20: I Know You (part VI)

359 29 32
                                    

Chapter Twenty - VI
I Know You

|Third Person's Point of View|

Habang nakasilong si Kier sa isang sirang bubungan sa kakahuyan na katabi ng warehouse ay napansin niya na may mga nagsisidatingan. Ang iba sa mga ito ay nakakotse, at ang iba naman ay naka-motorbike. Nakumpirma niya na hindi ito ang mga kaklase niya kaya nanatili siya sa kanyang pwesto. Pero wala sa wisyo niyang vinideo ang mga kaganapan at saka pa lang nito napagtanto na baka mapano siya kung makita siya ng mga ito.

"Sht! Mukhang isang galaw ko lang here matetegok na me or something! Nasaan na ba kasi sila Vincent??"

Samantala, kasalukuyang nakatali ang tatlong babae dahil sa nangyari kani-kanina lang. Nakaupo sila ngayon sa tig-iisang wooden arm chair habang nakatali ang kanilang kamay, binti, at baywang sa upuan. Mayroon ding packaging tape ang mga bibig nila kaya hindi sila makasigaw. Nagkaroon na muli ng malay si Chelsea pero dahil sa panghihina sa braso niya ay hindi pa ito makagalaw nang maayos.

Nasa pangatlong palapag sila ng building at nasa dulong kwarto ito. Puno ng mga box at mga sirang gamit ang silid na ito, mayroon ding mga bintana ngunit basag ang iba. Napatingin sila sa may bintana at nakitang dumidilim na ang paligid dahil ala sais na pasado. Napatingin si Chelsea sa mga kaibigan niya na hindi rin nagpupumiglas dahil na rin sa pagod at pagka-drain nila. Patuloy naman ang panalangin ni Violet na dumating ang tulong na hinihintay nila.

"Gusto niyo kumain?" Tanong ni Rebecca nang pumasok ito sa silid.

Umiling silang tatlo bilang sagot. Nang mailapag ni Rebecca ang pagkain niya sa lamesa ay lumapit siya sa tatlo at isa-isang tinggal ang mga tape sa bibig nila.

"Pasensya na tinakpan namin mga bibig niyo, may naghahanap kasing matandang lalaki sa inyo kanina. Pinaalis na namin para hindi siya madamay." Pagkuwento ni Rebecca.

"That's Mang Tony! My driver!" Nag-aalalang bulalas ni Violet.

"Huwag kang mag-alala, ligtas siyang nakaalis dito. Sinabi lang namin na wala kayo rito, kaya alalahanin mo na lang sarili mo." Nakangising sabi ng babae saka na bumalik sa lamesa na ilang metro ang layo sa harapan ng tatlong babae.

"Ano pa bang kailangan niyo sa amin? We gave you our words na hindi kami magsusumbong sa authorities. Pakawalan niyo na lang kami." Madiing sabi ni Shaira kaya natawa si Rebecca.

"She's right, why don't you just free us?" Tanong ni Violet.

"Sige, sasabihin ko na sa inyo." Umupo si Rebecca at saka napadekwatro ng kanyang binti.

"Si Gray Eyes ang may hawak sa warehouse na toh at sa mga frats na nagpapatakbo dito. Pero hindi siya ang pinakaboss ng lahat, dahil mayroon pang mas nakatataas sa kanya." Panimula niya kaya nakinig nang mabuti ang mga babae.

"Yung mga gamit niyo, pinakalkal niya kila Budha kanina. At nakita nila ang mga school ID niyo at napag-alaman nila na taga Empyrean Academy kayo. Dahil doon, sinabi nila sa amin na huwag kayong pakawalan hanggang sa dumating ang president niyong si Xian."

"But we are not under him. We are only Junior high students, at si Vincent ang president namin." Sabi ni Chelsea kaya napatango ang dalawa.

"Vincent Albion?" Tanong ni Rebecca at tumango silang muli.

"Kasama siya nila Xian last year na pinabagsak ang isa ding trap house tulad nito. Tsk, tsk. Namumuro na mga leaders sa school niyo." Napapailing na sabi ng babae at nagsimula nang kumain.

School Life With YouWhere stories live. Discover now