08: Money and Fame (part two)

523 80 20
                                    


CHAPTER EIGHT - II
Money and Fame

Wednesday. Ngayong araw, hindi ako pinansin ni Vincent. Hay nako! Ako na nga itong magsosorry dapat sa kanya pero bigla siyang nagplug in ng earphones? Daig niya pa ako sa pagmo-mood swings.

"Gaya-gaya kay Shaira." Naibulong ko pa bago ko siya tantanan. Kung ayaw niya ng sorry ko, edi 'wag.

At dahil hindi ako kinukulit ni Vincent, simula kaninang umaga, ay nagtaka na ang mga kasama ko.

"LQ kayo ni bebe mo?" Tanong ni Kier nang makita namin sila Vincent sa kabilang table.

It's odd for them coz Rylen is still talking to me while Vincent doesn't. Si Daixon? Well neutral lang naman siya kaya okay lang kung di kami magusap every day. Saka kung kinausap ko 'yon, hanapin na naman niya si Mr. BooBlue eh hindi pa ako umuuwi sa amin.

"OMG I'm not sorry Chelsea! Gumana yata ang sumpa ko sa inyo ni Vincent kahapon." Sabi pa ni Violet na napapangisi.

"Ano bang sinabi mong babaita ka?" Tanong ni Kier.

"Wala, sabi ko... walang sila ni Vincent... ever." Napakibit-balikat na sabi ni Violet sabay subo ng pagkain nito.

"Nako, nagdidilang anghel ka pa naman minsan Violet." Natatawang sabi ni Olivia sa kanya at naghigh-five pa sila kaya napailing na lamang ako.

"OMG girls!!" Hingal na hingal sila Kris at Kisha nang makalapit sila sa amin. Mukhang napatakbo sila ng disoras kaya ganyan ang mga itsura nila.

"S-sila S-sarah at... Maureen!" Pahinto-hintong saad ni Kris habang napapalunok at tinuturo ang labas ng canteen, napatayo naman ako bigla dahil mukhang emergency ito.

"What is it?" Tanong ko.

"Sis kalma, baka chismis lang yan." Sabi ni Kier at napapailing pa sa dalawa sabay subo ng kanyang carbonara. "Teka anong chismis yan ha?"

"OMG, paano mo knows?" Tanong pa ni Kisha kay Kier kaya napairap na lamang ito.

"Ano ba nangyari?" Tanong ko muli. Hindi ako chismosa pero syempre kaklase namin sila Sarah at Maureen so we need to know.

"Nag-aaway lang naman sila sa garden. Kaya pinagpepyestahan sila ng mga nanonood. Well... mga lima pa lang naman audience, kasi kakastart pa lang." Sabi pa ni Kris na tila gusto nang bumalik doon para mapanood ang away na nagaganap.

Aalis na sana ako nang bigla akong pigilan ni Violet.

"Chelsea, kalma, away nila 'yon hayaan mo na sila." Sabi nito.

"Oo nga, saka outside the room naman kaya wala kang responsibility sa kanila." Dagdag naman ni Olivia. Napabuntong hininga ako at umupo na lamang muli sa aking seat.

Wala ba dapat akong pakialam? Pero kaklase ko sila di ba? So kahit saang lupalop pa ng school sila mapadpad ay kaklase ko sila, at president nila ako. Even though my judgement says that I shouldn't let it go, I just did, and I don't know why.

Thursday.

Nagulat na lamang ako dahil nagkukumpulan ang mga kaklase namin na tila may pinapanood sa isang phone. Ayaw ko naman silang husgahan patungkol sa pinapanood nila, kaya naman ibinaba ko ang gamit ko sa upuan para sumingit sa kumpulan nila Violet, KKK, at iba pa.

"What's happening?" Tanong ko.

"Pres!" Pagulat na bati ni Rianne sabay tago ng phone na pinagpapanoodan nila. Napalingon naman sa akin ang mga naroon sa kumpol na tila guilty.

"Ano yang pinapanood niyo?" Tanong ko muli.

"Ah eh kasi..." Hindi makasagot si Violet at napayuko pa ito habang napapakamot sa ulo.

School Life With YouWhere stories live. Discover now