39

165 15 0
                                    

Katulad ko, gulat na gulat din ang ekspresyon sa mukha ni Abigeyl. Para kaming nakakita ng multo ng bawat isa. Bumubulong bulong pa si Shainah sa gilid nito, pero hindi siya nililingon ni Abigeyl.

"I was calling you earlier, Hugo! Why aren't you answering your phone?" Sigurado na akong ito ang Nanay niya. Pero, imbis na sagutin lang niya ang kaniyang ina ay nilagpasan niya ito.

Pumasok na kami sa loob habang sinasamahan si Tatang Edward na magpalit ng kaniyang damit. Tinulungan na rin nina Kuya Bando ang iilang guards upang kunin ang mga gamit namin.

"Excuse me? I guess, you are my father's newly hired helper?" Nilingon ako ng kaniyang ina at tumango ako. Nakataas pa ang isa nitong kilay na para bang sinusuri niya ako.

"Opo, Ma'am. Ako nga po,"

"Why did you let Hugo to take my father on a vacation? Alam mo naman ang sitwasyon ng Papa ko," Nanlilisik ang mga mata nito habang nasa tabi niya na ngayon si Shainah.

"Pasensiya na po kayo, Ma'am. Hindi na po mauulit," Paghihingi ko ng tawad sa kaniya.

"You only have two months to make everything right. Hindi na nga isang taon ang hinihingi namin para alagaan mo ang Lolo ni Hugo, pero hindi mo pa nagagawa nang maayos ang trabaho mo," Huling sambit nito atsaka pumunta na sa taas.

Parang isang malaking punyal ang nakatarak sa puso ko ngayon. Dapat nga pala ay hinayaan ko na lang ang sarili kong manatili dito sa mansyon upang mabantayan si Tatang.

Napabuntong hininga ako at napagdesisyunang kunin na lang ang mga gamit ko. Inilagay ko ito sa kwarto. Inayos ko na lang ang mga damit na ginamit ko nang biglang pumasok si Ate Via.

"Dalen, ayos ka lang ba?" Concerned niyang tanong sa'kin at umupo sa tabi ko. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Oo, ate,"

"Pasensiya ka na at hindi kita na-orient agad na darating sina Ma'am. Paano ba naman kasi, bigla bigla lang din silang nagsabi na nandiyan na sila. Noong nandiyan na sa labas ng gate," Aniya habang bakas pa rin ang kalungkutan sa ekspresyon ng mukha niya.

"Wala kang kasalanan, ate Vi. Mabuti na lang din at nakauwi na kami agad,"

Hinayaan niya akong magpahinga muna pagkatapos makauwi sa byahe. Ito ba ang dahilan kung bakit ilang araw ng hindi nagiging open sa'kin si Hugo? Na darating ang kaniyang pamilya?

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi nang maisip ko ang mga bagay na nagpapasakit lang sa akin ngayon. Pinili ko na lang na huwag isipin kahit binabagabag na ako nito ngayon.

Umaga na at tumila na ang malakas na ulan. Bumangon ako ka agad upang puntahan si Tatang, pero pagkapasok ko ay nakasalubong ko si Hugo na kakababa lang. Katulad ko, mukhang hindi siya masiyado nakatulog. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya at tinahak na ang hagdanan.

Pagkasilip ko sa kwarto ni Tatang ay naabutan ko na doon ang kaniyang nurse pati ang tatay ni Hugo. Masaya itong nakikipag usap dito. Akmang isasara ko na ang pinto nang marinig kong tawagin ako ni Tatang at ganoon na rin ang paglingon ng tatay ni Hugo sa'kin.

"Dalen! Halika, pasok ka," Pag iimbita ni Tatang.

"Dalen, pinapatawag ka ni Ma'am Russiana," Wika ni ate Ernesta.

"Tatang, pinapatawag po ako ni Ma'am Russiana. Babalikan ko po kayo," Ngumiti ako dito at kinawayan siya. Kumaway din ito pabalik habang nakatutok pa rin ang tingin ng tatay ni Hugo sa'kin.

Bumaba ako at nakita kong naghihintay na sa baba si Ma'am Russiana habang hawak hawak nito ang phone niya.

"Kindly help the maids to prepare the table. And, this one... Pakisabi ito ang ilagay sa lamesa. Please, make it faster," Ibinigay niya sa'kin ang isang susyalin na tablecloth. Kaya hinatid ko na ito sa dining table upang ayusin.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon