09

208 19 0
                                    

Maka respect respect me siya diyan. Subukan niya lang itapak ang paa niya sa baryo namin at baka mabali ko siya sa paa.

"Oh, Dalen! Kamusta trabaho?!" Pagkalbit sa'kin ni Max habang dumadaan ako sa bahay nila.

"Kawalang gana, potah." Inis kong sabi.

"Aba, baket?"

"Yung mayabang na pinsan ni Abigeyl, boss ko pa,"

"Nako! Malas ka na talaga sa buhay, Dalen!" Tumawa pa siya. Napaka bipolar ng hinayupak na 'to. Hindi ko alam kung sinusuportahan ba ako o hinehate ako.

"Tangina mo ka talaga. Pinamukha mo pa sa'king wala na akong pag-asa sa buhay,"

"Biro lang 'yon, syempre. Sa mga chixx ka lang naman malas," Pambabawi pa niya.

"Ewan ko sa'yo, punyeta ka. Bumabawi ka lang para may bumuhat sa'yo sa inuman."

"Hoy, Dalen. Parehas man kaming bugok ni Eric, pero siya lang naman ang pabuhat sa inuman. Ni singkong duling nga, wala akong inutang sa'yo. Ikaw nga maraming utang sa'kin! Ano mo ako, bumbay?!" Aniya. Akala ko nakalimot na 'to sa mga inuutang kong pa piso piso kunwari, pero alam niya pa pala.

"Mukha lang bumbay," Humalakhak ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa loob ng bahay namin. Amoy na amoy ko ang mabangong bagong lutong tuyo. Shet. Kumalam ang sikmura ko bigla. Ang sarap naman shet.

"Nay, ang sarap ng tuyo, ah!" Pambungad kong bati at nagmano kay Nanay pati kay Tatay.

"Syempre. Alam kong paborito mo 'to kaya bumili agad ako kay Kusing ng tuyo,"

"Galing mo talaga, Nay! Anak mo nga talaga ako! At nanay nga talaga kita,"

"Umakyat ka na doon at magbihis kana! Nangangamoy panghi ka na!" Nagkukunwari pa siyang nababahuan sa'kin.

"Lah si Nanay. Panghi ka diyan. Nagtrabaho ako ngayon, Nay ha pero hindi sa motel!" Umakyat na ako para makapagpalit. Hinanap ko agad ang coat na pinahiram sa'kin nung lalaking 'yon noong lasing ako.

Kinuha ko na ang pambahay kong jersey na sando at mahabang shorts. Inayos ko ang aking buhok sa isang ponytail.

Naisipan ko munang mag facebook sandali. Syempre, binisita ko ang account ni Abigeyl.

Abigeyl Rae Mendoza

See you soon, Paris! 👶

Totoo nga na aalis na siya ng bansa. Napakagat ako ng labi ko. Dito nga talaga nabibilang si Abigeyl. Sa mga susyalin na bagay. Na lugar. Hindi katulad ko na kayang makapunta sa New York.

New York Cubao.

Pero, atleast, may New York. Hindi nga lang katulad ng original New York.

Ngayon ko lang sinabihan si Abigeyl sa utak ko na sana mag ingat siya doon. Totoo na 'to ngayon. Slight lang pala. Kahit na ang sakit pa rin talaga ng ginawa niya sa'kin.

Bumaba na ako at sinaluhan sina Nanay at Tatay na kumakain ng tuyo na may kamatis at itlog maalat. National Filipino Food Combination talaga ito. Walang panama ang pagkain ng mga mayayaman.

"Kamusta trabaho, nak?" Tanong ni Tatay.

"Okay lang, Tay," Ngiti ko sa kaniya.

"Mabait ba ang boss niyo?"

Napangisi ako sa kanila. Naku. Sobrang bait. Sobrang sobrang bait talaga.

"Mabait, tay." Pabulong kong sabi.

"Ay, nga pala. May binigay si Ninang Basyang mo dito ng tatlong pirasong damit," Ani Nanay.

"Wow! Yayamanin na talaga si Ninang! Ano 'yan, nay? Pang pogi ba?" Sagot ko at kumain ng tuyo at kamatis. Anong meron at binigyan ako ni Ninang ng damit?

"Binigyan ka niya ng bestida,"

Napatigil ako sa pagsubo at napakunot ang noo.

"Aanhin ko 'yang bestida, nay?"

Binato niya ako ng maliit na kamatis na nasalo ko naman. Wala na nga kaming ulam, nagsasayang pa 'tong si Nanay.

"Ang mareklamo mo, anak. Pasalamat ka na lang na nagbigay. Balita ko si Max pa ang pumili ng mga 'yan para sa'yo. Puro bulaklakin nga,"

"Ibigay mo na lang sa mga pamangkin mo 'yan, Nay. Sigurado akong hindi ko masusuot 'yan. Kita mong pogi pogi ng anak mo tas pagsusuotin niyo ng bestida?" Ungas ko.

"Sa buong buhay mo anak, hindi pa kita nakitang nagsuot ng bestida. Puro lang mga panlalaking suotan. Subukan mo 'yan, anak. Ibinigay nila sa'yo 'yan. Sayang naman," Dagdag pa ni Tatay.

Tinapos ko na ang pagkain ko at naghugas ng plato para naman makapagpahinga sina Nanay. Niligpit ko ang mga kalat namin at nang matapos na ako, kinolekta ko ang mga tirang kanin at nilagay sa planggana. Tatapon ko 'to sa pagkaing baboy sa labas.

"Psst, Dalen!" Dinig kong pagtawag muli sa'kin ni Max.

"Hoy, bugok. Balita ko binigyan ako ni Ninang ng bestida ha?"

"Ah, oo. Nagustuhan mo ba?" Aniya habang ngumingisi.

"Tanga ka ba? Anong klaseng tanong 'yan? Ba't ko magugustuhan 'yon e pangbabae lang 'yon!" Sinundan niya ako sa pagtatapon ng pagkaing baboy.

"Babae ka pa rin naman ah,"

"Lalaki ako, tsong. Hindi ba obyus?" Nilakihan ko pa ang boses ko na parang isang lalaki talaga.

"Siraulo. Try mo kahit minsan 'yon. Baka bumagay sa'yo. Hindi pa kita nakitang nagbestida," Nginitian niya ako.

"Parehas lang kayo ng sinabi ni Tatay. Ibenta mo nalang ulit 'yon sa bangketa. Kikita ka pa pramis. Pang inom na natin 'yon," Suhestyon ko.

"Puro kasi japorms ang pormahan mo. Kaya naisip ko paano kapag kahit isang araw nag ala babae ka?" Napaisip na tanong niya.

"Bahala ka diyan. Kung japorms pala, dapat pinilian mo ako ng mala Daniel Padilla na style ng damit. Bibigay ko 'yon sa mga inaanak ko. May pagkakataon ka pang bawiin 'yon hanggang bukas," Naglakad na ako papasok ng bahay namin.

"Hindi ko babawiin 'yon, Dalen. Ano ka ba. Tanggapin mo na 'yon," Pagpupumilit niya pa ngunit iniwan ko na lang siya sa labas.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko upang tignan ang binigay ni Ninang. Floral nga ito at hapit sa katawan kung nagkataon. Korni ampota. Floral talaga pinili ni Max?

Itinapat ko ito sa katawan ko at shet. Hindi talaga bagay sa'kin. Nakakaalis kapogian 'tong damit na 'to. Bakit tingin nilang apat sa'kin, babagay itong damit na 'to, e ako ngang nakakakita sa sarili ko, hindi ko makitang bagay sa'kin 'to.

Tinago ko na lang ito dahil ibibigay ko 'to sa mga pamangkin ko sakaling bumisita sila rito.

Wrong Send si DalenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon