07

222 18 0
                                    

"Ano ba 'yan, Dalen! Ayusin mo naman ngumiti! Para kang natatae diyan, e!" Pambwibwisit ni Eric habang sumisipsip sa Coke niyang binili kay Aling Kusing. Sana pala hindi ko na sinama 'tong mga kurimaw na 'to. Pero, wala rin akong ka ide-ideya panigurado kung hindi ko sila isasama.

"Paano ba kasi?" Napakamot ako sa ulo ko. Kanina pa reklamo nang reklamo 'tong si Eric na ang awkward daw ng ngiti ko. Para dawng napilitan lang na papasok sa kumpanya.

"Labas mo ngipin mo tas parang natural lang, gano'n!"

Itinuro niya pa ang iilang mga nakaprint na pictures ni Kathryn Bernardo. Yung mga nakadisplay na 1x1 niya na buong buo nakangiti. Sinisigawan pa ako na sana daw mainspire ako kung paano ngumiti si Kathryn.

Pati si Ateng taga picture kanina pa ini-stretch ang paa niya. Akala niya hindi ko napapansin, pero sigurado akong nangangalay na 'to.

Ginawa ko ang sinabi ni Eric. Nag smile ako na labas ang ngipin para lang matapos na sa kakahimutok 'tong animal na 'to. Sabi ko sa kaniya, hindi naman importante ang picture. Basta may maipasa ka. Pero, ginigiit pa rin ng hinayupak na first impression lasts at picture ko daw ang unang titignan kaya ganoon.

Ang dalawang tukmol bilang ngumisi nang ngumiti ako.

"Ano, ha, mga pakyu kayo? Bakit niyo 'ko tinatawanan?" Pagsusungit ko. Deretsong deretso ang tingin nila sa'kin kaya alam kong ako talaga ang pinagtatawanan ng dalawang ulaga na 'to.

Nag apir pa ang dalawang timang habang malapit na sila mamatay kakatawa. Tumawa rin ang Ateng taga picture.

"Ate, close tayo? Ba't ka tumatawa? Gusto mo ipasara ko 'tong computer shop niyo?" Pagtataray ko.

Napatigil naman siya sa pagtawa at sinagot ako.

"Bakit? May pera ka?" Tinaasan niya rin ako ng kilay.

"Wala, baket. Nagtatanong lang naman ako kung gusto mo ba ipasara,"

Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko. Akala niya naman siguro ipapasara ko 'to. Sana all mapera.

"May tinga ka, Dalen! Naknampucha. Hindi mo man lang inayos pag toothbrush mo!" Tawa parin nang tawa si Max.

Sinungkit ko naman 'yon sa ngipin ko gamit ang dila ko at nalasahan ko ang adobong niluto ni Nanay kanina. Oo, dugyot na, pero kesa naman kamayin ko 'to. Mas kadiri 'yon.

"Oh, wala na ba?" Tanong ko at sinisigurado na wala ng naglalambitin sa ngipin ko.

Nag thumbs up sa'kin ang dalawa habang bumubungisngis pa rin. Ngumiti ako kay Ateng taga picture habang nakapakyu ang kamay ko sa gilid.

Nang matapos na kami sa pagpipicture, inabangan ko ang pati pagpapaprint ko sa resume at iilang 1x1 at 2x2 pictures.

"Kapag nakapasok ka diyan, Dalen, ilibre mo na kami ha," Paninipsip ni Max habang kasama si Eric na hinihintay na maprint ang mga pinapaprint ko.

"Ayan talaga e. Napaka galing mong ulaga ka. Pagkatapos mo 'kong tawanan, magiging sipsip ka ngayon? Ayos ka rin, e 'no."

Narinig kong tumunog na ang printer nila Ate at may papel na lumalabas dito. Mabuti na lang at medyo friendly si Max. Natulungan tuloy ako sa resume. Hindi ko pa naman masiyado alam kung ano ba dapat ilagay.

