29

203 17 0
                                    

"Tatang, sino po 'yan?" Kuryoso kong tanong habang nakaturo sa lalaking nasa photo album na pinapakita niya. Baby pa lang ito at nasa gilid ang batang si Sir Hugo.

"Ito ang dapat susunod kay Hugo. Kaya lang, sumunod na ito agad sa kaniyang Lola Rose," Tumango tango ako. Sa totoo lang, kilala ko na kung sino ang tinuturo ko dahil paulit ulit na kaming tumitingin sa photo album na ito. Halos mamemorize ko na nga ang mga page nito at kung sino ang mga tao sa bawat pahina.

"Eto po, Tatang. Sino po ito?" Pagtuturo ko sa Nanay ni Sir Hugo. Ngiting ngiti naman siya nang ikuwento niya sa'kin ang Nanay nito. Sa kwento niya, malalaman mong sobrang bait din nito. Kaya lang, sumama ito sa Paris kasama sina Shainah. Pati, ang asawa nito.

"Si Russiana naman ito noong binibinyagan si Hugo,"

Nakita ko ulit ang batang nakangiti habang nagkatinginan sila ng pari. Sa tantya ko, mga nasa limang buwan na siya siguro nito. Ang sususyal pa ng mga ninong at ninang niya. Mukhang may color coding sila noong bininyagan ito ha.

Nakita ko na rin ang pinakatinatagong litrato ng mga Velez. Noong simula makasal si Ma'am Russiana at asawa nito, hanggang sa lumaki si Shainah at Sir Hugo, at hanggang sa maka graduate si Sir Hugo. Nakakatawa lang dahil kung kailan patanda siya nang patanda, doon naman siya pa simangot nang pasimangot.

Akmang ibabalik na sana ni Tatang ang photo album sa lalagyan nito nang mahulog ang isang lumang litrato mula rito. Nang pulutin ko ito at ibabalik sana kay Tatang, nakita ko ang binatang si Tatang Edward at ang minamahal niyang si Madam Rose.

Naka hawak si Tatang Edward sa bewang ni Madam Rose habang hinahalikan niya ito sa pisngi mula sa likod. Mukhang kilig na kilig si Madam Rose dahil napakalaki ng ngiti niya rito.

May sulat pa ito na nakalagay sa likod. Pati petsa. Mensahe ni Madam Rose kay Tatang Edward. Uso na pala ang SONA dati. Siguro, kaya hindi umepek yung akin dahil sa text lang. Tapos, na send pa sa ibang tao. Hinayupak. Mabuti na lang ay hindi na ako ginambala no'ng lalaking 'yon. Sabagay, nagpa sorry naman ako.

Inabot ko ito kay Tatang. Napatingin siya rito at napangiti.

"Ito ang asawa kong si Rose. Napakaganda niya, hindi ba?" Pinakita niya sa'kin ang litrato na para bang isang batang pinapakita sa'yo ang bagong laruan niya. Kahit na may mga pagkakataon na sobrang makalimutin ni Tatang Edward, alam na alam mong mahal na mahal niya si Madam Rose.

Kahit na minsan, hindi niya na maalala ang mga nasa paligid niya, tanging iisang memorya lang ang tumatatak sa isipan niya. At, 'yon ang pagmamahalan nilang dalawa.

Nagmana ang mukha ng Nanay ni Sir Hugo kay Madam Rose. Para silang pinagbiak na buko. Alam ko na ngayon kung bakit ang gandang lahi rin na mayroon ang mga Velez.

Katulad ng laging ginagawa ni Tatang, nanood siya ng mga documentaries ulit. Kahit na paulit ulit na lang minsan ang pinapanood niya, hindi pa rin siya nagsasawa. Nakikinood na lang din ako bilang wala rin namang ibang magawa kundi ang bantayan siya. Kinukuhaan ko siya ng snacks at iba pang pagkain depende sa kung anong gusto niya.

"Dalen, pwede bang ikaw muna magdala ng towel na ito at roba para kay Sir Hugo? Nandoon siya sa pool. Pinapatawag lang ako saglit ni Ate Ernesta,"

Pagkababang pagkababa ko ay bigla akong sinalubong ni Ate Gina hawak ang nakatuping towel at roba. Mukhang nagmamadali ito, kaya naman kinuha ko na ito para agad na niyang mapuntahan si Ate Ernesta.

Ano na naman kayang trip ni Sir Hugo at nag swimming siya ngayong gabi? Naabutan ko siyang nakasandal sa gilid ng pool habang ang dalawang braso ay nakataas din.

Tinawag ko siya at nang lumingon ito sa'kin. Napakunot pa ang noo dahil ako ang nagbigay sa kaniya nito. Kanina pa ito nakakunot ang noo sa'kin. Hindi ko alam kung dahil ba doon sa pang aasar ko sa kaniya sa shampoo at sabon.

Naalala ko ngang binayaran niya pala ang Ice cream ko kahapon. Sumundot ako ng pera sa bulsa ko at ipinatong ito sa tuwalya at roba.

"What's this?" Tanong niya at nakatingin sa perang binigay ko.

"Para sa'yo, Sir. Bayad ko po 'yan sa ice cream,"

"Are you insulting me?" Tumaas ang boses nito.

"Ay, Sir! Hindi po! Bayad ko po talaga 'yan,"

Narealize kong nakakahiya pala kung hindi ko babayaran 'yon. Baka inaassume ko lang pa lang nilibre niya ako kahit hindi naman pala.

Tumayo ito at agad naman akong napatalikod. Yawa. Halos hubo na 'tong hinayupak na 'to. Mabuti na lang talaga at nagpa utos ito ng roba.

Ilang sandali pa ang hinintay ko.

"Okay na po ba, Sir?"

Hindi ito sumagot at naghintay na naman ako. Tumagal ito ng mahigit sampung minuto kaya naman hinarap ko na. Baka nalunod na pala 'tong yawang ito.

Pero, halos tumalbog ang puso ko at kaluluwa ko nang makita ko siya sa harapan kong naka roba. Kinulong niya ako sa kinakasandalan ko gamit ang dalawa niyang kamay. Basang basa pa ang buhok nito. Halatang hindi ginamit ang towel para punasan ang buhok.

Narinig ko na namang humataw ang puso ko. Ngayon lang na naman ulit naramdaman ito. Parang may zumba contest sa loob at nagrarambulan sila't nagpapagalingan humataw. Walang gustong magpatalo.

"Breathing heavily, hm?" Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at hindi naman ako makagalaw. Para napako ako sa kinalalagyan ko.

Nilagay niya ang pera ko sa kamay ko at sinara niya ito. Hindi pa rin siya umaalis.

"Can you feel it, too?" Tanong niya pa sa'kin. Pinagsasabi nitong kurimaw na 'to?

Ngumisi ito nang mas lalo lang bumigat ang paghinga ko. Para akong unti unting nawawalan ng hininga sa sobrang lapit niya sa'kin.

"Do not embarrass me in public again, Dalen," Umalis na ito at pumasok sa loob.

Napahawak naman ako sa puso kong kanina pang nagzuzumba. Putangina, ano 'to?

Wrong Send si DalenWhere stories live. Discover now