20

192 12 1
                                    

Nagising ako sa isang malakas na katok sa pintuan. Antok na antok pa ako at sisigawan ko sana na umalis pero agad akong napabangon nang makita kong iba ang nasa harapan ko ngayo. Kisame ito. At ang sa bahay nami'y yero.

Chineck ko ang selpon ko at nakita kong malapit nang mag alas otso. Pucha! Oo nga pala! Hinayupak na alarm naman 'to. Bakit hindi siya tumunog?!

"Dalen, wake up!" Rinig kong sabi ni Sir Hugo habang nasa labas at kumakatok.

Walang toothbrush toothbrush, walang ayos ayos kong pinagbuksan si Sir Hugo. Nakasuot na ito ng corporate attire niya at amoy na ang pabango niya dito. 

"Didn't I tell you to wake up early?" Pagsusungit niya. Wala namang bago sa pagiging masungit nito. Kahit wala kang gawin ay lagi itong masungit. Pero, sa pagkakataong ito ay inaamin ko na reasonable ang pagkamasungit niya dahil na late ako ng gising.

"A-Ah, pasensiya na, Sir. Hindi po ako nagising ng mas maaga. Siraulo kasi yung selpon ko e. Hindi agad tumunog. Hehehe." Pagpapalusot ko sa kaniya. Mukhang uto uto naman siya dahil kumagat siya sa sinabi ko at hinayaan na lang akong sumunod sa likod niya.

Pagkapasok namin ay saakin napukaw ang atensyon ng mga kasambahay nila. Siguro ngayon lang sila nakakita ng tyanak. Kaya pasimple kong inayos ang mahaba kong buhok. Kunwa kunwari rin akong huminga sa palad ko at kulang na lang mahimatay ako sa amoy. Sabagay, natural naman 'to lalo na talaga kapag bago kang gising at galing ka sa masarap na tulog.

Pasimple ko ring kinuskos ang mata ko at charan! Hindi nga ako nagkamali dahil mayroon itong morning glory. Hindi nalang ako masiyado magsasalita mamaya dahil baka hindi lang ako ang mahimatay sa sarili kong amoy.

Dinala niya ako sa hapagkainan nila at nakita ko sa dulo ng dining table nila ang isang matandang naka upo. Sa gilid nito'y isang nurse. Naghahanda naman ng pagkain ang mga kasambahay na sa hula ko rin ay sabay silang kakain ni Sir Hugo.

"Lolo, this is Dalen. Siya ang mag-aalaga sa'yo hangga't hindi pa nakakabalik si May. Dalen, this is my Lolo Edward," Pormal na pagpapakilala ni Sir Hugo.

Nawawari ko na kung paano ang mukha ni Sir Hugo kapag tumanda na siya dahil magkahawig na magkahawig sila ng kaniyang lolo. Kahit na matanda na ito ay hindi pa rin makakatakas ang katotohanang gwapo ito noong binata. Tanungin ko nga si Lolo kung paano maging pogi tulad niya. Baka umabot pa sa'kin hanggang pagtanda ko rin.

Ngiting ngiti nitong inabot ang kaniyang kanang kamay. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagmano ako na ikinatawa niya. Sa gilid ng mata ko'y nakita ko rin si Sir Hugo na nakangisi.

"Nakikipagkamay siya sa'yo, Dalen," Ani Sir Hugo.

"Ay, sorry po Tatang," Inabot ko naman ito at kinamayan siya.

"Tatang? Unang beses kong may narinig na may tumawag sa'kin no'n," Ngumiti siya sa'kin. Okay. Binabawi ko na pala ang sinabi ko. Hindi siya kahawig ni Sir dahil ito'y mukhang mabait.

"Ay, pasensiya na po. Hindi po ba kayo sanay na tawagin kayong Tatang?"

"No one calls him Tatang here, Dalen. It's either people call him Sir or Lolo Edward,"

"Hala. Sorry po, Sir Edward," Pagpapaumanhin ko. Nasanay kasi ako na kapag nakakakita ako ng mga matandang lalaki katulad niya'y tinatawag kong Tatang. Pati Lolo ko sa side ni Nanay ay tinatawag kong Tatang.

"I think it's unique, Hugo. Let her call me Tatang," Ngumiti magmuli ito at inimuwestra sa'kin ang upuan sa kanan niya. Umupo naman si Hugo sa kaliwa niya.

"Nakakapogi po lalo kapag Tatang ang tawag sa inyo,"

"Talaga ba? Pumupogi na ba ako lalo nito?" Nag pogi sign pa siya sa harap mo at tinanguan ko siya.

"What are you waiting for, Dalen? Sit." Wika ni Sir Hugo nang makita niyang nakatayo lang ako.

Inalok ko rin ang nurse sa tabi ni Tatang ngunit umiling lang ito at sinabing kumain na.

"Teka, paano ang iilang mga kasambahay niyo?" Pabulong kong tanong.

"They already ate, Dalen. Ikaw na lang ang hindi. You were sleeping soundly," Aniya at kumuha ng bacon. Kaya naman ay umupo na rin ako at nagsimulang kumain.

Pumasok na si Sir Hugo pagkatapos niyang kumain at hinabilin ako kay Ate Gina, ang matagal ng taga bantay nila dito. Inilibot niya ako sa buong mansyon at halos isang oras kami natapos nang sabihin niya sa'kin ang purpose ng bawat bagay dito sa bahay.

Nakita ko rin ang naglalakihang mga paintings sa kanilang pader at iilang family pictures. May mga solo pa. Nakita ko nga si Shainah doon noong bata pa siya. Kahit andungis niya, mukha pa rin siyang mayaman. Si Sir Hugo naman, bata pa ay pinaglihi na talaga sa sama ng loob. Pangarap kong sumakay sa kabayo, pero siyang nakasakay, fierce lang ang peg.

"Ito ang storage room. Dito namin kinukuha ang iilang mga pagkain sa bahay,"

Hayup. Storage room 'to? Ang laki. Kahit siguro magnakaw ka ng kahit isang pancit canton dito'y hindi nila mapapansin. Pero, syempre, joke lang. Pinalaki akong pogi ni Nanay at Tatay, pero hindi kawatan.

Pasimple akong tumingin sa mga pagkain nila at shet. Mukhang halos imported pa ang mga ito. Ibang brand ang nakikita ko sa bawat kagamitan nila. At wala nga akong mananakaw na pancit canton dito dahil walang pancit canton.

"Galing lahat ito sa ibang bansa, Ate?"

"Oo. Hindi sanay kumain ng mga local snacks ang pamilya dito. Halika, pakilala na kita sa mga iba pang tao dito,"

Ang susyal naman. Hindi sila sanay kumakain ng local foods? Jusko. Ako, kahit tuyo lang, solve na.

Pagkatapos naming mag house tour ay pinakilala niya ako sa mga kasamahan niya. Hanggang sa mga guard sa labas. Lahat sila'y mukhang masiyahin at mabait. Maganda nga siguro ang trato ni Tatang Edward sa kanila.

"Mag-enjoy ka sana dito, Dalen," Kinamayan ako ni Kuya Bando.

Pagkatapos no'n ay nag ayos na ako sa sarili ko. Ito ang unang araw ko dito kaya dapat galingan ko na. Kung makikita lang ito ni Max, wala siyang dapat pangambahan dahil friendly naman pala si Tatang Edward. Si Sir Hugo lang ang hindi.

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now