Kinuha ni Eric ang na print kong 1x1.

"Ayos ha! Hindi kana mukhang natatae dito! Mukhang nakatae kana," Ngumisi siya at binatukan ko.

"Siraulo ka. Huwag kang papabuhulit ulit sa inuman ha! Papagawaan talaga kita ng alak gawa impyerno para kawayan ka na ni Satanas,"

Dahil ayaw pa naming makaabala dito sa mga nagcocomputer, umalis na kami. Pero, ang magaling na si Eric, kung kailan naglalakad kami, humahawak hawak sa braso ko kunwari. Akala niya ha.

"Wala na, Ma'am. Kahapon pa po 'yan. Hindi ka na naka abot sa deadline," Ani Kuya Guard.

"Ha?"

Napatingin naman ako sa karatulang nakasulat na hanggang kahapon nga lang ang paghahanap nila ng staff.

"Yawa," Napabulong ako.

Tinignan ko si Eric at Max na parehas tumitingin sa malayo. Alam kaya ng mga hinayupak na 'to na hanggang kahapon lang ang hiring?!

Pero, hindi ko hahayaan na pupunta ako dahil lang sa wala. Sayang 70 pesos ko kung sasabihin ko lang kay Nanay na unemployed pa rin ako. Tsaka, ano na ipagmamalaki kong Jollibee kay Abigeyl kung hindi ako makakakuha ng trabaho dito?

"Sigina, Kuya. Last na lang ako dali. Pakiusapan niyo na boss niyo," Dito siguro ako magaling. Kung may course lang sa pangs sales talk, naka PhD na 'ko.

"Wala na nga po, Ma'am. Pasensiya na. Marami na rin nga po ang pumila kahapon pero sila lang talaga ang nakuha," Pinapanatili niya ang kalmadong boses niya pero halatang naiirita na siya sa'kin.

"Please, Kuya. Kahit taga dilig na lang ako ng mga nangamatay niyong damo diyan oh. Sigina,"

"Wala na nga sabi. Bakit ba ang kuli--"

Nakita kong may lumapit kay Kuya Guard. Kasama niya panigurado dahil parehas sila ng uniporme. Nakita kong napa "weh, di nga" pa si Kuya sa kasama niya.

"Oh sige. Akina resume mo." Aniya.

"Totoo ba 'yan, Kuya?! Nayyyyys," Inabot ko sa kaniya ang folder ko at inabot niya ito sa kasama niya.

"Pasalamat ka at lilipat dito pansamantala ang anak ni CEO. May lilinisan ka ng room," Ani pa nito.

"Ay kung sino man 'yan Kuya, dalhan ko pa ng bulaklak 'yan sa sobrang pasasalamat."

Umupo kami at naghintay ng almost 30 minutes. Himala ay walang interview interview dito. Hayup.

"Oh, hired ka na raw. Umpisa ka bukas. Itetext ka na lang ng bukas," Sabi ni Kuya Guard at binigay sa'kin ang folder ko.

"Sige sige, Kuya. Salamat!" Buong ngisi kong sabi.

"Hoy, mga bugok. Alam niyo bang kahapon pa ang deadline?" Pagtatanong ko habang pauwi na kami.

"Hindi namin alam," Sabi ng isang ulaga.

"Weh? Mamatay man alaga mong mushiking?"

"Oo nga. Kahit pa mga palaka sa banyo namin. Mabuti na lang diba atleast natanggap ka,"

"Kadiri ka naman. May alaga kang palaka sa banyo?" Tanong ko habang umaaktong nandidiri.

"Uto uto ka talaga kahit kailan, syempre wala!"

Ngumisi ako at nagpasalamat na sa kanila. Kala ko panginginom lang ang alam ng dalawang 'to. Ililibre ko 'tong mga 'to kapag nagkasahod na 'ko. Pero, syempre, ngayon ay pamilya muna.

Wrong Send si DalenМесто, где живут истории. Откройте их для себя