08: Money and Fame (part three)

471 66 35
                                    

Chapter Eight - III
Money and Fame

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Dandelion Circle, hindi na kailangan pang mag jeep dahil malapit lang naman ito. Dumaan kami sa people's park para makapagshort cut, at nakita namin na doon pumwesto ang mga Romans na kasama si Ms. Mara. Napaisip tuloy ako na magandang pwesto talaga ang park sa pagbebenta dahil tambayan ito ng mga estudyanteng galing sa iba't ibang school.

"Nakakatakot naman mga Romans, baka sila na naman manalo." Rinig kong kumento ng isa naming kaklase kaya napatingin ako lalo sa gawi ng mga Romans.

Nakita ko si Alice na nakatalikod mula sa amin dahil kinakausap niya ang buong Romans. Siguro nagdidiscuss sila ng strategy? Ewan, pero sana mas effective ang sa amin. Sa tingin ko naman, maganda ang plano nila Freya at Sean kaya may pag-asa kaming manalo.

Maraming establishment and offices sa Dandelion Circle dahil para itong business union ng mga commercial buildings at sa gitna nito ay mayroong mini park. Mayroong call centers, travel agencies, real estate companies, insurance companies, event organizing teams, printing shops, sports gym, yoga center, dentist clinic, facial clinic, at kung ano-ano pa ang nakapalibot doon. Para itong mall, pero sa mall kasi more on shopping, dito more on serving.

When we reached the Dandelion Circle, we gathered up to discuss our strategy.

"Damn, these muffins are ugly!" Kumento ni Zach, isa sa mga kaklase ko, nang buksan niya ang box ng muffins. Nagtawanan naman ang karamihan dahil sa reaksyon niya.

Nang makita ko ang iba't ibang size ng muffins na ang iba ay overbaked, at ang iba naman ay kulang sa bake, napanghinaan ako ng loob sa strategy namin. Really? masesell out namin ito ng ganito ang itsura? Maybe that's the challenge, kailangan naming makabenta ng panget na produkto at susukatin ang galing namin sa diskarte. Sana nga lang effective ang strategy namin na magpanggap na ang mga ito ay healthy muffins.

"So magkano natin ibebenta itong muffins?" Tanong ni Shaira.

Napatingin ang mga kaklase ko sa akin na parang naghihintay ng sagot. Tumingin ako kay sir Rence, ang adviser ng Ephesians, para humingi ng idea.

"Sir Rence, magkano po ang benta ng Ephesians?" Mahinahon kong tanong, napatingin naman sa akin si Sir Rence.

"I don't know if I'm allowed to say this but it's 10 peso each." Mabilis nitong sagot at tumango naman ako.

"We'll sell ours, 20 peso each." Sabi ko at tumango naman mga kaklase ko.

Nagulat pa si sir Rence dahil ang mahal daw ng benta namin, at baka raw walang bibili, pero chill lang kami at positibo ang isip na eepekto ito--- well di lahat ay positibo sa strategy namin dahil may mga nega rin mag isip.

Sir Rence just went to talk to the guards of Dandelion Circle to ask persmission, and because we're from Empyrean Academy they let us do what we want.

Freya is discussing the marketing plans habang wala si sir Rence, sumangayon naman sa kanya ang mga kaklase ko. Seeing her fighting (maldita) spirit I kinda felt uplifted that our plan will work.

"Sa mga magkakagroup pairalin niyo nga pala ang buddy system, para maiwasan ang aberya lalo na't nasa labas tayo ng EA." Pag-anunsyo ni Vincent na sinangayunan ng marami.

"Remember... Each group will sell two boxes of muffins. Ang goal natin ay ma-sold out ang lahat, as much as possible. Kaya ba?" Freya broadcasted and it fueled up my classmates.

"Kaya yan!"

"Fighting!"

Napangiti ako kasi nagtutulungan ang lahat. Halos wala akong ginawa, pero it didn't make me feel bad. It feels good coz everyone is paying attention and interested to win.

School Life With YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora