12: Words Matter (part four)

290 31 12
                                    

Chapter Twelve - IV
Words matter

Ngayong araw ay tinipon kami ng Acad org para magsimula na sa pagrereview para sa Academic Week competition this coming September. Competition daw kasi iyon ng iba't-ibang quiz bee, robotics, journalism, at iba pa.

Dahil pinagtest ako last month ni Ms. Mara sa Math, ay isa ako sa mga itetrain at pagpipilian na ilalaban para sa quiz bee competition. Shaira is with me today, dahil isa rin siya sa mga pagpipilian sa History quiz bee.

"Chelsea, pansin mo ba kung gaano ka pina-prioritize ni Vincent?" Biglang tanong ni Shaira. Bakit biglang ganito ang tanong niya? Well kanina ko pa pansin na parang malalim ang iniisip nito.

"In what way?" kunot-noo kong tanong.

"In all possible ways." Sinabi niya iyon na nakatingin nang diretso sa mga mata ko kaya bigla akong kinabahan.

Shaira knows about the relationship of Ara and Vincent. I don't want her to think that I'm getting on their way, just because Vincent and I are too close. Maybe I should consider ignoring him or distancing myself to him? Yeah, I probably should.

"To be honest, kung hindi ko alam na sila ni Ariella, maniniwala ako sa rumors sa classroom na kayo na ni Vincent." Nang idagdag iyon ni Shaira ay nanlaki mga mata ko.

"H-huh?! May ganoong rumors sa room?" I felt so disappointed, I am open to almost all of my classmates when it comes to the Kayo-Na-Ba-Ni-Vincent topic. But it seems like they didn't believe me, which is sad, I am actually hurt a bit.

"Oo." Pagkumpirma ni Shaira. "Boto sana ako kay Vincent para sayo. Pero hanggang hindi siya nakikipaghiwalay kay Ara, hindi ko maiwasang isipin na isa sa inyo ay pinaglalaruan lang niya."

"W-what?" Mas lalo akong nagkunot-noo sa sinabi nito. "Isa sa amin ni Ariella? P-pinaglalaruan ni V-vincent?"

"Sana mali ako ng hinala Chelsea." Wika nito pagkatapos tumango. "Pero feeling ko, nirereserve ka niya. Para kapag tapos niya kay Ariella, sayo naman siya pupunta."

"Sh-shaira! He's not like that! How can you say that?" Pakiramdam ko nagulat ito sa pagtaas ng boses ko, pero thankfully she just kept it cool.

"Relax," Natatawa niyang sabi at napailing. Nagseryoso rin ito kaagad saka bumuntong-hininga. "Pero kasi Chelsea, ganoon naman lagi si Vincent. Pagkatapos niya sa isang girl may bago na siya agad. At 'yong bago niyang yon? Isa yon sa mga nilalandi niya habang may jowa siya." Grabe naman! Is that true?!

"B-but... we're just friends." Sabi ko kaya tumango-tango siya.

"I know na ganoon lang ang tingin mo sa kanya, pero nag-aalala pa rin ako."

"H-he told me that we're just partners in leadership." I pause for a while because my voice is shaking. "He... e-even told me not to fall for him coz we're just friends... and I... I respect that."

"Girl, just be careful okay?" Paalala niya pagkatapos tumango-tango sa sinabi ko.

"O-oo naman!" Sagot ko at pilit na tumawa para matanggal ang kaba ko. Bigla naman itong tinawag ng mga kasama niya para sa History quiz bee kaya nagpaalam na siya sa akin.

Naiwan akong nakatayo dito sa sulok, nakasandal sa may kabinet, at nakatingin sa lapag. Iniisip ko kung totoo bang ganoon si Vincent dahil ang daming nagsasabi nito. Siguro nga hindi pa kami magkakilala masyado... o baka naman hindi lang nila kilala si Vincent?

Bigla na lang may nagstomp ng paa sa sahig na tinititigan ko kaya nag-angat ako ng tingin.

"Hoy. Lalim ng iniisip ha?" Tanong ni Daixon na parang kina-calculate ang isipan ko. Napabuntong-hininga ako at umayos nang tayo.

School Life With YouWhere stories live. Discover now