05: Choose me (part four)

565 97 128
                                    


Chapter Five - IV
Choose Me

|Game of 10s, continuation|

"What do you mean it's not a poison case?" Natatawang tanong ni Shaira kay Freya.

"Because btch, we found evidences that connects to a murderous stabbing." Freya presented the things she found in the table. Tinaasan lang siya ng kilay ni Shaira, still not convinced huh?

"I know you're thinking that Yui is the murderer but these evidences proved that she's in the mall during the time of death." Nakacrossed arms na sabi ni Freya. Habang nakikipagsukatan siya ng tingin kay Shaira, bigla niya akong tinawag.

"Newbie, come on, tell them what you got." Utos ni Freya kaya napatingin ang lahat sa akin.

"Aren't we gonna find more evidences? We're running out of time, instead of arguing here, let's collect more evidences, then argue later." Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang hinihintay ang pagsang-ayon nila.

"Para saan pa Chelsea? Tapos naman na ang case na ito." Sagot ni Jennica kaya napabuntong hininga ako.

Sarado na talaga ang isip nila sa isang side ng kaso, at hindi na namin sila makukumbinsi. Pero bakit hindi man lang sumangayon sa akin sila Sean, Freya, at Daixon na maghanap pa ng evidences? Are they really trying to prove our side? I get it that we're on the right side but we shouldn't be wasting our time here!

"Di ba Chelsea, poison ito?" Tanong ni Shaira kaya napalunok ako. Is she trying to pull me to her side?

Alam ko naman kung ano ang sagot ko pero ang hirap pumili kung sino ang dapat kampihan. Nakakatakot kasi baka may masaktan dahil lang sa choice ko.

"Chelsea," ito na, tinawag na ni Freya ang pangalan ko instead of "newbie" kaya naman mas lumakas tibok ng puso ko.

"Tell them, is this a poison or a murder case?" Tanong ni Freya nang harapin ako nito with her crossed arms and raised eyebrow.

"Uhm...." Napatingin ako kay Vincent na pinapanood akong magdesisyon.

"Say it." Mahinang sabi ni Sean sa tabi ko kaya napalunok ako ng sobra.

"I uhm, agree with Freya." Mahinang sabi ko.

"What??" Gulat na tanong ni Shaira. So I build all of the fake bravery that I have and faced Shaira and everyone.

Napasinghap ako nang mabigat dahil sa kaba at saka inilabas ang marker na nahanap ko kanina.

"This magic pen's writing is visible in the dark. When we closed the blinds and lights, we saw a morse code on the table near the mannequin. Sean cracked the code and it says, KNIFE. You can check it if you want." Sabi ko.

"Huwag na nauubusan na tayo ng oras." Kumento ni Daixon. Exactly!Ngunit ang inaakala kong maghahanap na ng evidences ay humarap bigla kay Vincent. "Come on dude, paniwalaan niyo kami na stabbing ang nangyari at hindi poison."

So push pa rin nila ang pagkapanalo sa argument na ito? Instead of using the remaining minutes to search for evidences? Hay nako!

"Ayan lang evidence niyo?" Natawa si Shaira kaya napakunot noo ako.

"It's not ayan lang, Shaira." Sabi ko kaya napatigil si Shaira at napatingin sa akin.

"We also found clues." Dagdag ko sabay abot ng maliit na paper na nakita ni Sean kanina na nagsasabing pinangsusulat itong magic pen ng mga ideas and secrets ng mga nasa music and arts club.

"Ay bakit may ganyan?" Tanong ni Kier.

Iprinisenta din ni Freya ang natagpuan niyang mga pinamili ni Yui, the receipts, and the clue which tells that Yui is in the mall during the time of death. Then nilabas ni Daixon ang phone na nahanap niya at ang clue na nagsasabing may mahahanap kaming clue sa text messages. Lastly, si Rylen nag step up na rin dala ang munting hairpin niya na may clue na kay Cindy Jones iyon.

School Life With YouWhere stories live. Discover now