52

178 13 0
                                    

Nagising ako sa pagkaka flood ng text messages sa'kin. Tunog nang tunog ang selpon ko. Sa sobrang badtrip ko, kung sinong kakausap sa'kin ngayong oras na 'to, baka mabato ko lang sa kaniya ang selpon ko.

Kinapa ko ang gilid ng kama ko kung saan hanggang ngayon tunog pa rin nang tunog ang selpon ko. Medyo mahapdi pa ang mata ko dahil medyo napuyat ako kagabi. Halos alas dose na rin kasi nang maiuwi ako ni Hugo.

"Putangina. Sino ba 'to?" Sambit ko at tinignan ang selpon ko. Nakita kong alas nuebe na nang umaga at nakita ko ang text messages ni Hugo.

From: Hugo

Good morning. Wake up.

Wake up. Wake up.

I already sent you the gown, Dalen. Text me back if it fits just right.

Hm, still asleep?

I love you.

To: Hugo

Hoy, anong gown? Kakagising ko lang, yawa. Ingay ng selpon ko.

Nagtipa ako ng reply at bumangon na. Kinusot ko ang mga mata ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakapag reply ulit.

From: Hugo

I'm sorry. Good morning.

Today's the day, remember? Go downstairs and check what I've sent you.

Hindi ko na siya nireplyan at agad nang bumaba. Amoy na amoy ko pa ang masarap na combination ng itlog, tuyo, at kamatis. Biglang nangalam ang sikmura ko.

"Naaay!"

"Ano ba, Dalen? Ang aga-aga at nasigaw ka riyan," Ungas ni Nanay na kasalukuyang sinasandok ang tuyo ngayon.

"May pinadala raw si Hugo na ano... gown?"

"Ah, oo. Tignan mo na lang diyan sa sala. Yung naka kahong malaki,"

Dali-dali ko namang tinahak ang sala namin. Nakita kong nanonood si Tatay ng telebisyon ngayong umaga. Binati ko siya at saka natuon ang atensyon ko sa kahon. Malaki ito. Kaya mas lalo lang ako nagtaka kung anong nasa loob nito.

Nang buksan ko ito, muntik nang manlaki ang mata ko. Kinuha ko ito at lumantad sa harapan ko ang isang itim na gown. Body-hugging ang gown na ito at sigurado akong mae-emphasize rito ang balakang ko. Sleeveless din ito. May kaunting pasilip din ito sa dibdib, pero hindi yung tipong lalabas talaga ang iniingatan ko.

"Wow. Ang ganda niyan, anak! Bagay sa'yo 'yan!" Narinig kong mga yapak ni Nanay at lumapit siya sa'kin. Naka pameywang ito habang tinitignan ang hawak kong gown.

"T-Tingin mo, Nay?" Napalunok ako nang itanong ko 'yon. Ni minsan, hindi pa ako nakapag suot ng ganitong uri ng damit. Ni hindi nga ako umattend sa prom namin noong hayskul ako sa kadahilanan na ring hindi ko gusto na nagsusuot ako ng ganito.

"Oo naman. Sukat mo dali,"

Umakyat ako muli dala dala ang itim na gown. Medyo na excite ako. Agad ko nang pinalitan ang pang tulog kong damit sa itim na gown na ito. Medyo nahirapan pa ako dahil nga hindi ako sanay dito. Pero, nang masuot ko na ito't napatingin sa salamin, namangha ako sa sarili ko.

Umikot-ikot pa ako para makita ito lalo. At ang ganda talaga ng gown! Sakto ring tumunog ang selpon ko.

From: Hugo

You aren't replying.

Did you like it?

To: Hugo

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now