11: ill will in amity (part one)

292 28 15
                                    


Chapter Eleven - I
ill will in amity

|Shaira, the active|


"Starting from this day, we will hear your concerns & problems towards school matters. Together with the newly elected officers, we will be at your service. So do not be afraid and let your voice be heard!" Nagpalakpakan ang lahat sa pagtatapos ng speech ni Vincent.

Hindi ko ine-expect na ang isang katulad niya na "chill" lang sa buhay ay gugustuhing mamuno. Alam kong pinamumunuhan niya ang Junior high division ng kanilang frat, pero hindi ko alam na interesado siya pati sa pamumuno ng school.

Nang tanggihan niya ang nakatataas sa Dauntless House na si ate Lira para tumakbo sa People's Choice, ay natanggal sa pagka-pinuno ng frat si Vincent. Bakit kasi gusto niyang samahan si Chelsea sa Wise Republic? Pero sa nakikita ko ngayon, tama ang naging desisyon ni Vincent na tumakbo kasama si Chelsea sa Wise Republic, kasi nanalo sila nang magkasama.

Ang current president ng senior high, kuya Xian, ay nakapanig sa Wise Republic at under siya ng Beleaguer House. Kaya naman ang laki talaga ng chance na manalo sila Chelsea at Vincent. Alam niyo kung bakit? Sa Beleaguer House may tinatawag silang "one vote", kung ano ang iboboto ng nakatataas nila ay iboboto rin ito ng lahat ng House members. Feeling ko, iyon ang isang bagay na nakapagpanalo kila Chelsea, Vincent, at Alice.

Pagkatapos ng speech ng mga nanalo sa eleksyon ay pinag-lunch na kami. Hindi ko feel kumain ngayon dahil madaming lumalapit sa akin at nagpapa-pity party dahil natalo ako. I don't need them to pity me, I'm doing fine. Pero syempre pinapakisamahan ko sila, lalo na yung mga taong hindi naman ako binoto pero todo ang pag-symphatize sa akin.

"Shaira! Okay lang yan, the best ka pa rin." Wika ng kakilala ko sa Ephesians. Parang noong debate lang, nakita ko siya na nagpapicture kila Chelsea at Vincent... Bumuntong-hininga ako at ngumiti.

"Trueness! Saka ano ba kayo, okay lang ako." Sabi ko nang natatawa.

"Shaira, halata na malungkot ka pa rin."

"Oo nga! Anong nangyari sa inyo ni Chelsea after elections? Nagusap na ba kayo?"

"Sis! Bakit kasi di mo na lang inamin sa debate na nakakapag-lead talaga si Chelsea?"

"True, nagmukha ka tuloy kontrabida. Kaya siguro nabawasan mga boboto dapat sayo."

Hindi ako nakasagot sa mga sinasabi nila. Hindi naman sila concerned talaga sa akin eh. Parang gusto lang nila ipamukha sa akin ang ginawa kong... mali. Sila yung tipo ng mga kaibigan na nandiyan lang kapag may nagawa kang hindi tama. Sila yung nagreremind sa lahat ng embarrassing moments mo, failures, and bad things. Hindi sila yung hihilain ka pataas eh, kasi parang sila pa yung nangda-down sayo. Ewan ko. Siguro sensitive lang talaga ako these past weeks? O talagang hindi totoong tao ang mga nakakasama ko?

They're also from Amity House, just like me. Bit I can say that not everyone in Amity is real.

"Oy wag niyo ginaganyan si Shaira! Iiyak na siya oh!" Pagbibiro pa nila kaya nagtawanan ang mga ito. Pilit naman akong tumawa at ngumiti.

"Una na pala ako guys, may klase pa kasi kami. Bye!" Mabilis na pag-papaalam ko, may mga sinabi pa sila pero hindi ko na sila nilingon.

"Mauuna ka na? huwag! Bata ka pa!" Pahabol nila sabay tawanan.

Dumiretso na lamang ako sa locker areas na nasa 3rd floor ng building namin, para kunin ang lecture notebooks ko at ilagay roon ang bagong labang extra clothes ko for PE.

"You've got beaten by a homeschooler?" Sarkastikong tanong ni Kelly sa akin habang inilalagay ko sa locker ang aking extra clothes.

"Si Vincent kalaban ko, hindi si Chelsea." Walang gana kong tugon sa kanya.

School Life With YouWhere stories live. Discover now