06

251 18 0
                                    

"Hoy, gumising ka na diyan!"

Umagang umaga pero ang sakit ng ulo ko, sobra. Hindi ko na maalala ang lahat ng pinaggagagawa ko kagabi. Siguro, nagteleport na lang ako bigla sa kwarto ko bigla.

Kita ko si Nanay sa harap ng pintuan ko. Naka amba ang walis tambo habang nakapamewang.

"Saan ka galing kagabi?! Ha?!" Paninigaw niya. Napahawak naman ako sa magkabilang tenga ko. Nagpalipat lipat 'yon sa ulo ko. Shet. Ang sakit ng lahat sa'kin. Buong katawan ko. Jusko, bakit ba ganito? Ano bang pinaggagagawa ko kagabi?

"Sumagot ka, Dalen! Kulang na lang ipabaranggay kita kagabi, loko kang bata ka!"

"Nay, wait lang kas--"

Hindi makakalma si Nanay, e pati nga ako hindi ko na masiyado maalala kung anong nangyari sa'kin kagabi. Pwede ko bang sabihin kay Nanay na hindi ko alam paano ako napunta dito?

"Ni hindi ka man lang nag text sa'min! Amoy ka pang alak! Ano?! Suwail ka ng bata ka?! Hindi ka na marunong magpaalam?! Nagrerebelde ka na?!"

Inaamba niya pang ipupukpok niya sa'kin ang walis tambo, pero mabuti na lang at natrain niya na ako kung paano umiwas noong naghahabulan pa lang kami ng tsinelas noon sa daan dahil ayoko lang maligo.

"Nay, sandali lang ho kasi. Ang sakit ng ulo ko pati ten-"

"Paanong hindi sasakit, ha?! Tumengga ka na naman ng empi! Amoy na amoy sa'yo!"

Pinilit kong bumangon at ilinaw ang paningin ko. Parang pinipisil ang ulo ko talaga sa sakit. Parang kulang nalang ay i-tae ko ang mga neurons na nahulog sa pagkakapiga.

"Nay, explain ko sa'yo kapag naalala ko na talaga. Hindi ko maalala nay e-"

"Mabuti na lang at may naghatid sa'yo kagabi! Jusko kang bata ka! Hindi ko alam anong gagawin ko sa'yo!"

"Ha? Sino?" Pagtataka ko at saktong napatigil din sa paghawak sa ulo kong kumikirog.

"Basta, gwapo! Kaibigan mo raw! Naku! Mabuti pa ang kaibigan mo!"

Kaibigan ko? Wala akong kaibigan na gwapo. Mukhang tukmol, pwede pa.

Ilang beses pang kumirot ang ulo ko at pucha. Ngayon lang nag sink in sa'kin ang lahat. Na yung pinaglihi sa sama ng loob ang naghatid sa'kin! Anak ng nadekwat na singkwenta!

Nagkamot ako ng ulo dahil sa pagka irita. At dahil na rin sa makati talaga ito. Dumiretso na ko ng banyo at agad na nilinis ang sarili ko.

Hinayupak. Mukhang nagkalat pa talaga ako sa daan. Jusko. Hindi na ako pupunta sa perya kahit kailan. Baka nga nagpalagay na sila ng Wanted don.

Pagkalabas ko ay mabuti na lang may hinanda si Nanay na mainit na tinolang sabaw. Swak talaga 'to sa hangover ko ngayon.

"Nay, kapag nakita mo ulit yung lalaking 'yon, siya yung batuhin mo ng walis tambo mo," Suhestiyon ko.

"Aba bakit? Mukha ngang mabait 'yon! Hindi mukha, dahil mabait talaga. Jusko. Natyempuhan ka pa sa daan,"

Hindi ba dapat sa kaniya nagagalit si Nanay? Aba, sumbong ko yata ito kay Tatay. Nakakita lang ng gwapo pero nakalimutan na niyang paano kung ako kidnappin no'n?

"Hindi ako natyempuhan non, Nay. Ako talaga next target non. Mangingidnap 'yon, di mo ba alam?" Ani ko at humigop ng sabaw.

"May kidnapper bang mabango?"

"Ay ewan ko sa'yo, Nanay. Puro pamumuri ang ginagawa mo sa hinayupak na 'yon,"

"Hirap kasi paniwalaan na mukhang kidnapper 'yon! Eh, nung hinatid ka, hindi naman naka van!" Aniya.

"Hay nako, Nay. Hindi naman lahat ng gwapo ay matino! At mas lalong hindi lahat ng naka kotse ay hindi na kidnapper! Malay mo, kidnapper talaga 'yon siya at mayaman lang para makabili ng kotse!" Pagmamaktol ko pa.

"Ano bang pinaglalaban mo at pinipilit mong kidnapper 'yon? Kung kidnapper 'yon, edi sana wala ka ngayon! At isa pa ha, baka nakakalimutan mo, ikaw ang may sala kagabi! Gumawa ka pa talaga ng problema sa ibang tao!"

Napakamot ako sa ulo ko at inubos na lang ang sabaw. Hindi ko alam kung sino kinakampihan niya. Ang labo niya.

Hindi pa rin alam n Nanay na wala na kami ni Abigeyl. Kung grabe ako magalit, mas grabe naman itong si Nanay. Lalo na siguro kung malalaman niyang buntis ito.

At malamang sa malamang.

Hindi ako ang tatay.

"Hoy, kamusta?" Sinitsitan ako ni Max sa harap ng tindahan nila Aling Kusing.

"Badtrip hehe. Huwag na lang natin alalahanin," Pagpapalusot ko.

"Wala ka pa ngang nakukwento. Dali na, kwento na," Inakbayan niya ako at nagsimula akong magkwento sa kaniya.

Habang kinukwento ko yon, ang sakit sa puso ko. Mabuti na lang at natapos ko 'yon nang hindi umiiyak dahil panigurado, aasarin lang ako ng bugok na 'to. Mabuti na lang at marunong ako kumontrol dahil kung aasarin ako nito, baka maging kriminal ako wala sa oras.

"Tangina naman pala. Ang sakit non, tsong," Pagkomento niya.

"Masakit talaga, loko. Sinabi mo pa," Ngumiti ako nang matipid.

"Siguro, hindi talaga babae ang hanap non. Nabingwit mo kasi papogi pogi ka noon e. Isasama kita sa bar na lagi naming pinupuntahan ni Eric," Nagtaas baba siya ng kilay. Puro panchichixx ginagawa nitong hinayupak na 'to, pero hanggang ngayon naman wala pa ring nahahanap na jowa.

"Siraulo ka ba? Offer-an mo nalang ako ng trabaho. Ilang taon na akong tambay dito. Nakakakonsensya naman kina Mama. Puro nalang ako pagliliwaliw, puro pabigat," Ani ko.

"Shet. Magdalena? Ikaw ba 'to? Ang butihin mong anak ha?" Tinatapik tapik niya pa ang pisngi ko pero sinapak ko lang siya.

"Pero sige, trabaho pala ang hanap mo. Ano bang gusto mong pasukan?"

"Hayskul lang naman natapos ko e. Wala namang tatanggap sakin sa mga opisina, malamang. Okay na sakin kahit janitress na muna,"

"Swakto, tsong. Yung La Costa Corporation naghahanap ng bago nilang staff. Samahan kita bukas,"

"Dabest ka talaga," Inapiran ko si Max at piningutan niya lang ako.

Mabuti na siguro na kahit papaano, madidistract ko ang sarili ko. Para hindi ko na maalala ang sakit. Kikita pa ako sa lagay na 'to.

Kaya siguro niya ako iniwan dahil akala niya hanggang Mang Inasal ko lang siya kaya ilibre.

Huwag siyang magpapakita ulit sakin at baka malibre ko siya ng Jollibee dyan.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon