05: Choose Me (part two)

608 84 112
                                    


Chapter Five - II
Choose Me

|The Game of 10s, Round One|

Papunta kami ngayon sa main building ng EA para um-attend sa Game of 10s. Nakakapit si Violet sa kaliwa kong braso, si Shaira naman ay nasa kanan ko na kasama sina Rianne at Jennica. Sila Kier, Kris, at Kisha naman ay nasa tabi ni Violet.

"Hintayin natin ang iba, bilin ni Ms. Mara na sabay-sabay tayong pupunta doon." sabi ni Shaira kaya sumangayon naman kami.

We all stopped in front of the main building to wait and gather for others. A shadow of the building was shading us from the sun, as I looked up, I saw the name of our school in gold letters. Below it are words written in a different language.

EMPYREAN ACADEMY
modo ad virtutem

"Anong ibig sabihin ng nasa ibaba?" Tanong ko. Mula sa peripheral vision ko, napansin kong nagsi-angatan ang mga tingin nila para sundan ang binabasa ko.

"Way to excellence," Jennica said as she scoffed, I can't blame her though.

Empyrean Academy, way to excellence? Oh, okay. Freedom Spree is waving, but maybe the Game of 10s will change my perception about this school. Game of 10s sounds so fun and exciting!

"Ayan na pala sila." Nagsilingunan kami sa gawing kanan dahil sa sinabi ni Shaira.

Umingay ang paligid dahil sa mga tawanan nila, naroon din sina Vincent, Daixon, at Rylen kasama ang iba pa naming mga kaklase galing sa left wing.

"Oh? Nasaan sila Freya?" Tanong ni Kris.

"Did someone call my name?"

Napalingon naman kami ngayon sa kaliwa at nakita ang grupo nila Freya, maging sila Sean, na mukhang galing sa right wing.

"Oh good, kumpleto na tayo." Sarkastikong sabi ni Shaira, tinaasan naman siya ng kilay ni Freya.

"Yup, the VIPs are here, so, let's go losers." Nag-flip pa ng buhok si Freya saka na siya naglakad na parang bidang babae sa pelikula na parang nanalo sa kung saan.

"Bakit wala si Ms. Mara?" Narinig kong tanong ng isa kong kaklase habang nakasunod na kami kay Freya.

"Nandoon na sila sa venue, paalala lang guys, bawal sila magcoach kaya wag daw tayo maki-interact sa mga adviser nating mga Grade 10." Paliwanag ni Shaira na narinig naman ng karamihan.

Nahuling dumating ang section namin sa pagdating sa Audio-Visual room kaya sa bandang likuran na kami pumwesto. Nakapatay ang mga ilaw, at tanging mga led lights lang ang nagsisilbing liwanag sa steps ng hagdan nito. Elevated kasi ang seats at mukha itong cinema room.

"Oh my gosh kinakabahan na ako! I need my vlogging camera." Narinig kong sabi ni Kier.

"Gaga! Bawal i-vlog 'to." Sabi naman ni Kris.

Maraming boses ang nagooverlap sa paligid dahil siguro lahat ng Grade 10 students ay narito. Katulad ng karamihan ay nililibang na lamang namin ang mga sarili sa pakikipag-kwentuhan habang naghihintay para sa simula nitong Game of 10s.

"Why is this such a big deal?" Tanong ko kay Shaira kaya itinapat niya sa akin ang phone niya na nakabukas para siguro mailawan ako. I flinched a little because of the sudden light.

"Tradition ito ng EA para sa mga graduating students. Lahat ng grade 10 over the years ay dumaan na sa ganito. Pero every year iniiba nila ang mga challenges kaya wala tayong ideya kung ano ang mga ganap ngayon."

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon