32

208 18 0
                                    

Hanggang ngayon, napatanga pa rin ako sa sinabi ni Sir sa'kin. Dalawang araw na ang nakalipas, pero ang epekto no'n sa'kin, para akong nakakakita ng multo. Ilang araw akong hindi pinatulog no'n.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nang sabihin niya 'yon. Gusto ko ng mga bebot! Sa kanila lang tumitibok ang pichi pichi ko! Bakit parang... Shet! Nakakainis! Hindi ko na alam!

Napagdesisyunan kong bumangon nang maaga dahil kahit ilang beses akong nakatingin sa kisame. At magpa ikot ikot, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko 'yon.

Alas kwatro pa lang ngayon. Kukuha ako ng gatas. Baka sakaling kahit dalawang oras, makatulog na ako. Pero, parang kusang gustong bumalik ng mga paa ko sa kwarto namin nang makita ko si Sir Hugo na nasa sala habang hawak hawak nito ang laptop niya.

Anong ginagawa niya rito?! Umagang-umaga ha! Ala singko pa ito nagigising, sa pagkakaalam ko!

"Dalen,"

"Sir, ano pong gusto niyo? G-Gusto niyo na po bang mag breakfast? Bacon, itlog, hotdog?" Walang hinga hinga kong sabi.

"Are you avoiding me?" Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin lang siya sa'kin habang para akong timang na nakatayo rito.

"H-Hindi, Sir. Nabigla lang ako... Ah, balik na po ako. Medyo inaantok pa po a--"

"Did my confession scare you, hm?" Bigla itong lumapit sa'kin at hinawakan ako sa braso. Para akong napapaso sa mga hawak niya. Agad ko itong kinalas.

"Sir, hindi po. Hindi ko... alam," Huminga ako nang malalim.

Gusto kong magalit sa kaniya. Sigurado na ako e. Sigurado ako sa nararamdaman ko. Pero, bigla niyang ginulo lahat! Bakit kailangan niyang sabihin 'yon? Hindi ko nga alam kung totoo ba 'yon o hindi.

"Anong hindi mo alam? Naguguluhan ka ba sa nararamdaman ko para sa'yo, Dalen?"

"Sir, sa totoo lang... Hindi ko po alam. Pucha. Hindi ko alam kung ano ang mga tamang salita para idescribe kung anong naramdaman ko nung sinabi mo sa'kin 'yon. Pero, shit, Sir. Sana nagbibiro ka lang no'n. Sana hindi 'yon totoo,"

Ibang iba na ang epekto niya sa'kin ngayon. Kung noon, pwede ko pa siyang mabwisit na mukhang pinaglihi sa angry birds. O sa sama ng loob. Ngayon, sa tuwing malapit na siya sa'kin, para akong natataranta.

"You're confused at the moment, Dalen. Kung hindi mo mahanap ang mga salitang 'yon, then I'll be the one who'll tell you that. But, one thing's for sure... I'm not joking. I caught feelings for you. It's real," Madamdaming sabi niya.

"Sir, huwag mo ng sabihin ul--"

"Let's date," Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Anong pinagsasabi nito?! 

"Ha? Sir, nabubuang ka na ba?"

"Let's give each other's chance... for like... a month. Gusto kong ikaw mismo ang mag confirm sa nararamdaman mo, Dalen. Let's date... until you start to recognize what you truly feel for me,"

Napakagat ako ng labi.

"Sir, ayo--"

"Please, Dalen. Just... this one. I wanna prove to you... that I am serious. Ayokong paulit ulit na lokohin ang sarili ko na hindi ako nahuhulog sa'yo,"

Napapikit ako. Pucha. Sige. Isang buwan lang naman. Kung hindi ko haharapin ang isang 'to, patuloy lang akong ha hunting-in ng kahibangan na 'to.

Nang sinabi niyang mag date kami, ora mismo nagbihis siya para makapag date kami. Tangina. Napaka spontaneous naman mag isip ng lalaking 'to.

Pero, ako na uto uto, sumama pa rin sa kaniya. Habang nasa byahe kami, nagpapatugtog siya ng mga love songs na korni habang nangingiti mag-isa. May mga times pa na titingin ito sa'kin. Naiilang ako.

Ibinaba ko na lang ang bintana at sumilip sa labas, pero parang gusto kong magsisi dahil ang lamig ng simoy ng hangin. Malapit na ring sumikat ang araw.

Napatingin ako kay Sir bigla kaming napatigil sa gilid. Nakita kong hinubad niya ang jacket niya at nilagay ito sa balikat ko.

"Sir, sa'yo po ito--"

"I don't mind, Dalen. Nilalamig ka na,"

Tumango na lang ako sa kaniya nang tahimik at tinuloy niya na ang pagbyahe niya. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sa loob ng dalawang araw, ngayon lang ulit ako nakatulog muli.

"Dalen, wake up... We're already here," Nagising ako sa boses ni Sir. Muntik ko na siyang matulak dahil ang lapit pa ng mukha niya sa'kin.

Hindi ko alam kung nasaan kami. Pero, ang presko sa lugar na 'to. Kitang kita mo ang mga kabundukan. Saktong sakto sa pagb-breakfast.

"Do you like it?" Tanong niya sa'kin. Ngumiti ako't tumango.

Inimuwestra niya ako sa isang parang coffee house. Napaka minimal lang ng design no'n. Puro kahoy at malalaking clear na bintana lang. Sasapat na upang makita ang napakagandang view sa labas.

Tinanong niya ako sa kung anong o-orderin ko. Nang makapili ako'y naglabas naman ako ng pera. Sana pala hindi kami magtagal dito dahil kulang ang pera ko.

"I'll be the one to pay, Dalen,"

"Ha, Sir? Dapat ako rin po magbabayad. Order ko 'ya--"

"Let me," Pinal niyang tugon.

Hindi ko na siya kinontra dahil ayaw ko namang mag away kami at baka palayasin na lang kami rito. Sobrang dalang ko lang siya makitang ngumingiti noon. Pero ngayon, halos bawat segundo siyang ngumingiti.

"There's a huge park near this place. Do you want to visit it?" Ngumiti ito sa'kin.

"Sir, ganito ka ba makipag date sa mga babae mo?"

Parang na offend siya dahil napawi ang mga ngiti niya. Napatigil din naman ako sa sinabi ko. May mali ba akong nasabi?

"Bakit? H-Hindi mo ba nagustuhan?"

"Ay, Sir... Hindi po... Ano lang... Curious lang ako. Huwag po kayong ma offend," Todo tanggi at depensa ako sa sarili ko.

"I don't do dates, Dalen. Sa'yo pa lang,"

Hindi siya nakikipag date? Hindi nga?  Mukha ngang mahaba ang listahan nito ng mga bebot niya e.

"Weh, Sir?"

"When I want someone to be my girlfriend, I don't bring them into this kind of place. I just ask them... if they would like to be my girlfriend. Um-oo naman sila," Inosenteng sagot niya.

"Tapos, kayo na no'n?"

Tumango ito. Napailing naman ako. Dalawa lang ang masasabi ko: Sana all. Tama nga ako. Matinik 'to sa mga bebot.

"But, you're different from them, Dalen," Agaran niyang pagbawi.

"Osige, sabi mo e," Ngumisi ako at sinamaan niya naman ako ng tingin.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon