01

693 32 2
                                    

"Hinayupak naman kasi. Ano ba kasing kulang sa'kin?" Inis kong pagmamaktol kay Max. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako hiniwalayan ni Abigeyl sa text.

Yun na 'yon? Ni hindi man lang siya nakipagkita sa'kin para sabihin 'yon ng personal. Pero, kahit naman siguro sabihin niya ng personal, parehas pa rin ang magiging reaskyon ko. Masasaktan at masasaktan pa rin ako.

"Artipisyal lang kasi ginagamit mo. Kaya ka siguro iniiwan," Nang aasar na tugon ni Max. Binato ko siya ng kinakain kong Oishi.

"Eh, punyeta, hindi na big deal 'yon. Lagi ko naman siyang tinatanong kung okay lang. May consent ako sa kaniya, bro! Isa pa, sabi sa'kin ni Abigeyl, mahal niya raw ako eh. Mahal p're!"

"Aanhin mo ang pagmamahal kung hindi naman namemeet ng expectation niya sa sex life sayo? Wala ka paring laban sa mga may natural na alam mo na," Sagot ni Max. Hindi ko inisip na 'yon ang rason ni Abigeyl. Alam kong mayroon siyang dahilan at hindi lang sa mababaw na sinabi ni Max.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kaming naging ganito. Oo, aaminin ko na sa una, napakarami naming pag aaway. Pero, shet. Sa tuwing magbabati kami, kinakalimutan ko na lahat 'yon!

Nagulat nalang ako isang araw, nasa loob kami ng mall at bigla niya akong iniwasan at hindi inimikan na parang hangin lang ako sa kaniya. Napakagulo talaga ng mga babae.

Ng mga tunay na babae.

"Hoy, Maria Magdalena, shot mo na lang 'yan kung ako sa'yo," Walang kwentang suhestiyon ni Max.

Pero, kahit na walang kwenta at walang katuturan madalas ang sinasabi niya, ewan ko ba sa hinayupak na to at napapasunod pa rin ako.

Kaya nandito kami ngayon sa harap ng tindahan ni Aling Kusing. Nag iinuman kasabay ng pagnguya sa paborito naming tempura't chicharon.

"Baka naman kasi agad mong sinukuan, Mariang Magdalena?" Tanong ni Eric, isa ko ring kaibigan.

"Isa pang tawag sa'kin sa totoo kong pangalan at baka bukas wala ka ng bahay, hinayupak ka."

Ayaw na ayaw ko talagang tinatawag ako sa totoo kong pangalan. Maria Magdalena, pero ang postura ko napaka pogi. Karapat dapat bang tawagin akong Maria Magdalena?

"Ito naman. Hindi na mabiro. Pero, totoo nga. Try mo kayang i-winback siya ulit. Nako, di ka marunong magpaamo ng mga chixx e. Konting I love you bebeh koh mo lang yan sa kanila, konting lambing, babalik 'yan, kita mo man," Ani Eric. Nagbibigay pa siya ng mga halimbawa sa'kin na para bang love expert na love expert ang datingan nito.

Magaling nga mang advice, lagi pa rin namang iniiwan.

"Pero, kilala niyo naman si Abigeyl. Mas moody pa sakin, kala mo naman araw araw nireregla,"

"Parang kakasabi mo lang sa'min dati na lahat gagawin mo para sa kaniya. Tapos, baka moody lang, susukuan mo na ba? Huwag gano'n, p're. Hindi gano'n ang galawan ng mga pogi,"

"Kaya pala mabilis kang sumusuko,"

Ambang babatuhin niya ako ng Oishi pero ako naman ang umiwas. Magaling talaga akong mag dodge. Temple run skills.

Kinuha ko ang selpon ko at nagtipa ng mga pwedeng sabihin kay Abigeyl. Last resort ko na 'to sa kaniya dahil hindi pa kami nakakapag usap ng maayos. Sabagay, baka ito rin ang maging way para maayos pa namin 'to.

Nagtype ako ng napakahaba habang message sa kaniya. Pilit kong pinapaalala sa kaniya ang mga nakaraan namin. Yung memories naming dalawa. At baka sakaling bumalik pa siya sakin.

Kabadong kabado ako nang mai-send ko ang text na 'yon. Shit. Sasakalin ko talaga si Eric dito.

"Kung hindi mo man siya makukuha ulit, balita ko may bagong mangungupahan na chix dyan sa kabilang kanto oh," Nginuso pa ni Max ang kabilang kanto.

"Alam mo naman p're na hindi ako mabilis mag-move on, di ba? Kahit lapagan niyo ko ng sandamakmak dyan. Kahit si Toni Folwer pa pre, kapag mahal ko, mahal ko talaga," Madamdamin kong sagot.

"Pero, noong may dumaang bebot lang sa harapan mo, todo tingin ka naman, ano," Pagpapaalala ni Eric.

"Siraulo ka ba? Malamang, wala pa akong gelpren no'n. Ngayon, bawal na 'yang mga pinapaalala mo sa'kin kasi loyal na ako ngayon,"

"Magpupusta kami ni Max. Sagot namin sunod na inuman. Tingnan mo man, isang linggo pa lang, may bago ka ng bebot,"

"Ipusta niyo buong kaluluwa niyo, mga bugok," Ungas ko at ininom na ang isang baso ng alak sa tabi ko. Nanuot ito sa lalamunan ko.

Kung pwede lang sanang manuot 'to deretso na hanggang puso para kahit papaano nagagawa kong makalimot.

Kahit hindi kami legal, pinaglaban ko pa rin siya. Pinaramdam niya kasi na ang tulad ko'y hindi dapat kinakahiya at nararapat tanggapin at mahalin pa rin kahit papaano.

Biglang dumoble ang tibok ng puso ko nang marinig kong tumunog ang selpon ko. Shit, ito na!

Naiimagine ko na ang mga sasabihin niya. Pikit mata ko pang hinablot ito at dahan dahang binuksan.

From: 098712*****

Who the fuck are you?

Maarte si Abigeyl, pero kahit kailan hindi niya ako sinasabihan ng ganito. Sino ba 'tong hinayupak na 'to?

Chineck ko ulit ang number at shet na malagket.

Na wrong send ako.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon