03

307 20 2
                                    

Hindi na ako masiyado nakatulog kagabi dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagsama sama at nagbuhol-buhol lahat sila. Pero, isa lang ang sigurado ako. Sobra akong kinakabahan talaga ngayon.

Kulang na nga lang ay gawaan ko ng script ang sarili ko.

"Gayak na gayak tayo diyan ha, Dalen," Rinig kong pagkomento ni Aling Basyang, nanay ni Max.

"Ah opo. May kikitain lang pong kaibigan, ninang,"

"Kaibigan pero may dala kang teddy bear at tsokolate? Ang susyal naman pala ng kaibigang ito ha, Dalen," Suspisyong tugon niya.

Alam niya naman pa lang hindi lang kaibigan pupuntahan ko, nagtatanong pa siya.

De biro lang. Mabait akong bata. Hindi ako pinalaki ni Nanay na palasagot, ano.

"Ah eh... Hehehe. Basta po ninang. Baka dalhin ko rin po siya dito para makilala niyo po sa susunod," Sagot ko nang buo ang kumpyansa ko.

Talagang dadalhin ko siya dito sa susunod dahil siguradong sigurado na ako na makukuha ko siya pabalik. Syempre, mahal niya ako, eh. Dapat talagang balikan niya ako!

"Last na ba ito, Dalen? O baka bagong bebot na naman sa susunod na buwan ha," Tumatawa pa si Ninang habang sinasabi 'yon. Alam na alam na kung saan nagmana si Max. Kitang kita niyo kung paano naman talaga sumagot.

"Parang wala ka namang tiwala sa'kin, ninang. Magaling ako sa mga bebot. Alam ko kung paano sila tatagal sa'kin kaya sigurado akong last ko na talaga 'to," Tugon ko kahit nasa dulo na ng bangin ang pag-asa ko kay Abigeyl.

Habang nasa jeep ay todo ayos ako sa buhok ko at terno kong pantalon at checkered longsleeves. Suot ko pa ang sneakers kong galing sa bangketa.

Ilang beses na akong sinisita nito nila Max at Eric tuwing makikita akong ganito. Pang japorms daw ang pormahan ko. Pakelam ko ba sa mga ugok na 'yon. Ganitong ganito ang suotan ko nang makita ko si Abigeyl sa park. Sigurado akong naramdaman niya ang spark sa'ming dalawa at na lab at persayt siya sa'kin. Sa pogi ko ba namang ito.

Hawak hawak ko parin ang teddy bear at tsokolate sa mga bisig ko. Lagot 'to sa'kin si Abigeyl, sisiguraduhin kong mababaliw 'to sa'kin nang paulit ulit kapag nakuha ko na siya ulit dahil nagpaload pa ako kagabi para makapag research!

Basta, alam mo na kung ano ireresearch ko.

Excited na excited pa ako na bumaba sa jeep pero mukhang malas ako ngayon.

Ang inorder ko si Abigeyl, pero ba't ako binigyan ng mas maarte?

"Hoy! Anong sabi mo? Umalis siya ng bansa?" Pagtataka kong tanong kay Shainah, pinakamalapit niyang pinsan.

"Oo," Aniya habang kinukutkot pa rin ang kuko sa hindi ko malamang dahilan. Pink na pink pa buong outfit of the day niya ngayon.

Napakamot naman ako sa ulo ko kahit na nagshampoo naman ako kanina. Tinignan ko pa ng maigi si Shainah. Tuso ito. Kilala ko 'to. Sigurado akong pinagtataguan lang nila ako.

"Lumalaki butas ng ilong mo, Shainah! Nagsisinungaling ka! Pati mga kulangot mo, hindi na nakaya ang kasinungalingan mo!" Pagbabanta ko sa kaniya.

"Totoo nga kasi! Siya na mismo nagsabi sa'k--" Napahinto siya sa sasabihin niya at sa pagkukutkot ng kung ano sa kuko niya. Napaismid naman ako.

