07: Meet Everyone (part one)

579 82 48
                                    


Chapter Seven - I
Meet Everyone

"Chelsea, sabay na naman ba kayo ni Vincent sa pag-uwi?" Nakangusong tanong ni Violet nang maisabit niya na ang strap ng bag niya sa kanyang balikat.

"Oo eh." Sagot ko kaya napa-crossed arms ito. Magsasalita pa lang dapat siya nang biglang um-extra si Rianne habang palabas ito ng room kasama si Jennica.

"Uyyyy si Pres! Lumalablayp! Heart! Heart!!" Panunukso niya na may kasama pang finger hearts, natawa ako sa kanya at napailing. Napaubo naman si Violet kaya napalingon ako muli sa kanya.

"I warned you about Vincent, you're getting too close to him. He's a flirt." Madiing sabi nito.

"Ouch! Violet nasa likod mo lang ako." Kumento ni Vincent, kaya nilingon naman siya ni Violet at tinaasan ng isang kilay.

"Oh I don't care, everyone knows you're a flirt." She said that with her arms crossed. Natawa naman si Olivia na nasa kanan ni Violet at nag-high five pa sila.

"OOOOOH! MALANDI KA PALA EH!" pangaasar ni Rylen kay Vincent.

Tinatapik naman ni Daixon si Vincent na tila pinapakalma ito dahil sa pagdadrama niya sa sinabi ni Violet. Tinignan ko muli si Violet na malawak ang ngisi dahil nanalo siya laban kay Vincent.

"Vio," I sighed. "I told you already, Vincent and I are just neighbors. Kaya sumasabay siya sa akin sa pag-uwi."

"Why do you sound like jowa ka ni Violet?" Biglang tanong ni Kisha sa akin na ready na rin sa paglabas ng classroom. Natawa naman sila Kier at Kris na nasa gilid namin.

"GxG!" Kumento naman ni Rylen kaya binatukan siya ni Vincent.

"Aray ko! Mapanakit? Nagseselos ka noh?" Reklamo ni Rylen habang inaayos ang buhok niya.

"Ayieeee!" Panunukso ng KKK, tinabig pa ako ni Kris nang pabiro pero muntik na akong matumba dahil napalakas iyon. Mabuti na lang nakahawak ako sa may arm chair kung hindi sumalampak na ako sa sahig.

"Oy okay ka lang?" Biglang tanong ni Vincent na mukhang ready nang saluin ako kahit na okay naman na ako.

"Oo, don't worry." Sabi ko sabay wagayway ng kamay ko at ngumiti ng pilit.

"Ayieeeeee!" Pangaasar ulit nila.

Hindi na talaga matatapos tong pagship nila sa amin ni Vincent. Hay nako!

"Vincent why are you so overprotective to Chelsea these past few days? You're being weird." Panggigisa muli ni Violet nang harapin niya si Vincent.

Nagkasukatan sila ng tingin ni Violet habang sinasabi nila Kier ang observations nila these past few days patungkol kay Vincent. Like, bakit sumasabay na daw sa amin si Vincent na maglunch tapos ichecheck pa ingredients ng kinakain ko bago ako pakainin, at kung ano-ano pa. For me, wala lang talaga magawa si Vincent kaya pinagtitripan niya ako these past days.

"Interesting rivalry." Biglang sabi ni Spice sa gilid na kumakain ng pop corn. Si Daixon naman ay kumuha ng pop corn kay Spice at ngumuya habang naka-headphones na pinapanood kami.

"Violet vs Vincent." Dagdag pa ni Daixon.

"Pre wag ka papatalo kay Violet, nako nakakahiya ka kapag siya pinili ni Chelsea." Sabi ni Rylen kaya natawa sila Kier.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon