20: I Know You (part II)

265 27 39
                                    

Chapter Twenty - II
I Know You

| Third Person's Point of View |

Mayroong tensyon sa pagitan ng mga Corinthians at Galatians sa community service simula kahapon. May mga naguusap naman na Corinthians at Galatians, pero nauuwi rin sa bangayan kasi naaalala nila ang nangyari noong Intrams.

Ngayong araw ng Martes, naisipan ng mga Corinthians na ibenta ang mga lumang dyaryo at kung ano-ano pang basura sa abandoned building para pandagdag sa classroom funds nila. Ngunit, naisip rin iyon ng mga Galatians, kaya naman nagkakainitan ang dalawang panig sa hatian ng mga ikakalakal.

"Hoy sa amin yan! Kami nag-hirap na naglabas diyan." Reklamo ni Rylen sa mga Galatians na kinukuha ang mga bote.

"Psh! Ano ngayon? Unahan lang toh sa pagkuha pre." Nakangising sabi ng isang lalaki sa Galatians at taas-noong binuhat ang mga bote.

Susugod sana si Rylen pero hinawakan siya ni Vincent sa balikat.

"Rylen, hayaan mo na, mamaya magkagulo na naman." Wika nito kaya bumuntong-hininga si Rylen at tumango.

"Tsk." Napailing si Shaira sa nasaksihan at nilapitan sa ilalim ng puno ang babaeng nagmemerienda at nagpapahinga.

"Freya, umamin ka na kasi na ikaw may kasalanan sa nangyari para hindi na tayo pinagiinitan ng mga Galatians." Pagpupumilit ni Shaira kaya nagulat ang ibang mga Corinthians. Gusto rin kasi nilang sabihin iyon kay Freya pero walang nagtangkang gawin yon kasi nga, takot sila sa babae.

"Why would I? Mind your own business, you lowly trash." Umirap si Freya at saka nagsuot ng airpods. Padabog namang umalis si Shaira sa harapan ni Freya para bumalik sa ibang mga kaklase nila.

"Urgh! Nakakabadtrip talaga babaeng yon!" Reklamo ni Shaira kaya sinangayunan siya ng mga kaklase nila na kasama nila sa paglilinis na nagpapahinga rin ngayon.

"Oo nga! Ang taas ng pride!" Kumento ni Kris.

"Siguro kaya lang siya nagsorry sa atin noon kasi sinabi ni Sean sa kanya." Wika ni Jennica.

"So hindi sincere si ate gurl?" Gulat na tanong pa ni Kier.

"Guys, I think may sama pa rin ng loob sa atin si Freya kasi... we didn't apologize to her?" Nag-aalalangang sabi ni Violet, napatingin naman ang lahat sa kanya.

"Eh?? Violet, we don't have to. Wala naman tayong dapat ika-sorry di ba?" Sabi ni Shaira.

"Oo nga, bakit tayo magsosorry sis?" Tanong pa ni Kier.

"Well, you know, noong nachichismis si Freya sa Blue Web... I think we hurt her feelings kasi... pinaguusapan din natin siya. We even accused her for using drugs." Sabi ni Violet na napapanguso.

"Eh? When yon? Wala na akong memory about that." Tanong ni Kisha na napapakamot sa ulo.

"Aha! Naalala ko na! Noong nag-attendance siya, Sabado yon, nakakumpulan tayo sa classroom kasama sila Kelly." Sabi ni Rianne.

"Ah oo nga noh? Hala teka! Kasama rin sina Cloe at Kelly ha! Bakit tayo lang dapat mag-apologize?" Kunot-noong tanong ni Kris.

"Trueness!" Sabi ni Kier.

"Pero wait... I feel bad na tuloy, kasi we didn't even say sorry kay Freya noong nag-open forum tayo samantalang siya nagsorry siya sa atin tapos nag-invite pa siya for her bday." Sabi ni Kisha na ngayon ay napanguso na rin. Napatango-tango naman si Violet na malungkot rin.

"So, kapag magsosorry tayo kay Freya... aamin na ba siya sa Galatians at magsosorry sa kanila?" Tanong ni Shaira.

"Siguro, kapag napilit natin siya sis." Sabi ni Rianne.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon