05

262 23 1
                                    

"Labis na naiinip! Nayayamot sa bawat saglit! Woooh! Putangina!"  Mukha akong tanga dito sa peryahan, pero wala na akong pakealam, hindi ko naman kilala ang mga tao dito.

Basang basa ang buo kong damit. Simula panlabas hanggang pababa sa panloob. Putangina lang. Hindi pwedeng uuwi akong ganito at baka bukas makalawa, nasa ilog na mga damit ko.

"Umuwi kana, beybehhh! Hindi na ako sanay na wala ka! Mahirap ang mag isaaaaaaaa!! Oo! Putangina, mahirap talaga ang mag isa!" Pagsigaw ko nang malakas sa mikropono. Tangina. Narinig kong pinagbubulungan at pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Iniwan ko saglit ang bidyoke at naisipang bumili ng malaking empi sa labas. Kahit na low tolerance ako sa alcohol, bahala na! Basta, gusto ko lang makalimot at putangina. Sana may magawa 'tong alak na 'to kundi ipupukpok ko 'to sa may-ari.

"Oh, tangina. Next song na pala," Nakita kong wala na sa hanggang kailan ang kinakanta ko. Kung hindi rin lang ikaw na ang susunod.

Binuksan ko ang empi ko at nilagok ito.

"Kung hindi ikaw ay hindi na langggggg," Napiyok pa ako at nagtawanan ang iilang mga naglalaro ng bingo sa kabilang lamesa. Kahit pilit kong gayahin si Moira, wala, pinanganak talaga akong Magdalena.

"Kung hindi ikaaaaw, ay hindi nalaaaaaangggg. Wohoo! Tangina, Abigeyl! Shout out sayo!"

"Hala, nababaliw na yata 'yan, sis,"

Nilingunan ko ang babaeng dumaan at nagsabi non.

"Pake mo ba ha? Gusto mo empi? Oh, inom ka!" Nilapit ko pa sa kaniya ang empi ko at nakita kong ilang beses niya kong inilingan at binilisan ang paglakad.

Iniisip isip ko parin kung totoo ba ang sinabi sa'kin ni Abigeyl o palusot niya lang 'yon. Noong una, kumbinsido pa akong palusot niya lang dahil ang dalawang kauri niya ay nagpalusot pa sa'kin.

Totoo man 'yon o hindi, siguro ito na nga ang tamang oras upang kalimutan ko siya. Sana magawa ko. Simula bukas, t-try kong kausapin ang nirekomenda nila Eric at Max.

Mukhang masamang gumamit ng rebound, pero wala akong ibang choice.

"Ahhhhhhh, halleeeeeluuuuu hallelujahhhhh! Sinong tanga?! Sinong sawi?! Si Magdalena tanga parennnn!!"

"Hoy! Maga ala una na! Lumayas kana rito, bukas ka nalang bumalik!" Ani ng kalbong nagmamay ari ng bidyoke.

"Kuya, extend pa sigina,"

"Kanina ka pa extend ng extend, hinayupak! Tignan mo, ako nalang natitirang bukas dito!" Pagmamaktol niya.

"Lasing na lasing ka pa! Tignan mo! Puno na ng laway mo 'yang mikropono namin! Akin na nga!" Hinablot niya sakin ang hawak kong mikropono at nagpapa gewang gewang na ang lakad ko. Kinuha ko ang empi ko at pinakyuhan ko siya.

Nagsabi sabi pa siya pero nakapakyu lang ako sakanya habang tumatagay.

Shet, umiikot na ang buong paningin ko. Hindi nalang ako mabibigla kung magigising ako sa daan.

Inayos ayos ko pa ang damit kong natuyo na sa kaka perya. Hindi ko na mawari ang amoy ko pero paniguradong lagot na naman ako kay Nanay kauwi ko.

Kinuha ko ang selpon ko at anak ng puchang gala. Lobat.

"Tanginang buhay to. Lahat nalang nauuubos, gagooooo! Tangina!" Lumagok ako sa empi ko. Muntik na akong matumba pero syempre, issaprank. Mukhang low tol ako sa alcohol pero pinadede ako ng nanay ko ng Anlene. Malakas parin ang buto ko.

"Tangina niyong lahat! Nakailang girlfriend nako! Punyeta lahat nalang nakipag break! Tangina niyo, gagoHhhHhhH!" Hindi na ako mabibigla kung mawawalan na ako ng boses bukas. Nanunuot ang alak sa lalamunan ko samahan mo pa ng pag sigaw ko.

"Hoy, putangina ka! Kung ayaw mong magpatulog, umuwi kana!" Nagbukas pa ng jalousie ang isa sa mga nadaanan kong bahay at may hawak hawak pang tsinelas bilang props.

"Pagbigyan mo na ako! Minsan lang 'to pre!" Tinaas ko sa kaniya ang empi ko at ngumisi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Dibaleng late na makauwi, atleast umuwi diba.

Tahimik na tahimik ang daan. Madilim man pero salamat sa mga poste dahil nakikita ko pa naman ang dinadaanan ko.

Payapa akong naglalakad nang may biglang punyetang bumusina ng pagkalakas lakas sa likod ko. Inilawan pa ko ng hinayupak.

"Anong gusto mong putangina ka, ha?!" Sigaw ko. Hindi ko masiyado makita kung sino ang nasa loob dahil sa liwanag ng kotse.

Pinatay niya ito at inilawan ang loob ng kotse. Ewan ko kung lasing na ba talaga ako pero namumukhaan ko ang pinaglihi sa sama ng loob ang lalaking nagd drive.

Nakita kong bigla itong bumaba. Lalaking lalaki kung maglakad. Suot niya ang isang black na sweatpants at fitted na long sleeve na gray pati ang tsinelas niyang may check. Inayos niya ang buhok niya pati ang salamin niya. Gara ha. May fashion show ba dito?

"Why the fuck are you walking in the middle of this motherfucking dark road, huh?" Galit na ungas niya. Wala akong maintindihan. Basta galit siya.

"Anong fucking? Tanga ka ba? Kita mong tomboy ako, punyeta ka. Hanap ka don sa gay bar don. Marami don," Suhestiyon ko.

Tinalikuran ko na siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Dahilan upang mabasag ang empi ko.

"Amputang-" Mas lalong sumidhi ang galit ko nang makita ko ang basag basag na piraso ng bote ng empi ko. Punyeta to!

"Tangina, ba't ka ba nandito ha? Putangina, bayaran mo yan!" Dinuro duro ko pa siya.

"You need to go home," Marahas niyang tugon.

"Pauwi na nga ako eh! Putangina bigla kang nanghihila hila dyan!"

"I'll drive you home. Please, get inside, Dalen,"

"Wow, Dalen? Tinatawag mo nickname ko? Parang hindi niyo ko pinagkaisahan kanina ha! Tangina niyo, pare parehas lang kayo!" Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. Shit. Akala ko makakalimot ako sa empi na to. Mas lalo lang yata pinaalala.

Sa gumawa ng empi, magpasara na kayo.

"I only did that because Abigeyl told me. Hindi ko naman alam na may ganoong away pala kayo,"

"Yun nga, eh! Hindi mo alam! Sana hindi ka nalang nakisawsaw! Tangina, kita mo ko dun sa gate diba? Mukha akong tanga, hindi ba?" Pinunasan ko ang mga luha kong patuloy lang na bumabagsak.

Tinalikuran ko siya pero nabigla na lang ako ng lapagan niya ako ng isang itim na coat sa braso ko. Mukhang sakaniya ito dahil naalala ko pa ang amoy niya kanina.

"Pumasok ka na. Kailangan mo nang magpahinga," Pinal na sabi niya. At para akong lalong naging tanga dahil napasunod niya ko.

Kahit sino siguro mag aya sakin dito ng free ride, papatulan ko na.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon