Sa loob ng isang taon at mahigit, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang kalimutan siya. Noong pinaalis ko siya, may mga araw na hinihiling ko, na sana bumalik ulit siya sa'kin. Pero, hanggang bulong na lang sa hangin ang nagawa ko.

"Matumal tayo ngayon ah," Ani Fiel habang inaayos nito ang iilang mga ingredients.

"Oo nga e. Pero, ayos lang 'yan. Baka mamayang pagabi na, dumami nang dumami ang customers natin," Sinubukan ko siyang i-motivate para naman may gana kaming dalawa na magbenta.

Hanggang sa nakita ko sa malaking bintana ng mall na halos papalubog na ang araw at wala pa rin kaming masiyadong benta.

Kaya ang ending, nagligpit na lang din kami. Tinapos namin ang working hours namin. Tinulungan ko si Fiel sa paga ayos at pagliligpit ng stall.

"Nakahanap ka na ng papag part time mo, Dalen?" Kuryosong tanong ni Fiel. Isa rin kasi siya sa nag offer sa'kin ng mga pwede kong apply-an. Pero, nang makarating na ako sa nirerekomenda niya, nakatanggap na pala sila.

"Ah... Wala pa e. Pero, baka maghanap ulit ako sa Linggo,"

Tinanguan niya ako at binigay niya sa'kin ang helmet. Sumakay naman ka agad ako. Ibinaba niya na ako terminal ng jeep. Kaalis na kaalis niya, may tumigil na isang kotse sa harap ng hintayan ng mga jeep.

Nasilaw pa ako sa ilaw ng kotse nito. Nilampasan ko na ito para makasakay na sa jeep, pero laking gulat ko nang may biglang bumuhat sa'kin mula sa likod.

"Hoy, putangina, sino ka?! Tulo--" Pinagsisipa ko pa siya at pinagtatadyakan, pero ang lakas niya. Gamit ang kanang kamay niya, tinakpan niya rin ang bunganga ko.

Pagkalagay na pagkalagay niya sa'kin sa loob ng kotse, agad niyang pinaharurot ang kotse palayo sa terminal ng jeep. May iilan pang napatingin sa sigaw ko, pero wala lang silang pake.

Hinarap ko ang nagd-drive at pinagpapalo siya sa braso niya. Tinatatagan niya ang hawak niya sa manubela para lang hindi kami gumewang gewang sa kalsada.

"Ibaba mo ako! Tangina ka, isusumbong kita sa pulis!" Pananakot ko pa sa kaniya habang pinagpapalo pa rin siya. Bahala ng mamatay kami dito, atleast kasama siya.

Nakasumbrero ito at saktong mahina ang pag ilaw ng mga poste kaya medyo hindi ko maaninagan kung sino ito. Pero, nang tutukan na siya ng sinag ng ilaw sa isang poste, nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako nakapagsalita. Natigil ako sa pagpalo ko sa kaniya. Punyeta! Bakit... putangina, anong ginagawa ni Hugo?!

Unti unti nitong tinanggal ang sumbrero at bumungad sa'kin ang naka igting nitong panga habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

"Where did you audacity go now, woman, huh?"

Para akong naputulan ng dila nang hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Swabeng swabe pa itong nagmamaneho, habang ako ay punong puno ng mga katanungan sa isip.

Ilang sandali pa nang matauhan ako. Kaya hinarap ko siyang muli at tinalakan.

"Punyeta ka, saan mo ako dadalhin?! Ibaba mo na ako dito ngayon!"

Pero, ang gunggong, imbis na sumagot ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Dahil sa mabilis itong nagpatakbo, tumigil na lang kami bigla sa isang high end na hotel.

Habang sinisigawan ko siya, parang pinipilit niyang gawing bingi ang sarili niya. Walang epek sa kaniya kahit ang sakit na ng lalamunan ko.

"Baba," Aniya.

"Anong baba?! Puta, iuwi mo 'ko!" Asik ko.

"Why did you block my number, Dalen?" Pinukulan niya ako ng madilim niyang titig.

"At bakit hindi?!"

Napabuntong hininga ito at naunang bumaba. Binuksan niya ang pintuan at hinawakan ang braso ko. Pilit kong kinakalas 'yon, pero mas malakas siya, hanggang sa makapasok kami sa loob ng hotel.

"Reservation, Sir?"

"Yes. Hugo Rylan Velez,"

Sinamahan kami ng isa sa mga nagtratrabaho dito sa hotel at inimuwestra kami sa isang sosyal na kwarto. Pero, naka set up 'yon na may theme na puro bulaklakin.

"Hugo, i-uwi mo na ako, pwede ba? Naghihintay ang mga magulang ko sa bahay!"

"Let us talk first. The more you try to nag, mas lalong maga alala ang mga magulang mo sa'yo,"

Sinubukan ko pang itext ang mga magulang ko, pero nang isesend ko na, biglang namatay ang selpon ko!

Inimuwestra niya ang upuan sa harap niya. Sige. Pagbibigyan ko 'tong kurimaw na 'to sa kung anong gusto niyang pag usapan. Sa oras na makalabas ako dito, tatadyakan ko talaga itlog nito.

"Anong gusto mong pag usapan? Bilisan mo,"

Hinawakan niya ang isang wine at nilagyan ang wine glass naming dalawa. Uminom ito habang nakaprenteng nakahalukipkip. Sa loob ng isang taon, mas lalong nag mature ang mukha niya. Ang lahat sa kaniya.

"Us, Dalen,"

Sarkastiko akong napatawa sa sinabi niya.

"Buang ka ba? Baka nakakalimutan mong isang taon at mahigit na tayong hiwalay?" Giit ko sa kaniya, pero uminom lang ito sa wine glass niya na.

"That's the point why we're here to talk," Aniya. Hinarap niya ako. Kusang nagdikit ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.

"Anong pag-uusapan natin, ha, yawa ka. Anong 'yon ang punto kung bakit tayo nandito, e matagal na nga tayong wala! Isa pa, hindi ba, magkaka anak ka na? Pucha, kasal ka na, pero babaero kang hinayupak ka," Ungas ko.

Nanggigigil talaga ako sa kaniya ngayon. Bukod sa gusto ko nang makauwi, hindi ko pa alam kung paano ako makakauwi dahil hindi ko alam kung saan niya ako dinala! Saktong sakto pa naman ang pamasahe ko!

Ginantihan niya lang ako ng sarkastikong tawa. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. Umiiling iling pa ito na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.

"Who told you that I'll be having a baby?" Nakangisi nitong tanong.

"Nakita ko kayo ni Drascilla sa ospital!"

"Bakit ako magkakaroon ng anak? Buntis ka ba?" Umismid ito. Binato ko siya ng tissue, pero agad itong naka iwas. Tumayo na ako at sinukbit ang bag kong pipitsugin.

Bago ko pa ako makalapit sa pintuan ay kinabig niya ako ng yakap sa likuran. Sa sobrang higpit no'n, hindi ko kayang makawala.

"You misunderstood me, Dalen. Oo, wala na tayo, at 'yon ang gusto kong pagusapan natin ngayon. I want us to get back together, for good,"

"Tangang tanga ka na ba? Bakit kita babalikan?" 

"Bakit hindi?" Tumawa ito sa tenga ko.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now