"Oh diba! Lumabas din ang totoo! Ano? Pinagtataguan ba ako ni Abigeyl? Oh, ikaw nagtatago sa kaniya dahil crush mo 'ko?!"

Umakto siyang nasusuka sa harapan ko at nandidiri. Parang dati akala mo hindi ko 'to nakikitang tumitingin tingin sa'kin kapag magkikita kami ni Abigeyl.

"Hindi ba kayo nag usap ni Abigeyl? My god, bakit ako ginagawa niyong messenger dito!" Pag iinarte ni Shainah.

"Ilabas mo na kasi siya. Mag uusap lang kami, pramis. Hindi ko siya itatanan ngayon. Next week na lang," Pagbibiro ko.

Napa roll naman ng mata si Shainah. Tusukin ko kaya mata nito.

"Sigina, Shainah. Tulungan mo na ako. Sayang tong paborito niyang caburi? Cadbori? Basta yon. Tsaka itong teddy bear oh," Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Ang kulit mo talaga, Dalen! Abigeyl told me nga na umalis na siya ng bansa! Why are you so kulit ba?" Umatake ang pagka conyo ni Shainah kahit tunog palaka siya sa boses niya.

"Hindi ko hahayaan na mawala lang siya ng ganon ganon nang hindi kami nag uusap, Shainah! Kaya please! Tulungan mo ako. Gagawin kitang flower girl sa kasal namin," Pagpupumilit ko.

"Ayaw niya nga sabi eh!" Pagdedepense niya. Hindi ako papayag na wala akong makukuha dito. Napakatagal kong nagplano dito. Basag na basag na ang baboy ramo kong ala bangko, at ni singkong duling wala na akong mahuthot!

"Bridesmaid na lang, sige! Dali na kasi! Sandali lang naman, Shainah. Nagmamakaawa ako,"

"Argh, Dalen! Pinapawisan na ako dahil nas-stress ako sa'yo! Ayaw nga ni Abigeyl eh! Don't make pilit someone who doesn't want to see you!"

Isinuksok ko ang kamay ko sa gate nila at inaabot siya. Walanjong 'to! Kita na ngang brokenhearted ako ngayon, ipapagdikdikan pa ang nararamdaman ko! 

"What's this commotion all about?" Narinig kong ang isang baritonong boses mula sa likod ni Shainah.

Unti unti itong lumapit sa kaniya. Nakasalamin ito. Maputi at matangkad. Ang tangos ng ilong at halatang nagw work out. Mukhang kapatid ito ni Shainah dahil halos magkamukha sila!

"Siya kasi, Kuya. I told her na wala si Abigeyl here. Ayaw niyang makinig!"

"Why are you looking for Abigeyl, miss?" Aniya. Mabuti pa ito. 'Pag si Shainah kapag nagsasalita, parang palaka kung mag Ingles. Pero, ito napaka fluent na parang sa ibang bansa nakatira.

"Dahil hindi ko ho hahayaan na mawala sakin ang pag ibig na matagal kong hinabol," Madamdamin kong pahayag.

"She is not here," Suplado niyang tugon.

"Anong she is not here? Pinagtutulungan niyo ba akong dalawa? Kakasabi lang niyang kapatid mo na pinagtataguan ako ni Abigeyl. Parang awa mo na, Kuya. Si Abigeyl na lang chance ko ngayon oh,"

"Shainah didn't mean that. She is not here," Pagmamatigas niya.

Kung maga abugago 'to, hindi 'to papasa. Hindi marunong magpalusot. Ipagtanggol ba naman ang kapatid niyang bistong bisto na!

"Hindi ako aalis dito, hangga't hindi ko siya nakikita!" Asik ko.

"Then, don't," Tumalikod siya at hinayaan lang ako sa labas ng gate nila.

Attitude amputa.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now