15: I'm "not" a Charm (part four)

244 30 31
                                    

Chapter Fifteen
I'm (not) a Charm - IV

|Third Person's POV|

"Freya! My pretty inaanak!" Agad na lumapit ang mommy ni Violet para ibeso ang kanyang paboritong inaanak na si Freya. Ngayon pa lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon para lapitan ito dahil busy siya kanina sa pageentertain ng mga teachers ni Violet.

"Hi ninang Mich!" Bati ni Freya at tuwang-tuwa na bineso ang ninang nito.

"Glad to see you here hija! Hindi ko na kayo nawelcome kaninang dumating kayo, but you danced well by the way." Kumento ni Michelle. Halos kararating lang kasi nila Freya, Sean, at Hajie kaninang 16th dance ni Violet.

"Hahaha ako pa po ba? Anyways, it's kinda my fault medyo nalate kami ng dating kanina so hindi ko na po kayo nabati." Sabi ni Freya na napanguso pa.

Gusto talaga ni Michelle (mommy ni Violet) na maging magbestfriends din sila Violet at Freya katulad nilang dalawa ni Diana, ang mommy ni Freya. Pero hindi ito nangyari dahil magka-iba ang interest at group of friends nila Freya at Violet. Kahit na ganoon, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Michelle.

"It's okay, by the way... Sino itong dalawang gwapo na kasabay mo? Boyfriend mo na ba isa sa kanila?" Nakangiting tanong ni Michelle kaya natawa si Freya at hinawakan sa braso si Sean.

Hindi dapat sasama si Sean dito sa party pero dahil makulit si Freya, at gusto rin daw pumunta ng tahimik na si Hajie (pinsan ni Sean/kapatid ni Heather) wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang dalawa. Saka, gusto niyang bantayan ang pinsan nito kasi hindi niya alam kung bakit daw biglaang sumama si Hajie eh hindi naman daw ito sociable.

"Ninang, this is Sean Quintos, and his cousin Hajie Soriano. Sean, Hajie, this is my pretty Ninang Michelle, mommy ni Violet." Pakilala ni Freya kaya tumayo ang dalawang lalaki.

Ang iba nilang mga kasama na sina Gino, Ben, Jack, Zia, Kelly, at Cloe ay kasama ang ibang Corinthians sa pool area. Sina Sean, Freya, at Hajie lang ang narito sa table nila.

"Good afternoon po." Bati ni Hajie sabay mano kaya tumulad na rin si Sean kaya napabitaw sa kanya si Freya.

"Nako! Ang gwagwapo niyo! Sana may anak rin akong lalaki." Nakangiting sabi nito. "Teka... Soriano last name mo right?" Tanong ni Michelle kay Hajie kaya tumango naman ito.

"Kilala mo si Savannah Soriano?"

"Tita ko po." Sagot ni Hajie.

"She's my mom... po." Sagot naman ni Sean kaya nanlaki mga mata ni Michelle.

"Oh! Ngayon ko lang napansin, she look a lot like you!" Wika ni Michelle kay Sean.

Marami pang pinagsasasabi ang mommy ni Violet tungkol sa kung paano niya nakilala ang mommy ni Sean noon sa Empyrean Academy. Pero napatingin si Sean kay Chelsea nang mapadaan ito sa gilid nila habang may hawak na tray ng barbeque. Naalala nito na kailangan niya palang kausapin ang babae kaya ni-excuse niya ang sarili kila Freya, Hajie, at tita Michelle na magkakausap.

"Hey." Bati ni Sean kaya napahinto si Chelsea sa paglalakad. Nakatingin sa kanya ang lalaki na tila nakapag-patunaw ng puso ng babae.

"Y-you're here." Nahihiyang bati ni Chelsea. Bigla itong naging conscious sa suot niyang damit na bubble puff sleeve yellow dress with white flowers. Nakatali ng low ponytail ang buhok nito na mayroong white na ribbon.

Samantala, naka summer polo si Sean na may palm print, at naka-khaki shorts. Ang fresh niyang tignan kaya nahiya si Chelsea na tila pinagpapawisan na dahil sa pagtulong niya sa pagluto ng merienda.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon