06: Classroom "unwanted" Royalties (part four)

635 98 33
                                    


Chapter Six - IV
Classroom "unwanted" Royalties

|Classroom Rules and Regulations|

Monday. Kabado ako habang naglalakad patungo sa teacher's table, pero kakayanin ko naman siguro dahil kasama ko sina Vincent at Rianne sa tabi ko. Wala kaming klase sa values education para ma-discuss namin ang mga ginawa naming batas.

Sobra-sobra pa ang tiwala na binigay sa amin ni Ms. Mara kasi umalis siya at hinayaan niya kami, para daw masanay na kaming i-lead mga kaklase namin tuwing wala siya. Pero syempre, some of my classmates are not taking this seriously. I cleared my throat to get their attention, and wow, it's effective coz they all looked at me. I can feel Vincent smirking coz he's the one who gave me that tip.

"Today we will discuss our classroom rules and regulations." I tried to be calm but I know my voice is kinda shaking.

They stopped what they're doing and looked at my direction. I kinda love the attention that I am getting coz it's embarrassing if they do not listen to me. Pero nakakakaba pa rin talaga habang nasa harapan ka at nakatingin silang lahat sayo. I just took a deep breath and proceed.

1) Plastic Bottle

Hindi pa naisusulat ni Rianne ang pangalawang rule ay madami nang nagreact. Napansin ni Vincent ang pagkakadismaya ng mga kaklase ko at ang pangamba sa mukha ko kaya siya bumulong.

"I-explain mo na sa kanila yan, bago pa sila mawalan ng interest." Ani ni Vincent. Ang pagkakasabi niya ay hindi nagmamayabang, it's more like a concern act kaya tumango ako't ginawa ang sinabi niya.

"Rule number 1 is plastic bottle, uhm naisip namin na walang magaganap na singilan ng pera dito. Ang ipambabayad sa mga lista ng noisy, late, incomplete uniform, nag-Filipino sa English class, at nagkalat ay plastic bottles." Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase kong may kanya-kanyang opinyon.

"Ihh! I like money pa naman na pambayad." Nakangusong sabi ni Dhanna.

"Pwede ba Dhanna? Hindi lahat dito mayaman na tulad mo." Pambabara ni Kris.

"Oooooh!"

"Bars btch!"

"I'm just saying!! Saka saan tayo kukuha ng plastic bottles?" Inis na tanong ni Dhanna at nagcross pa ng arms.

"Marami sa basurahan." Nakangising sabi ni Vincent kaya nagkaroon ng takot ang mga mukha ng mga kaklase ko.

"Classmates, mas okay kung plastic bottles kasi mas mamomotivate tayo na wag mag break ng rules. Kasi pagtatrabahuan natin yung pambayad, we have to collect plastic bottles instead of just paying money." Wika ni Rianne kaya napahinto ang mga kaklase namin sa pagsasalita.

"Sa bagay." Pag-sangayon ng iba.

"Saka na-approve na ni Ms. Mara ito kaya kahit magreklamo tayo, hindi na maiiba ang way of payment dito sa room." Dagdag pa ni Rianne.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagpapaliwanag nang tumahimik na ang buong klase.

"Ang cleaners sa araw na iyon ay hindi lang taga-linis pero sila rin ang maglilista ng mga violations. Bahala na kayo mag-divide ng mga trabaho ng bawat members sa group. May i-a-assign na leaders per cleaners kaya dapat niyo silang sundin. Everyone is a leader in this class kaya dapat maging responsible tayo." Sabi ko pa.

"Yes!! Babawian ko mga kupal na lagi akong nililista! Hahahaha." Pagpaparinig ni Rylen, kanino pa ba? Sa arch nemesis niyang si Shaira.

"Sa late, magkakalat, at incomplete uniform, ten bottles each ang katumbas. Yung noisy naman, per stick ang basehan." Sabi ni Rianne kaya napatango-tango ang karamihan.

School Life With YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu